Chapter 13
Third Person's POVDahil sa kung ano-anong problema ang pumapasok sa isipan ni King Gasillius, naisipan niya na bumisita sa kaniyang nakababatang kapatid na si King Nitron.
Sa tuwing may pinagdadaanan ang Supremo kay King Nitron siya lumalapit upang magpagaan ng loob.
Sakay ng kanilang latest airship na gawa ng mga workers, na dinisenyo ang engine to have a faster speed for travelling. Ikinagagalak ng Supremo sa tuwing gumagamit siya ng mga invention na mula sa kaniyang mga covered constituents.
Kaya maunlad ang Phoerix dahil sa mga intelligent invention ng mga workers, at ito lamang ang tanging pinapahahalagahang antas ng mga tao sa kaniyang Kingdom.
Nagpa-annunsyo rin ang heneral ng mga sundalo na bibisita ang Supremo sa Rhiptus Kingdom upang dalawin ang kaniyang kapatid.
Ibig sabihin lahat ng nasasakupan ng Rhiptus ay magbibigay-pugay ngayon sa pagdating nang Supremo.
Sa loob ng isang buwan bihira lamang dumalaw ang Supremo sa kaniyang mga kapatid. Hindi sila nagkakaroon ng oras upang magkita-kita dahil abala silang lahat sa pamamahala nang kanilang mga kaharian.
"Mahal na Supremo nandito na po tayo sa kaharian ng Rhiptus." Ipinarada ang airship na sinasakyan nila sa malawak na parking space sa harapan ng kaharian ni King Nitron.
Tahimik at buong puso ang ipinapakita ng mga nasasakupan ng Rhiptus. Bilang paggalang sa mahal na Supremo.
Sa paglalakad ng Supremo mula sa kinalalagyan ng kaniyang airship ay may red carpet na nakahanda para sa kaniyang pagpasok sa Rhiptus Kingdom.
Ang mga sundalo at mga kawal ay naka-saludo habang ang ibang mamamayan ay nagbigay-pugay sa kataas-taasang hari ng Stalerian society.
Tanging mga yapak ng paa lamang ni King Gasillius ang nagbibigay ingay sa labas ng kaharian.
Sa loob ng Rhiptus Kingdom, nagaantay ang mahal na haring si King Nitron at si Princesa Eliah.
"Mahal na hari paparating na po ang Supremo." Marahang wika ng isang kawal sa harapan ng hari.
"Papasukin niyo siya rito." Utos ng hari sa kawal.
Dahil nasa ikatlong palapag nang kaharian ang kinauupuang trono ni King Nitron. Inabot ng ilang minuto bago makarating si King Gasillius. Hindi siya gumamit ng power para mapa-bilis ang kaniyang paglalakad, ayaw niya ng destruction sa presence of mind niya.
Sa bawat dinadaanang sulok ng Supremo ay nakayuko at nagbibigay respeto ang mga nagta-trabaho sa loob ng kaharian.
"Magandang araw po mahal na Supremo." Pagbati ng mga kawal na nagbabantay sa pinto ng trono ni King Nitron.
Tanging isang blangkong tingin lamang ang isinagot ng Supremo. Binuksan ang pinto ng isang kawal at pumasok na ang Supremo. Ang mga sundalong kasama ng Supremo ay naiwan sa labas.
"Kumusta ka aking kapatid?" Salubong ng Supremo kay King Nitron, habang naglalakad ito papalapit sa kaniyang trono ay nagbigay ito ng matamis na ngiti sa kaniyang kapatid.
"Ikaw kumusta ka rin mahal kong bunsong kapatid?" Inakap nila ang isa't-isa. Kung gaano kalupit ang Supremo sa kaniyang nasasakupan, ganon naman siya kahina at kabait pagdating sa kaniyang nakababatang kapatid.
Isa sa mga bagay na hindi makakalimutan ng Supremo na turo nang kanilang mga magulang ay ang mahalin at alagaan nila ang isa't-isa.
"Ito ganun parin ayos naman ang aking pamumuno." Sagot ng Supremo. Napansin niya sa tabi ng hari ang kaniyang dalagang pamangkin, kaya agad niya itong linapitan.
"Kumusta kana mahal na Princesa?" Galak na tanong ni King Gasillius sa dalaga.
"Ganon parin mahal na hari, mas lalong lumalakas pagdating sa labanan." Mula pagkabata hindi parin nagbabago ang katangian ng Princesa, modest at down to earth parin.
"Marapat lamang Princess Eliah, dahil sa susunod na mga panahon ikaw na ang magpapatakbo sa kaharian ng iyong ama." Sa bawat kaharian ay pwedeng maging tagapamuno ang mga babae basta sila ay napapabilang sa mga noble bloods.
"Opo mahal na hari." Labis ang ngiting ibinigay ng Princesa sa kaniyang Supremo. Ganon din ang galak ni King Nitron, ayaw man niyang humawak sa kaniyang Kingdom ang kaniyang anak, dahil ito ay babae ngunit wala siyang magagawa dito dahil ito ang nakatakda.
"Munting Princesa maaring iwanan mo muna kami ng aking mahal na kapatid, magkakaroon lamang kami ng masinsinang pag-uusap." Tugon ni King Nitron sa kaniyang anak.
"Opo amang hari." Agad namang sumang-ayon ang dalaga at naglakad palabas nang kaharian ng kaniyang amang hari.
"Doon tayo mag-usap." Ang tinutukoy ni King Nitron ay ang mesang pangdalawahan para sa kanilang komportableng pag-uusap.
"Ano naman ang kalagayan ng iyong kaharian ngayon?" Tanong ng Supremo kay King Nitron.
"Ganon parin mas lalong progressive dahil sa tulong ng mga mamamayan ko. Sa iyong kaharian kumusta naman?"
"Mabuti naman at naitanong mo. Kung alam mo lang kung gaano ako nakaramdam ng kawalan dahil sa pagkonti ng aking mga nasasakupan." Nakaramdam ng lungkot ang hari sa kaniyang kapatid na Supremo. Pero ang hindi niya alam ay siya rin pala ang dahilan nang kawalam sa kaniyang kaharian.
"Ikinalulungkot ko 'yan aking kapatid. Sa tingin ko magandang ideya kung ililipat ko ang iba kong mamamayan sa iyong kaharian." Nagulat ang Supremo sa sagot ng kaniyang kapatid.
"Hindi na kailangan Nitron, may alternatibo na akong plano ukol diyan." Tumanggi ang Supremo sa handog ng kaniyang nakababatang kapatid.
"Iyan ang hinahangaan ko sayo palagi kang may reserbang plano."
"Siyempre ako pa. Ako yata ang pinakamatalino sa ating magkakapatid." Pagmamalaki ni King Gasillius.
"Pero ako naman ang pinaka-mabait." Napuno ng halakhakan sa loob ng kaharian ni King Nitron. Nagtaka naman ang mga kawal sa labas ng kaharian dahil sa narinig nilang tawanan nang magkapatid.
Madalang lang mangyari ang ganitong pagkakataon, kaya sinulit ng magkapatid ang kanilang usapan.
"Kung ano man ang pina-plano mo Gasillius dapat lang na hindi mo iyan ituloy, alam kung gagawa ka na naman ng kasamaan sa iyong mga nasasakupan." Dagdag pa ni King Nitron.
Napaisip ang Supremo ng Phoerix sa sinabi ng kaniyang nakababatang kapatid. Alam niya kung paano magbigay ng payo ang kaniyang kapatid, siyempre para sa kaniyang kabutihan.
Kaya naman ang kaniyang masasamang plano tungkol sa mga bihag na mga kababaihan ay hindi na niya itutuloy.
Sa pagdalaw ni King Gasillius sa kaniyang kapatid na si King Nitron, nakaramdam siya ng breath of relief kahit papaano dahil nagkaroon siya ng makakausap tungkol sa kaniyang pinagdadaanan.
BINABASA MO ANG
Fallen World of Phoerix
Fantasía[ S Y P N O S I S ] Staleria- is a State where society takes the political, economy, socioeconomic, and racial inequality, this movement is called Stalerianism. Composed of three Kingdoms- Oceanus, Rhiptus and Phoerix. Ang Phoerix ang pinaka-centro...