Third Person's POV
Chapter 11Sa Rhiptus Kingdom, excited si King Nitron para sa pag-attend
ng kaniyang Princesa sa isang convention party ng mga noble blood na mga teenagers ng bawat bansa sa mundo.Isa itong big event para sa mga kabataang katulad ni Princess Eliah na dadaluhan. Minsan lang itong mangyari sa buhay ng isang noble blood. Dahil hanggang 15 to 17 years old lamang ang pwedeng pumunta. At ito na ang huling pagkakataon na aatend ang Princesa, dahil sa mga susunod na araw ay tunay nang magda-dalaga ang Princesa.
"Kahit ano ang ipasuot sayo aking Princesa napakaganda mo talagang tignan." Compliment ng hari sa dalaga.
"Salamat aking ama. Siyempre kanino pa naman ako nagmana kundi saking ina lang naman." Nakaramdam ng lungkot si King Nitron sa panghihinayang ng kanyang anak.
"Siyempre naman mana ka talaga sa kaniya. Halika na't ihahatid na kita sa labas para masamahan kana ng mga knights papunta sa pagtitipon." Iniba nalang ng hari ang usapan nilang dalawa dahil ayaw niyang malungkot na pupunta sa party ang kaniyang Princesa.
Sa convention party rin na ito nakilala ni King Rhiptus ang babaeng kaniyang lubos na inibig.
Tandang-tanda pa niya ang mga panahon kung saan ang unang pagtatagpo ng Queen Mother ni Princess Eliah.
Sinamahan ng hari ang Princesa sa labas ng Kingdom upang bumiyahe na sa big event.
"Mag-ingat ka sa party anak at huwag kalimutan na mag-enjoy kalang kasama ang ibang mga tao." Sumakay na sa travelling car ang Princesa.
Hangar palagi ng hari ang kabutihan at kasayahan para sa kaniyang kaisa-isang anak.
*
PINIPILIT ni King Daltus na dumalo si Chance sa convention party ng mga noble blood. Dahil sa mga nagdaang dalawang taon ng teenager life ni Chance ay hindi siya dumalo sa big event na ito.
"Mahal na hari baka kung ano lang ang mangyari sakin doon? Alam niyo naman na bulag ako, hindi nakakakita kaya hindi rin naman ako magi-enjoy sa party na yan." Pagpapaliwanag niya kay King Daltus.
"Sigurado naman akong malakas ang security system ng event na 'yan dahil obligation nila ang protektahan ang mga anak ng bawat hari na aatend. At ito na rin ang huling beses na makaka-attend ka sa party na 'yan dahil sa mga susunod na linggo ay kaarawan mo na."
Hindi man decided si Chance na pumunta sa event na ito dahil hindi rin naman siya magi-enjoy dito ngunit kailangan niyang sundin ang kaniyang amang hari.
"Pumapayag na ako amang hari pupunta na ako sa party na yan. Basta't hindi lang ako magtatagal don." Kondisyon ni Chance sa hari.
"Sige kung iyan ang gusto mo. At tsaka huwag lang mag-alala babantayan ka naman ng ating mga knights hanggang sa pag-uwi mo."
Sa event na ito first time palamang na aatend si Chance. Dati baliwala lamang ito sa kaniya mas gusto pa niya na makasama ang kaniyang amang hari kaysa ang ibang mga tao.
Inihatid ng mga knights si Chance sa convention party.
*
MULA sa labas ng convention hall ng event kitang kita ang mga magagarang designs at makikinang na mga kulay ng disco ball.
Ang purpose ng event na ito sa bawat Kingdom ng mga bansa ay upang magkakilakilala ang mga anak ng bawat ng mga hari. Para sa ganitong paraan magkatagpo ang perfect couple na siyang magiging partner na hahawak sa isang Kingdom ng kanilang pamilya.
Dumating na sa event sina Chance at Princess Eliah. Pero hindi nagkasabay na dumating ang dalawa.
Unang dumating ang Princesa, pagpasok palamang niya sa location set ng event ay nakatuon na sa kaniya ang mga mata ng lalaking anak ng mga hari o ng noble bloods.
Kitang-kita sa mga reaction ng binata ang paunang interes sa dalaga. Hindi naman ito maipagkakaila dahil maganda naman talaga ang Princesa ng Rhiptus Kingdom.
Pagpasok naman ni Chance sa set ay nagtataka ang kaniyang mga ka-edad dahil inaalalayan pa siya ng isang alliance niya. Lingid sa kanilang kaalaman na bulag ang binata, lalo pa't wala ito silang ideya dahil naka-black eye glasses ang binata.
Pagkatapos maihatid ng knight si Chance sa loob. Pinapwesto niya ito sa isang tabi at pinaupo. Lumabas na siya ng set dahil bawal dito ang hindi anak ng mga hari o noble bloods.
"This time let's start our celebration." Anunsyo ng event speaker sa harapan ng stage.
Kasabay ng pag-anunsyo ng speaker, tumogtog ang sound system ng set. Malakas ang volume ng sound system.
Weakness din ni Chance ang high volume ng kung anong sound waves na naririnig niya. Nagpapahina ito sa hearing senses niya.
"Keep on dancing everybody." Patay-ilaw ang disco lights ng event. Lahat ay nagi-enjoy sa pakikipag-kwentuhan sa kanilang mga bagong kaibigan.
Ang ibang mga binata sa ibang Kingdom ay nakikipagkilala na kay Princess Eliah. Subalit niri-reject niya lamang ito dahil hindi niya tipo ang mga lalaking pabibo sa kaniya. Ang type niya ay ang mahinhing lalaki lamang.
Nalungkot ang dalawang binata na ni-reject ni Princess Eliah.
"And now let's play the glow in the dark game. Simple objective lamang, lahat ay sasayaw ng walang ilaw pero may music... then the twist is kung mag-open na ang light kung sino ang nasa harapan mo siya ang magiging partner mo this night."
Naghiyawan naman ang mga noble bloods sa game ng event speaker. Cool ito para sa kanila.
Nagsimula nang magdilim ang paligid. Malakas parin ang volume ng sound systems kaya naman enjoy na enjoy ang mga nagpa-party.
Sa kanila nito humihina naman ang system ni Chance dahil weakness din niya ang total darkness. Pero pilit niya itong lalabanan dahil ayaw niyang maging mukhang mahina sa harap ng ibang tao.
Bago pa man namatay ang ilaw ng kapaligiran. Napansin ni Princess Eliah si Chance sa isang sulok. May kung anong nag-lead sa kaniya na puntahan habang off ang light ang binatang si Chance.
"And 5, 4, 3, 2,,, 1. Lights on." Anunsyo ng event speaker.
Pag-on ng lights nasa harapan ni Chance si Princess Eliah at kitang-kita sa mukha ng Princess ang pagka-amaze sa angking itsura ng binata.
Nakaramdam ng enerhiya si Chance sa kaniyang harapan kaya naman nagsalita siya. "Sino ka? At bakit ka nasa harapan ng aking kinatatayuan.?"
Iwi-nave wave ng Princesa ang kamay sa mukha ng binata. Napansin niya na hindi ito sinusundan ng binata.
"I'm Princess Eliah, and you are?" Sabay abot ng kamay.
"Chance." Nangalay na lamang ang kamay ng Princesa ngunit hindi parin ito nakikipag-shake hands.
"Pasensya kana pero hindi ako nakakakita dahil bulag ako. Pero huwag kang magalala nararamdaman ko ang iyong presensiya sakin." Seryosong sabi ng binata sa dalaga.
Sa gabing ito dalawang puso ng mga tao ang nagkaroon ng pagkakaintindihan at tibok ng puso maaaring magkaroon ng pagtitinginan. Hindi man sabihin nang dalawang tao na magkaharap ngayon ang kanilang nararamdaman sa isa't-isa, sila naman ay nagkaroon ng mutual understanding.
Natapos ang big event na ito na lahat ng mga teenagers ay masaya dahil sa bagong pagkakaibigan na nabuo sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/187915959-288-k899072.jpg)
BINABASA MO ANG
Fallen World of Phoerix
Fantasi[ S Y P N O S I S ] Staleria- is a State where society takes the political, economy, socioeconomic, and racial inequality, this movement is called Stalerianism. Composed of three Kingdoms- Oceanus, Rhiptus and Phoerix. Ang Phoerix ang pinaka-centro...