Chapter 25
Third Person's POV"Ama mas mabuti pa kung ako nalang muna ang lalaban para sa kaharian natin," tugon ni Chance kay King Daltus. Pinakiramdam ni Chance Meyer ang sugat sa katawan ni King Daltus. Labis ang epekto nito sa systema ng kaniyang fighting skills.
"Kakayanin ko pa naman Chance," pinipilit pa ring iparamdam ni King Daltus kay Chance na hindi siya lubusang nasaktan dahil ayaw niyang nagaalala ito sa kaniya.
"Ama huwag ka nang magpumilit kaya ko namang ipanalo ang digmaan na ito sa tulong ng aking kapangyarihan, ng ating mga kawal at mandirigma, kaya ipag-paubaya niyo nalang po ito sa amin," kinukombinsi ni Chance na bumalik lang muna sa kanilang kaharian ang kaniyang ama. Doon alam niyang mababantayan at maaalagaan siya ng kanilang mga kawal.
"Tama ka Chance dapat ngayon mas maniwala pa ako sa kakayahan mo, lalo pa at ikaw ang taga-pagligtas ng Phoerix."
Sa battleground ng underworld pinalilibutan ng mga kawal at mandirigma ang kanuilang Supremo na si King Daltus. Habang ang Supremo ng Phoerix ay abot langit ang ngiti dahil sa nakikita niyang paghihirap ng kaniyang malupit na katunggaling hari.
"Magtiwala kayo sakin ama, makukuha natin ang kapayapaan para sa Phoerix," inakap ni Chance ang kaniyang amang hari.
"Sige yakapin mo pa ang hari mo dahil sinisigurado ko ito na ang huling pagkakataon nang inyong pagkikita," mapang-insultong tugon ng Supremo ng Phoerix. Ang mga kawal at mandirigma ng Phoerix ay nagsitawanan sa sinabi ng kanilang Supremo.
Dahil sa sinabi ni King Gasillius mas lalong uminit ang pakiramdam ni Chance sa Supremo.
Bumitiw na si Chance sa pagkakayakap sa kaniyang amang hari at lumingon sa kinaroroonan ng Supremo.
"Siguraduhin ninyo ang kaligtasan ng aking ama," agad namang inilayo ng mga kawal si King Daltus at ibinalik siya sa kaharian ng Regundon.
Pinakikiramdam ni Chance ang enerhiya sa kaniyang kapaligiran. Nakatayo ang binata sa harap ng kabilang kaharian, suot-suot ang itim na jacket na abot hanggang sa kaniyang paa, ang kaniyang latex shade at anting-anting bilang source of energy.
"Hindi kapa rin ba nakakaramdam nang takot sakin bata o sadyang manhid kalang!?" Mula sa mala-dragon na itsura ng Supremo ngayon ay bumalik na ito sa pagiging normal. Dahil sa epekto ng mga kapangyarihan na natatanggap niya sa kaniyang katawan.
Pagkaraan ng ilang segundo wala pa ring kibo ang binata.
"Bingi kana rin ba bata? Akala ko ba bulag ka lang!" Isinasagawa pa rin ni Chance ang kaniyang konsentrasyon.
Dahil sa hindi pagkibo nang binata kay King Gasillius naging sanhi ito para hindi makagtimpi nang galit ang Supremo. Gamit ang kaniyang buong lakas sinugod niyan ang binata, dahil sa lakas ng epekto nito nadala ng Supremo ang buong katawan ng binata at bumangga ito sa isang bakanteng kastilyo ng underworld.
Sa paunang sugod ng Supremo ng Phoerix nagbigay alarma ito sa mga mandirigma at kawal ng kabilang kaharian na ipagpapatuloy na naman ang digmaan.
Agad naman na nagpalitan ng atake ng mga sandata ang mga mandirigma at kawal ng bawat kaharian.
Nagulat ang Supremo ng Phoerix nang nawala na ang mga usok na nalikha ng kaniyang pag-atake, hindi siya makapaniwala na dapat kasama niya ang binatang si Chance sa pagbagsak sa bakanteng kastilyo.
Hindi maipaliwanag ang reaksyon ng Supremo dahil sa kaniyang nakita. Akala niya na kasama rin si Chance sa pagbagsak at magiging dahilan na ito nang maagang kamatayan ng binata.
Paglingon niya mula sa kinatatayuan nila kanilang dalawa, laking gulat niya nang makita niyang nakatayo habang pinapaood lamang siya ng binatang si Chance sa posisyon nilang dalawng kanina. Tinitignan lamang ng kawalan, walang reaksyon si Chance at hindi man lang kahit konting galos ang tumama sa katawan niya.
"Paanong nangyari...?" tanong ng Supremo sa kawalan.
He concentrate with his full presence of his body, then suddenly the surroundings of underworld cause a rapid electricity vibration.Lahat nang mga tao sa battleground nang underworld ay nawalan ng balanse sa sarili at ang iba ay nahimatay pa.
Ang Supremo ng Phoerix ay naapektuhan din sa kuryenteng nilikha ni Chance. Napektuhan nito ang kaniyang isang parti nang utak.
"Kakaiba nga bata ang mga nalilikha mong kapangayrihan, pero hindi parin iyon sapat para mapatay mo ako," sabi ni King Gasillius habang tumatayo mula sa pagkakatumba.
Tahimik parin ang binata, walang mga salita na lumalabas sa kaniyang bibig.
Dahil sa heat pressure nang body system ni King Gasillius nabalot ang kaniyang katawan nang nag-aalab na apoy. Kaya umabante ang ilang mga mandirigma at kawal ng dalawang kaharian dahil sa init na dala nang apoy ng Supremo.
Lumikha ng horizontal firing ang Supremo at itinutok ito sa direksyon ng binata. Nasagi nang kaunti ang binata sa kaniyang kaliwang braso, pero wala siyang natamong sugat.
Ang akala nang Supremo na walang ginawa ginawang atake ang binata nghunit meron pala.
May papalapit na swinging pendulum blade sa likuran ni King Gasillius, ngunit agad naman itong natunaw dahil sa over temperature nang apoy ni King Gasillius sa katawan."Mautak ka nga bata, pero huwag mong kakalimutan na ako ang hari ng mga apoy, lahat ng bagay na dumadampi sakin ay natutunaw. Kaya siguraduhin mong hindi papalya ang plano mo," ang paraan ng Supremo sa pakikipaglaban sa binata ay parang laro lamang sa kaniya.
Alam niya na hindi pa gaano kabihasa si Chance sa pakikipaglaban.
"Kung ikaw ang hari ng mga apoy, ako naman ang pinaka-makapangyarihang nilalang," dahil sa hindi mapigilang emosyon nang binata nagsalita na siya laban sa Supremo.
Papalapit ang binata sa Supremo, diretso lamang ang paglalakad nang binata, animo'y hindi bulag na kitang-kita ang kaniyang tinatapakang daan.
Nagtataka ang Supremo dahil sa kung anong binabalak nang binata sa kaniya.
Walang takot na lumapit si Chance sa harapan nang Supremo. Wala siyang pakialam kahit nagbabaga paman ito sa apoy.Mata sa mata ang tinginan ng dalawang magkaaway.
"Gusto ko lang itanong sayo kung nasaan ang aking tunay na mga magulanmg?" tanong ng binata sa Supremo ng Phoerix.
Tinawanan ni King Gasillius ang sinabi ng binata."Sa tingin mo may pakialam ako sa kanila?" sabi niya sa nakaka-insultong tanong.
"Sagutin mo ang tanong ko," ma-awtoridad na tugon nang binata, dahil sa inasal ng binata sa Supremo nag-iba ang timpla ng itsura ni King Gasillius.
"Anong pakialam ko sa kanila, isa lamang silang mga hamak na basura saking kaharian. Kaya kung nasaan man sila ngayon, nararapat lamang iyon sa kanila."
Sa sinabi nang Supremo mas lalong nainis ang binata sa kaniyang kaloob-looban.
Dahil sa poot nang binata lumikha siya ng malakas na hangin na iniatake sa Supremo. Sa lakas ng air pressure nang hangin ni Chance napatay nito lahat ng apoy na nakapalibot sa katawan ni King Gasillius.
Hindi makapaniwala ang Supremo na nakayang patayin nang binata ang kanioyang kapangyarihang apoy.
Patuloy parin ang digmaan ng dalawang kampo ng kaharian. Ang bawat kaharian ay unti-unti nang nababawasan ang kanilang mga mandirigma at mga kawal.
Mas dinamdam pa nang binata ang kaniyang galit sa Supremo, kaya naman gamit ang kaniyang kapangyarihang lumikha ng mga bagay. Gumawa siya ng matalis na sandata na may lason sa unahang bahagi nang sandata. At itinusok ito sa may pusong bahagi nang Supremo ng Phoerix. Dahil walang kapangyarihang lumabas sa katawan nang Supremo, agaran siyang natablan nang sandata ni Chance.
Natigil ang digmaan ng dalawang kaharian dahil sa pagbagsak ng Supremo ng Phoerix.
Wala nang nagawa si King Gasillius dahil buhay na kinuha sa kaniya. Kahit anong lakas pa nang kaniyang kapangyarihan kung sa may bahagi nang puso siya natamaan, talagang mawawalan siya ng buhay.
BINABASA MO ANG
Fallen World of Phoerix
Fantasy[ S Y P N O S I S ] Staleria- is a State where society takes the political, economy, socioeconomic, and racial inequality, this movement is called Stalerianism. Composed of three Kingdoms- Oceanus, Rhiptus and Phoerix. Ang Phoerix ang pinaka-centro...