Chapter 4
Third Person's POVAng Rhiptus Kingdom na pinamumunuan ni King Nitron na siyang pangatlo sa magkakapatid na hari ay ang tanging naiiba sa kanilang magkakapatid.
Hawak niya ang elemento ng hangin, kagaya ng kaniyang kapangyarihan maikukumpara si King Nitron sa katangian ng hangin. Kalmado kung titignan sa mukha ang hari pero kung napuno sa galit ay kasing-lakas ng malakas na bagyo ang kapangyarihang dala ng hari.
Maunlad ang Rhiptus Kingdom dahil sa pagtrato ng kanilang hari. Mabait ang pakikitungo ng hari sa kaniyang mga mamamayan, pero kung minsan kapag tumataas ang anatas nang hangin ng kalikasan ay naapektuhan din ang kaniyang pamamaraan ng pag-iisip. Mala halimaw kung kumilos o mag-isip ang hari.
Ang pamamahala ni King Nitron ay hangad lahat ng mga mamamayan sa Stalerian society na maging pareho ang uri ng pamamahala ng dalawa pa niyang kapatid na hari.
Ang palitan sa Rhiptus Kingdom ay iba kumpara sa Phoerix Kingdom, ang nakuhang mga natural resources, kagamitan o pagkain, ay hindi lahat kinokolekta ng hari mula sa kaniyang nasasakupan. Ang iba ay itinitira para sa kanilang sarilang pangangailangan at panggamit, lalo na para sa kanilang mga pamilya.
Kaya kung minsan ay nagkakaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng kaniyang nakakatandang kapatid na si King Gasillius. Dahil gusto nang Supremo na maging mahigpit ang pamumuno sa bawat kaharian ng Stalerian society. Mas makapangyarihan ang Supremo, kaya minsan sinusunod niya ang gusto ng kaniyang mahal na Supremo. Pero alam parin niya ang kaniyang limitasyon.
Sa tatlong magkakapatid na hari, si King Nitron palang ang tanging may anak na siyang magiging tagapagmana ng kaniyang kaharian. Batas sa Stalerian society na ang nakababatang kapatid na hari o reyna ay siya ang unang maga-asawa o bubuo ng pamilya. Pero ang asawa nang bawat hari o reyna pagtungtong ng ika-sampung kaarawan ng kanilang anak ay pinapatay ng Supremo, na siyang responsable sa ganitong batas sa lahat ng Stalerian society.
Pitong taon ang nakakaraan kung saan preskong-presko parin sa isipan ni King Nitron ang araw kung saan pinatay ang kaniyang asawa. Sa kanilang mahigit sampung taon na pagsasama alam niya sa kaniyang sarili na minahal niya ang naging Reyna nang Rhiptus. Ipinangako rin niya sa kaniyang sarili na hindi na siya maghahanap nang bagong magiging kapares dahil ayaw na niyang maulit pa ang nangyari sa dating niyang naging kabiyak.
"Mahal na hari, ngayong araw na ito ay ang araw na nakalaan para sa pagsasanay ng mahal na Prinsesa." Tugon ng heneral ng mga sundalo ng Rhiptus Kindom. Sa tuwing sasapit ang ika-pitong araw ng bawat buwan, ay nagkakaroon ng pagsasanay ang Prinsesa ng Rhiptus Kingdom. Paghahanda ito para maging magaling na mamumuno si Princess Eliah sa susunod na reigning session sa kaharian ng Rhiptus Kingdom.
Sa centro ng kaharian ni King Nitron ay nakaupo silang dalawa ng mahal ng Princesa. Napakagara at elegante ng mga disenyo at kagamitan sa loob ng kaharian. Mula sa labas ng kaharian hanggang sa loob, pati sa himpapawid ay maraming mga kawal at sundalo ang nakapalibot, para pangalagaan ang mga noble blood.
"Sige, simulan na ninyo ang pagsasanay. Basta ingatan lamang ninyo ang aking mahal na Princesa." Sa pananalita ng mahal na hari ay talagang dama ng kaniyang mga nasasakupan ang kaniyang kabaitan. Kaya malugod na ipinapagpapa-salamat ng mga taga Rhiptus ang kabaitan ng kanilang hari.
Bago umalis ang Princesa sa kaniyang trono ay lumuhod muna siya sa kaniyang mahal na amang hari upang ipanalangin at basbasan sa ligtas na pagsasanay.
Nagdadalaga na ang mahal na Princesa ng Rhiptus kaya sa ikalabing-walo nitong kaarawan ay karapatan niya na magkaroon ng mapapangasawa, na mula sa anak ng official of the capitol ng kahit saang kaharian ng Stalerian society. Ang pagpili sa magiging kabiyak ng Princesa ay idinadaan sa isang ritual. Kung saan sa kabilugan nang buwan, papagtapatin sa ilalim ng buwan ang dalawang mag-pares at kung may lumabas na malaking dragon ay nangangahulugan na ang dalawa ay para sa isa't-isa. Na ibig sabihin magiging mapagpala ang kanilang magiging samahan.
"Samahan ninyo ako na mag-libot sa aking kaharian, titignan ko ang kalagayan ngayon ng ating economic trade." Agad namang ipinahanda ng heneral ng mga sundalo ang carriage ng mahal na hari. Si King Nitron lamang sa tatlong magkakapatid ang hindi nagpapadala sa systema ng paggamit ng mga latest technology. Dahil mas naniniwala siya na madali ang buhay kung walang teknolohiya, kagaya noong unang panahon. Salungat karamihan si King Nitron sa mga katangian ng kaniyang mga kapatid na hari.
Una nilang pinuntahan ang sulok ng mga mamamayan na naninirahan sa tabi ng dagat.
Pagbaba ng mahal na hari mula sa carriage ay naging matahimik ang kapaligiran ng dagat, maliban na lamang sa mga tunog ng alon na dala ng hangin. Lumuhod ang bawat mga ordinaryong mamamayan ng Rhiptus bilang pagbigay pugay at respeto sa mahal na hari.
"Hindi niyo na kailangan pang lumuhod sa tuwing bibisita ako dito. Tumayo na kayo." Tugon ng hari sa mga tao ng Rhiptus. Pero hindi sumunod ang mga tao sa utos ng hari, bagkus tuloy parin ang kanilang pagyuko.
Ilang metro mula sa kinatatayuan ni King Nitron ay nakarinig siya ng sigaw ng mga babae. Wala siyang ideya kung ano ang nagaganap sa parteng iyon kaya minabuti niyang puntahan ang direksyon kung saan nanggagaling ang sigaw.
Namuo ang galit sa mukha ng mahal na hari dahil sa nasaksihan niyang pangyayari. Binubogbog at sinasaktan ng tatlong sundalo ang dalawang babae dahil sa maliit nilang pagkakamali.
Nagpapalit anyo ang hari kapag namumuo sa mukha niya ang galit at hinanakit, dahil siya ang humahawak ng elemento ng hangin ay agarang naglaho at hindi nakita ng mga ordinaryong mamamayan ang hari kagaya ng hangin, nararamdaman lang hindi nakikita.
"Lagot tayo..." Halata sa mukha ng mga walang galang na sundalo ang pagkabalisa, dahil alam nila ang kanilang kakahantungan.
Inatake ang tatlong sundalo ng isang sharp edged wind na galing sa kinatatayuan ng mahal na hari, at agarang ikinamatay ng tatlo. Umagos ang dugo mula sa kanilang mga nahating mga katawan.
Si King Nitron kung ilarawan ng mga mamamayan ay mabait pero kung maka-saksi nang karumaldumal na pangyayari ay hindi agad magdadalawang isip na tumulong sa naaapi.
BINABASA MO ANG
Fallen World of Phoerix
Фэнтези[ S Y P N O S I S ] Staleria- is a State where society takes the political, economy, socioeconomic, and racial inequality, this movement is called Stalerianism. Composed of three Kingdoms- Oceanus, Rhiptus and Phoerix. Ang Phoerix ang pinaka-centro...