Chapter 24: Encounter

35 5 0
                                    

Chapter 24
Third Person's POV

Sa pagpapatuloy ng digmaan sa underworld. Bumangon si King Gasillius at bumuo ng fireball sa kaniyang mga palad.

Ang Supremo ng Regundon ay naghanda para sa pagtanggap ng pangalawang atake mula sa Supremo ng Phoerix.

Doble ang laki ng fireball na iaatake ng Supremo kumpara sa nauna niyang inatake.

Patuloy parin sa digmaan ang dalawang kaharian, nababawasan na ang ilang mandirigma ng bawat kaharian. Ang mga kawal ni King Gasillius ay mabilis na nabawasan, dahil mas malakas ang pwersa ng mga mandirigma ni King Daltus.

Ang binatang si Chance Meyer ay sinusubukan parin na makipag-bakbakan sa ibang mga mandirigma ng kabilang kaharian.

Inihanda ni King Daltus ang kaniyang thunder shield, protkesyon sa kung ano mang pwersa na dadating sa kaniya sa pangalawang atake ni King Gasillius.

Sa isang kislap ng mga palad ni King Gasillius agad na bumiyahe ang fireball papunta kay King Daltus. Lingid sa kaalaman ng hari ng Regundon na may side effect ng poisonous gas ang fireball na inatake sa kaniya.

Sa pagsalo ni King Daltus sa fireball ni King Gasillius ang kaniyang thunder shield ay agad na natunaw dahil sa sobrang init na dulot ng apoy. Kaya mabilis na nasalo nang kaniyang katawan ang apoy na dala ng atake ni King Gasillius. Dagdagan pa ng poisonous gas na naging dahuilan para mawalan ng hininga ang hari. Mula sa kalangitang ng underworld ang Supremo ay nawalan ng malay at bumagsak sa lupa.

Ang mga kawal ng Regundon ay agad na nabahala sa ginawang pag-atake ng Supremong si King Gasillius sa kanilang hari.

"Ngayon nasan ang tapang mo Daltus, akala ko ba tatalunin mo ako ngayon?" Nilapitan ni King Gasillius ang lokasyon kung saan bumagsak si King Daltus. Ngising nanghahamon at pang-iinsulto ang ibinigay ng Supremo.

Nakaramdam ng negative energy si Chance sa maaaring gawin sa kaniyang ama, kaya agad niyang tinunton ang lokasyon nila.

"Ama ayos ka lang ba?" Tanong ni Chance sa kaniyang amang napahandusay sa battleground ng underworld.

Lahat ng mga tao sa underworld sa kanilang tatlo nakatutok ang attensyon.

"Nagalusan lamang ako, malayo pa ito sa bituka hindi pa ako mamamatay," mabagal na tuno na pagkakasabi ng Supremo ng Regundon.

Kahit hindi sabihin ni King Daltus ang kaniyang nararamdaman, nakikita ni Chance sa kaniyang vivid imagery ang tinamo ng kaniyang ama. Nangalahati ang nasunugang parti ng kaniyang pakpak.

"Huwag ka nang mag-maang maangan pa Daltus, bakit hindi mo nalang sabihin diyan sa bulag mong anak na labis ang iyong natamong sugat dahil sa lakas nang aking kapnagyarihan," sabay ngisi ng Supremo ng Phoerix. Nakatayo lamang siya sa gilid ng mag-ama habang pinagmamasdan na nahihirapan ang hari ng Regundon.

Dahil sa narinig nang binata sa pagtawag sa kaniya nang hindi kaaya-aya, tumaas ang antas ng kaniyang pag-iisip.

"Panahon na Chance para makaharap mo ang taong nagkait ng pagkakataon sayo na makasama mo ang iyong mga magulang," mas lalong ginanahan si Chance na banggain ang Supremo ng Phoerix sa tuwing naalala niya ang kaniyang nakaraan.

Bumunot ng sandata si Chance sa kaniyang kaliwang hawak. Suot ang kaniyang latex shade at anting-anting na bigayu sa kaniya ng kaniyang ama, ngayon ay kakalabanin niya ang mabngis na Supremo ng Phoerix.

"Hinahamon kita sa isang labanan, at kung umayaw ka sa alok ko siguraduhin mo lang na tanggap mo na ang pagkatalo mo," sa isipan ni King Daltus humanga siya sa tapang ng kaniyang anak.

"Bata hindi ito ang oras para makipag-biruan sa isang digmaan. Pero kung ipagpipilitan mo man, pwes pagbibigyan kita sa kahilingan mo," naging seryoso ang mga nag-aalab na mata ni King Gasillius.

Agad namang kinuha ng mga kawal ang nanghihinang katawan ni King Daltus.

Mabangis na nilalang laban sa isang inosenteng binata.

Ikinampay-kampay ni King Gasillius ang kaniyang mga pakpapk kaya naman nakalikha ito nang malakas na hangin na naging dahilan para mawalan nang balanse si Chance sa kaniyang katawan.

Pero hindi ito naging dahilan para mawalan nang tiwala ang binata sa kaniyang sarili. Bawat mga tunog at kilos sa kaniyang paligid ay pinakikiramdam niya.

Kumuha ng lakas si Chance at inihagis ang kaniyang espada sa kalangitan, sa 360° rotation ng kaniyang espada hindi nito natamaan si King Gasillius sa kaniyang direksyon bagkus binato rin niya ito ng apoy na siyang tumunaw sa sandata ni Chance.

Lumilipad pababa ang hari at tina-target niya ang lokasyon ni Chance. Naalarma si Chance sa gagawing pagsugod sa kaniya ng Supremo, kaya sa kaniyang isipan lumikha siya ng transparent giant shield kaya nang papalapit na sa kaniya ang Supremo ay tumilapon ito ng malakas.

Ang malakas na tunog na pagtilapon ng Supremo ay tanda para sa binata ng may kakayahan nga siyang lumikha ng mga bagay-bagay na maaari niyang gamitin sa digmaan.

Ang sinasabing kapangyarihan ng diwata sa kaniya ay hindi pa niya lahat nadi-diskobrehan.

Napadaing si King Gasillius sa lakas ng kaniyang pagbagsak.

Lumikha ang Supremo ng fire grounding sa battleground ng underworld. Ang apoy ng Supremo ay mabilis na naglalakad papunta sa direksyon ni Chance.

Kaya bilang depensa ng binata inihipan niya nang may mabilis na air velocity ang apoy sa battleground. Mabilis namang naglaho ang mga apoy ng Supremo, kaya mas lalong nainis si King Gasillius dahil sa kakayahan nang binata.

Namangha ang mga tao sa nasaksihan nilang liksi ng binata kahit paman ito ay walang nakikita sa kaniyang paligid nagagawa parin niyang lumaban ng magaling.

"May taglay ka ngang lakas bata pero hindi iyon sapat para mapabagsak mo ako dahil ako parin ang pinaka-makapangyarihang nilalang sa mundo," sa sobrang galit ng Supremo nagliyab ang kaniyang buong katawan at pati ang kapaligiran ng underworld ay nilamon ng apoy.

"Kung totoo nga iyan pwes patunayan mo sakin angh lakas mo,"

Susugod na sana si King Gasillius kay Chance pero napatigil siya dahil sa biglaang paglitaw ng napaka-silaw na ilaw mula sa kakaibang nilalang sa ibang dimensyon.

Naramdam ni Chance ang enerhiya mula sa kakaibang nilalang na biglang sumulpot sa kalagitnaan ng kanilang digmaan at ito ang mahal na diwata ng kapalaran.

"Magiging madugo nga ang digmaan na ito, walang susuko at walang mababawian nang buhay." Makinang ang diwata sa suot niyang white-gold na damit. Ang ilaw sa kaniyang katawan ay nagbigay ng kaliwanagan sa underworld.

"At sino ka naman? Ikaw ba ang sinasabi nilang diwata ng kapalaran?" walang-galang na tanong ng Supremo sa diwata.

"Oo at nandito ako para sabihin ang isang balita para sa inyo," bumaba mula sa ere ang mahal na diwata, pagtapak niya sa lupa ay para nalang siyang isang normal na babae.

"Ayon sa kasulatan dito sa aking libro ng kapalaran pahina 45 'isang buhay ang magiging kapalit tungo sa kaayusan ng dalawang kaharian'. Pero hindi ko natitiyak kung kaninong buhay ang mawawala dahil walang nakasaad na pangalan dito."

"Sa tingin mo may pakialam ako diyan sa sinasabi mong kapalaran!?" inatake ng Supremo ang mahal na diwata ng kaniyang apoy. Pero agad naman na naglaho ang presensiya ng mahal na diwata sa battleground ng underworld.

Ang propesiya ng diwata ng kapalaran ay nagaganap sa takdang panahon ayon sa libro ng kapalaran.

Fallen World of PhoerixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon