Chapter 3: Laws of Staleria

110 16 0
                                    

Chapter 3
Third Person's POV

Nahahati sa tatlong kaharian ang State ng Staleria- ang Rhiptus, Oceanus at ang lumihis sa taliwas na daanan na kaharian—ang Phoerix.

Kakaiba ang batas na ipinapatupad sa bawat kaharian ng Staleria. Sa tatlong kaharian ng Staleria, ang trono kung saan pinamamahalaan ni King Gasillius ay ang may pinaka-strikto na mga batas. Bata man o matanda ay walang kawala pagdating sa panunungkulan.

Sa bawat kaharian ay may tatlong uri ng mga mamamayan.

Bilang tanda ng pagkaka-kilanlan sa kanila, ang worker, sila ang mga ordinaryong tao na biniyayaan ng kakaibang kakayahan na maging malikhain at matalino pagdating sa teknolohiya at agham ng science.

Ang peasant sila ang nasa gitna ng antas ng pamumuhay sa Staleria. Sila ang mga mamamayan na ang pang-habang buhay na katungkulan ay sa minahan, lahat ng kanilang namiminang ginto ay sa Supremo napupunta.

Ang antas ng beggar, ito ang pinakamababa sa lahat ng antas sa Staleria, sila ang higit na pagod sa lahat ng uri ng mamamayan. Ang kanilang katungkulan ay ang pag-aalaga ng mga natural resources sa Phoerix Kingdom. Ang mga falls, forests, mountains, at farms. Sila ang higit na pagod sa araw-araw nilang tungkulin.

Naniniwala si King Gasillius na kapag ang isang mamamayan sa kaniyang kaharian ay tumungtong na sa limampung gulang, ay mahina na ito. Kaya agaran niyang ipinapapatay sa kaniyang mga sundalo ang sinumang mahina na ang katawan at wala nang silbi sa kaniyang kaharian.

Worker, kapag ang isang mamamayan ng worker ay hindi nakagawa ng malaking ambag o imbensyon sa loob ng sampung taon nang kaniyang panunungkulan ay agad na ipapa-putol ang mga daliri sa milling machine bilang kaparusahan. Dahil para sa Supremo ang mga ganung tao ay nagsasayang lamang ng panahon sa mortal world para mabuhay.

Ang mga mamamayan ng peasant at beggar upang hindi mapatawan nang parusa ay dapat sa loob ng isang buwan ay mag-alay ng kagamitan o mga pagkain na kanilang pinaghirapan at pinag-trabahuan sa Supremo.

"Lahat ba ng aking nasasakupan ay nakapagbigay na ng buwis?" Dito sa Phoerix, ang buwis ay hindi pera kundi gamit o pagkain galing sa mga ordinaryong mamamayan.

"Hindi lahat mahal na hari, may isang mamamayan nang beggar ang hindi nakapagbigay nang buwis ngayon." Sagot ng assistant ng heneral ng mga sundalo.

"At sa anong kadahilanan naman sila hindi nagbigay ng buwis sakin? Mga lapastangan sila!" May halong inis ang tuno ng Supremo, kahit kunting biyaya na galing sa mahihirap na mamamayan ay hindi niya pinapalagpas.

Pinuntahan mismo ni King Gasillius ang bahay ng lalaking hindi nakapag-bigay ng buwis. Pagdating nila sa munting lupain ng mga beggar ay nagsitago agad ang mga mamamayan dahil sa paunang takot na kanilang naramdaman. Alam nila na minsan lang dumalaw sa lupain nila ang Supremo, at kung bumisita ito ay hindi lumilisan na walang nasasaktan o nasasawi.

"Patawad mahal na hari subalit walang-wala talaga kaming maibibigay sa inyo ngayon..., sa katunayan kami ng pamilya ko ay hindi pa po nakakakain mula kagabi." Bakas sa mukha at katawan ng lalaki ang paghininagpis dahil sa mapayat nitong katawan at reaksyon ng mukha.

"I don't care for your stupid reasons, basta ang sakin kung ano ang gusto ko ay dapat masusunod agad."

Humagulgol na ng iyak ang kaniyang asawa at ang pitong taong gulang nilang anak na babae dahil sa takot. Nanlilisik ang mga mata ng Supremo na nakatingin sa lalaki na animo'y anumang oras pwedeng niyang kunin ang buhay ng lalaki.

Dahil sa galit ng Supremo ay nagliyab agad ang kaniyang katawan sa apoy, na siyang dahilan ng malaking pagkabahala ng pamilya ng lalaki. Ang mga kapitbahay ng mag-asawa ay naawa sa dalawa dahil sa kung anong gagawin sa kanila ng Supremo.

Hindi na napigilan ang pagiging mapusok ng Supremo, lumikha siya ng big round fire sa dalawang niyang mga palad at itinapon sa tagpi-tagping bahay ng pamilya ng lalaki.

Sinubukang lumabas ng pamilya sa nasusunog nilang bahay ngunit hinabol parin sila ng apoy ni King Gasillius. Walang magawang tulong ang kanilang mga kapitbahay, kundi pagmasdan nalang silang nasusunog. Tanging mga sigaw nalamang ang pinapakawalan ng mga kawawang ordinaryong mamamayan upang maibsan ang kanilang sakit na nararamdaman. Pero mas lalo pang pinalakas ni Supremo ang apoy na ibinato sa tatlo, kaya sa katapusan ng kanilang pagdurusa ay kamatayan ang kanilang kinahantungan.

Walang awa si King Gasillius sa pagtrato sa kaniyang nasasakupan, kung naisin niyang mawala ito sa mortal world ay gagawin niya.

Minsan ay sinusunod parin ng Supremo sa kasalukuyan ang dating batas ng Stalerian society, kumbaga reactionary siya na pinaghahalo ang tradisyon at kasalukuyang batas, na kunin ang mga batang anak na babae at lalaki sa bawat pamilya. Para tipunin sa isang paggawaan at gamitin kung sakaling pwede na silang isalang sa mga tungkulin.

Ang mga batang lalaki ay sinasanay upang maging magaling na manggawa ng mga skyscraper at buildings. Samantala ang mga babae ay pinapalaking malinis ang pagkatao sa labas at sa loob upang gawing paanakan sa Phoerix Kingdom ng mga sundalo.

Patunay ito na walang pinipili ang kaharian ng Phoerix kung sino ang kanilang lalapastanganin, maging bata man o matanda.

Para sa mga taong nagkakasala maging maliit man o malaki ay deathly punishment ang ibinibigay ng Supremo, sa paraang eletrica silia o beheading. Kaya naman sa Phoerix Kingdom ay walang masyadong record ng crimes, dahil sa takot ng mga tao sa kaparusahan na maari nilang matanggap.

Walang proper education ang mga ordinaryong bata, tanging mga anak ng nakakataas lamang ang nakakaranas ng edukasyon. Kahit pinagkaitan ng karapatan na matuto ang mga mamamayan ng Phoerix ay hindi parin nawala sa kanilang ang mga katangian ng pagiging marespeto, mabait, madiskarte at malikhain. Ito nalang ang tanging yaman na maipapamana nila sa kanilang mga anak.

Mahirap man para sa kanila ang katayuan na buhay meron sila ngayon ay hindi sila nagpapadala sa bansang walang kinikilalang batas at karapatang pantao.

Ang tanging karapatan na masasabi nila na natanggap nila ay ang karapatang mabuhay, pero dulot naman nito ay paghihirap at pagdurusa sa mortal world.

Subalit hindi hinangad ng mga mamamayan ng Phoerix ang mamatay o lisanin ang mortal world dahil para sa kanila isang magandang biyaya para sa kanila ang mabuhay sa mortal world kahit ganito ang kanilang karanasan.

Fallen World of PhoerixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon