Chapter 18
Third Person's POVIsang malaking pagpupulong ang gaganapin ngayon sa World Leaders Convention sa lokasyon ng pinaka-sentro ng economic trade ng bawat bansa dito sa mundong ibabaw. Ang bawat mga kaharian ay required na umattend sa event na ito, dahil once a year lang itong idinaraos at ito ang pagkakataon para magkaroon ng open communication ang bawat mga hari.
Ang layunin nito ay political peace sa bawat kaharian. Bawat Supreme o King ng kaharian ay required na maging guest speaker sa harap ng conference. To open and share their grievances or success sa kapwa mga leaders.
Bawat mga Supreme at Kings ng iba't-ibang kaharianj ay mabilis na nakakapunta sa location ng event. Through their latest transportation or teleportation ability ay isang iglap ay nakakarating din sila agad.
Ang Supremo ng Phoerix at dalawa pa niyang mga haring kapatid ay sabay na pupunta sa event. Gamit ang kanilang mga teleportation abilities ay mabilis sila na nakarating sa WLC.
---
"Mag-iingat ka amang hari," inakap ni Chance ang Supremo ng Regundon.
"Siyempre naman Chance, oh siya sige mauna na ako," at tuluyan ng nag-teleport ang Supremo papunta sa event ng mga nation-Kingdom leaders.
---
Elegant and obviously expensive ang mga materials na ginamit sa pagtayo ng WLC building na ito. Isa ito sa mga treasured na building dito sa mundo, dahil fifty-years na ang foundation nito. At ilang Kingdom-relation narin ang nabuo nito. Lahat ng mga conference sa sa dalawampung State-Kingdom dito sa mundo ay dito ginagawa, mula sa limang dekadang nagdaan. Ito na rin ang naging magandang pundasyon ng mga hari sa iba't-ibang kaharian.
Mahigit fifty-feet ang taas ng building. Sobrang malawak ito para sa isang ordinaryong tao.
Ang mga interior designs at furniture sa loob ng convention hall ay elegante. Karamihan sa mga ito ay gawa sa diamond o di kaya ay gold.
Ang kung sino mang papasok sa lugar na ito ay tiyak na mamangha sa kakaibang view na makikita.
---
Ang lahat ng mga Supremo at mga hari ay nakarating na WLC. Halos lahat sila ay teleportation ay ginamit papunta rito. Ang ibang mga hari ay may taglay ring kapangyarihan, katulad sa mga hari ng Stalerian society at kay King Daltus.
"Since lahat ay nandito na, maaari na tayong magsimula. May we call on the attention of our beloved Prime Minister King Mattias," ang tinutukoy ng event speaker ay ang presidente ng economic trade. Na siyang nagpapanatili sa kaayusan ng samahan ng mga bansa sa mundo. May pagka-matanda na rin ang Prime Minister dahil sa kulay ng buhok nito.
"I would like to thanks everybody for being present this night sa isa na namang conference ng ating organization. And I hope na maging mapayapa ang pagdaraos nating ngayon gabi," may kabagalan ang pagsasalita ng Prime Minister. Ilang dekada na rin bago siya ma-elect na president ng organisasyon na ito.
Ang mga hari ay nagsipalakpakan sa paunang mensahe ng Prime Minister.
Nasa pinakaunahan ng convention hall nakaupo ang mga hari ng Stalerian society. Habang si King Daltus naman ay medyo malayo mula sa kinaroroonan nila.
Inaasahan na ng dalawang haring sina King Gasillius at King Daltus na magkikita sila sa pagkakataon na ito. Clear and fresh parin sa kanilang dalawa ang huling digmaan at labanan ng kanilang mga kapangyarihan.
Ang Stalerian society ay ang tinitingala ngayon ng ibang mga kaharian, dahil sa achievements na meron sila. Rank 1 sa economic zone status, socioeconomic progression, at Kingdom development. Pero lingid sa kaalaman ng ibang mga kaharian ang maitim na uri ng pamumuno meron ang Stalerian society, lalo na ang Pheroix Kingdom.
Pagkatapos mag-speech ng Prime Minister ay sunod naman na nag-speech ang hari ng iba pang mga kaharian.
Ang laman ng kanilang mga speech ay tungkol sa status ng kanilang mga kaharian. Katulad sa Stalerian society maganda rin ang takbo ng kanilang mga kaharian. Pero ang mga hari ng Kingdom na ito ay kabaliktaran sa katangian meron ang Supremo ng Pheroix.
"And now let's invite our very respected Supreme, King Gasillius," anunsyo ng event speaker. Lahat ng mg hari sa loob ng event ay nagbigay ng masigabong palakpakan, maliban sa isang hari, si King Daltus.
"Thank you. And before I start my speech I would to ask everybody kung ano ang gusto niyong marinig sa speech ko?" ang conference ng mga hari ay may interaction, sa una formal ito pero kapag tumatagal na nagiging casual na lamang ito.
Kinuha ni King Daltus ang microphone na hawak ng katabi niya. At napatingin ang mga ibang mga Kings sa inasal ng King Daltus.
"Ang gusto naming lahat malaman dito ay kung bakit ganiyan ka mamuno, at kung bakit ganun ka sa iyong mga nasasakupan?" nagulat ang mga hari sa diretsohang tanong ni King Daltus. Pati ang dalawang hari ng Stalerian society ay nabahala sa inasal ni King Daltus.
"Teka, teka, anong ibig sabihin mo tungkol diyan? And watch your words," pinipigilan ng Supremong si King Gasillius na magpakita ng galit sa harap ng conference. Karamihan sa mga hari na nasa loob ngayon ng WLC ay walang alam tungkol sa alitin ng dalawang hari.
"Nagmamaang-maangan kapa, akala mo kung sino kang mabait ka? Eh sobra nga ang pagmamalupit mo sa mga tauhan mo. Bat 'di nalang kaya yun ang gawin mong speech," mariing suggestion ng hari. Agad namang nagbulungan sa tabi-tabi ang ibang mga Kings dahil sa narinig, kung sakali mang totoo iyon ay hindi sila lubos na makapaniwala.
"Pasensya kana ha? Pero 'di ko talaga alam ang tiunutukoy mo. Ang alam ko lang ay mapayapa ang pamumuhay ng mga nasasakupan ko saking kaharian. Baka naman nasasabi mo lang yan dahil naiingit ka sa mga achievements ko?" mapang-insultong tuno na sabi ng Supremong si King Gasillius.
Death glare wika nga, ang palitan ng eye contact ngayon dalawang Supremo. Mata sa mata, kung sino ang unang kukurap ay siya ang talo. Kung wala lang sana sila sa event na ito, marahil ay nagtalo na sila gamit ng kanilang mga kapangyarihan.
"Siguro dapat baguhin na ang pagkakakilanlan mo ngayon dapat tawagin kanang 'The Great Pretender' o di kaya sa madaling salita manloloko," nagsitawanan ang ibang mga hari sa sinabi ng Supremo ng Regundon. Hindi nila aakalain na may pagka-kwela pala ito. Pero ang dalawang kapatid ng hari, lalo na si King Tyran ay nakakamatay na tingin ang ibinabaling kay King Daltus.
"Okay gentlemen let's stop this conference mukhang nagkakaroon na yata ng di magandang tensyon. So why don't we start our dance party, para mag-enjoy naman tayong lahat," sabi uli ng event speaker. Tumunog ang mga malalakas na sound system ng event at ang ibang mga bata-bata pang hari ay nagsayawan na.
Sa gabing tagpo na ito ay muli na namang magkakaroon ng tensyon sa dalawang Supremo. Pagkalipas ng labing-pitong taon ay muli na namang bumabalik ang tensyon sa panig ng dalawang kaharian--ang Pheroix at Regundon Kingdom.
BINABASA MO ANG
Fallen World of Phoerix
Fantasy[ S Y P N O S I S ] Staleria- is a State where society takes the political, economy, socioeconomic, and racial inequality, this movement is called Stalerianism. Composed of three Kingdoms- Oceanus, Rhiptus and Phoerix. Ang Phoerix ang pinaka-centro...