Chapter 23: Underworld Invasion

32 5 0
                                    

Chapter 23
Third Person's POV

Sa unang paghaharap ng dalawang kaharian sa underworld, agad na ipinatikim ng Regundon Kingdom ang bagsik ng kanilang kamandag.

"Maganda ang stilo na ginawa mo Chance, ang lakas ng pagtalbog na ginawa ng iyong atake," galak na sabi ni King Daltus kay Chance Meyer.

Tunay ngang malakas at makapangyarihan ang taga-pagligtas na napili ng mahal na diwata.

"Dapat lang na matikman niya ang galit nang isang binatang pinagkaitan ng pagkakataon na makasama ang mga magulang niya," may halong galit na tunong pagkakasabi ni Chance.

Kasalukuyang nasa kaharian ang mag-ama. Ang pakiramdam nila sa underworld ay ganun parin sa orihinal na kinatitirikan ng Regundon Kingdom sa mortal world. Pinagkaiba lamang nila ay ang ilaw na tumama sa kaharian ng Regundon, dahil dito halos kadiliman at kulay ng nagbabagang apoy lang ang makikita.

Sa mga oras na ito ang digmaan sa underworld ay ipagpapatuloy ng dalawang kaharian.

"Sa tingin mo ba bata? Matatalo mo ako nang ganun-ganun lang. Huwag kang magkakamaling harapin ako dahil hindi mo kilala ang iyong kinakalaban," pagbabanta ni King Gasillius kay Chance. Ngiting may halong pang-iinsulto lamang ang ibingay ng mag-ama sa Supremo ng Phoerix.

Ang dalawang kaharian ay kasalukuyang nasa underworld battleground. Bawat kaharian ay may mga kaakibat na mga mandirigma at mga sandata.

"Hindi ka nga talaga niya kilala, dahil maliban sa kakaiba siya. Wala talaga siyang interes na kilalanin ka," tugon ni King Daltus.

Dahil sa sinabi niya agad na nag-iba ang timpla nang mukha ng Supremo ng Phoerix.

Si King Gasillius ay nagpapalit anyo na, ang mga mandirigma ng bawat kaharian ay umatras ng kaunti dahil sa kakaibang enerhiya na naramdam nila. Ang kaniyang katawang pantao ay nagbabagong-anyo katulad ng isang demonyo sa kaharian ng impyerno. Kasing-haba ng isang dragon, mahaba ang sungay at buntot. Nag-aalburoto sa galit kagaya ng isang sasabog na bulkan. Kaya naman nabahala ang mga mandirigma sa battleground ng underworld.

"Chance kami lang muna ang maghaharap ngayon, hindi mo pa lubos alam kung paano nagiging hayop ang Supremo na iyan pagdating sa paggamit nmg kapangyarihan," sabi ni King Daltus kay Chance. Tumango naman ang binata bilang pagsunod sa kaniyang amang hari.

Agad namang sinigurado ni King Daltus ang kaligtasan ni Chance, naalala niya ang ganitong eksena noong huli nilang paglalaban ni King Gasillius. 

"Kapangyarihan laban sa kapangyarihan pala ang gusto mo ha?" bulong niya sa kaniyang sarili.

Nagpalit anyo na rin ang Supremo ng Regundon. Mula sa katawang pantao nagkaroon ng dalawang pakpak kagaya ng anghel si King Daltus. Ang kulay ng kaniyang mala-anghel na pakpak ay nagbigay liwanag sa underworld.

Ang dalawang Supremo ay parehong lumilipad sa kalangitan ng underworld.

Malalakas na hiyaw ng sigaw na galing sa mga mandirigma ang naririnig ng binatang si Chance tanda na sumusugod na ang mga mandirigma nang bawat kaharian.

Nang magkaharap na ang mga mandirigma, kasama ang mga sundalo at ilang mga kawal ng bawat kaharian ay nagsimula na silang magpalitan ng espada. Ang ibang mga kawal ng Phoerix ay may hawak-hawak na dagger bilang sandata, kaya naman mabilis silang nakaka-patay ng kalaban.

Nagkakaroon din ng palitang pagsabog ng mga nuclear bombings ang bawat kaharian.

Kaya naman ang ibang mga mandirigma ay agad na nabawian ng buhay. Ang binatang si Chance ay pilit na ginagamit ang kakayahan na makipag-bakbakan gamit ang active imagery senses niya. Kampante naman ang binata dahil sa tulong nang kaniyang latex shade nakikita niya sa kaniyang isipan ang mga kilos at galaw ng bawat nakakaharap niyang kalaban.

Sa kalangitan ng underworld naghahalo ang puting ilaw at kulay ng apoy, kaya naman napapadaing ang mga tao sa battleground dahil sa sakit ng ilaw na tumatama sa kanilang mga mata.

"Ang iyong itsura Gasillius ay nababagay lamang sa iyong katauhan, isa ka ngang tunay na demonyo," pang-iinsulto ni King Daltus sa Supremo ng Phoerix. Kasalukuyang nasa ere ang dalawang Supremo.

"Mabuti at alam mo, tandaan mo ang demonyong ito ang tatalo at magpapa-bagsak sayo," mas lalong ginanahan si King Gasillius sa pagtawag sa kaniya ng demonyo.

"Kung natalo mo man ako dati pwes hindi na iyon mauulit pa, dahil ngayon ako naman ang mananalo sa digmaan na ito," bumuga ng apoy si King Gasillius at agad na tumama sa direksyon ni King Daltus.

Nagalusan ang kaliwang pakpak ni King Daltus, pero hindi ito nakaapekto dahil kaya nitong pagalingin ang kaniyang nagalusang pakpak.

Sa galit ng Supremo ng Regundon, gumawa siya ng maikling konsentrasyon at tinawag ang kapangyarihan ng thunder bolts mula pa sa mortal world at inatake niya sa diereksyon ng Supremo ng Phoerix.

Dahil sa sobrang lakas ng dating ng kapangyarihan ni King Daltus nagawa nitong mapabagsak si King Gasillius sa battleground.

Nataranta ang mga mandirigma sa battleground dahil sa pagbagsak nang isang malaking nilalang. Mabilis naman na nakabangon si King Gasillius, dahil sa kagustuhan niyang gumanti. Lumikha siya ng fireball na ang temperatura ay aabot sa 5000 degrees celsius, kasing-init ng araw.

Mula sa battleground inatake ni King Gasillius ang fireball sa direksyon ni King Daltus. Ang higanteng apoy na bola na papalapit sa Supremo ng Regundon ay ginawan agad ng thunder shield.

Dahil sa depensa nang thunder shield ni King Daltus ang fireball ni King Gasillius ay bumalik sa battleground. Sa sobrang lakas ng pagkaka-depensa ni King Daltus, ang malaking bolang apoy na ito ay naghiwa-hiwalay sa kalupaan.

Ang lahat ng mga tao sa battleground kasama ang binatang si Chance ay agad na nagtago sa mga lugar na may ligtas na mapagtataguan. Mula sa kalangitan ng underworld laking pasalamat ni King Daltus dahil agad na pinakiramdam ni Chance ang enerhiya ng kapangyarihan ni King Gasillius.

"Sa tingin mo ba matatalo mo na ako nang ganong depensa lamang?" sabi ni King Gasillius pagkatapos maglaho ng mga apoy sa kalupaan.

"Hindi, pero huwag kang magalala dahil sa susunod sinisigurado ko na mapapatumba na kita," sabay na dumagundong ang kalangitan ng underworld dahil sa poot ni King Daltus.

Agad naman na pinuntahan ni King Daltus ang kinaroroonan ni Chance. Laking pasalamat ng hari na ligtas ang binata.

Sa tagpong ito ang labanan ng dalawang Supremo ay patas lang, wala pang panalo at walang tao.

Fallen World of PhoerixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon