Chapter 16: Real Mortal World

58 11 1
                                    

Chapter 16
Third Person's POV

Princess Eliah requested to her King kung pwede ba siyang mamasyal ng out-of-the Kingdom adventure. Gusto niyang malibot at makita ang ganda ng mortal world. In a place where their is no governance, law, and most of all people are free to do whatever they want.

"Sige na po ama, payagan niyo na ako. Ngayon lang naman e," kanina pa nagpupumilit ang Princesa kay King Nitron.

"O siya sige na nga, basta't may bantay ka lamang na magmamasid sa yong lakad," kanina pa kasi kinukulit ng Princesa ang hari, kaya pinayagan nalang din siya.

"Yes, sa wakas makikita ko rin ang ganda ng normal mortal world. I'm sure magi-enjoy ako rito," sabi ni Princess Eliah sa kaniyang isipan.

"Sina Felipe at Hosea ang sasama sayong lakad," tugon ni King Nitron.

"Kahit sino naman ang kawal na magbantay sakin, basta't tuloy lamang ang pamamasyal ko ngayong araw mahal na amang hari." Kitang-kita ang ngiti sa mga labi ng Princesa. Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng mamamasyal siya.

Before going out in the Kingdom, the Princess kissed on her Father's cheek as a sign of affection before leaving the place.

Naglakad na palabas ng Rhiptus Kingdom ang Princess Eliah at dalawang bantay nito.

"Ito po ang gagamitin nating sasakyan mahal na Princesa." Isang brand new SUV ang gagamitin nilang service.

"Kailangan ba talaga na ito ang ating gamitin?" Nagtataka ang Princesa dahil wala siyang alam kung saan galing ang sasakyan na ito. Dahil kailanman wala siyang nakitang ganitong invention mula sa kanilang kaharian.

"Isa po itong uri ng sasakyan na likha ng mga tao sa mortal na mundo, ito ang gagamitin upang hindi tayo makilala ng mga mortal na tao sa pupuntahan natin." Amazement ang reaction ng Princesa. Excited siya sumakay sa ganitong uri ng sasakyan dahil first time niya itong mai-experience.

"I'm sure masarap sumakay dito at magiging maganda ang biyahe natin ngayon," sumakay na sa brand new SUV ang Princesa. Mga matatalino rin naman ang mga kawal ng Rhiptus Kingdom madali lang para sa kanila ang mag-adjust kung ano ang ida-drive nilang sasakyan.

"Isuot niyo po Mahal na Princesa ang seatbelt niyo," sa front part umupo ang Princesa at isinuot ni Hosea ang seatbelt sa Princesa, bilang personal safety niya.

Nagsimula nang magmaneho ang isang kawal na bantay kay Princess Eliah. Hindi pa sila nakalalayo mula sa Rhiptus Kingdom. Dahil ayaw ng mga kawal ng magkaroon ng vehicular accident, kung sakali mang mangyari yon ay mananagot talaga sila kay King Nitron.

Nakarating na sila real mortal world, lahat ng mga nakikita ni Princess Eliah ay ibang-uba kompara sa kaharian nila. Kung gaano ka civilized at latest ang uri ng kanilang mga buildings and designs ay hindi pa maikukumpara sa kanilang kaharian.

After 20 minutes of travelling in the car, nakarating na sila sa gustong puntahan ng Princess Eliah ito ang Luneta Park. Gustong-gusto itong bisitahin ng Princesa dahil dito matatagpuan ang rebulto ng bayaning si Jose Rizal. Iniidolo niya ito dahil kahit wala man siyang kapangyarihan tulad sa kaniya na noble blood ay nakagawa parin ito ng kabayanihan sa kaniyang bansa.

Hindi karamihan ang mga tao na bumibisita ngayon sa parke.

"Hindi nga talaga ako nagkamali sa pangangarap na makapunta dito, this is place is very beautiful and relaxing," sabi niya habang dinadama ang hangin na dumadapi sa kaniyang katawan.

"Oo nga po mahal na Princesa napaka-ganda ng lugar na ito," sagot naman ni Hosea sa sinabi ni Princess Eliah.

Kinuha ng mga kawal ang white carpet na lalapagan ng mahal na Princesa.

"Kailangan paba talaga natin ng carpet na yan?" tanong niya sa kawal na nag-aayos mauupuan niya.

"Siyempre naman po mahal na Princesa. Dahil ayaw namin na madumihan ang iyong suot na damit," pagpapaliwanag ng kawal.

"Hindi ko na kailangan nang tela na yan, dahil maya-maya rin naman ay lilibutin ko ang parke na ito," halos lahat ng mga kawal sa Rhiptus Kingdom ay natutuwa dahil sa pagiging simple ng Prinsesa.

Habang nililibot ng Princess ang kaniyang mga mata, her eyes catch the attention of a boy who he saw earlier in her life. It was the blind in the party.

"Teka mahal na Princesa, saan ka pupunta?" pagsasaway ng mga kawal, dahil hindi man lang nagpasabi na may pupuntahan pala ang Princesa.

"Dito lang muna kayo, pupuntahan ko lang ang kaibigan ko," tumango nalang ang mga kawal.

Ang binatang si Chance  Meyer ay namasmasyal din sa mortal world, dahil gusto nang kaniyang amang hari na makita o maramdaman man lang ang presence nang binata ang real mortal world before his birthday. Kumbaga gift na rin ito ni King Daltus kay Chance.

Siyempre hindi papayagang umalis ni King Daltus ang binata nang walang magbabantay. Dahil sobrang delikado para sa binata ang maglakad mag-isa kahit paman mayron siyang mga active senses.

"Kumusta ka? Kilala mo pa ba ako?" Nakatayo ang Princesa sa harap ng binata. Nagtaka naman ang mga kawal sa paglapit ng dalagang ito.

"At the party, last last night ako 'yon. I'm Princess Eliah, remember?"

Napatango na lang si Chance, di niya aakalain na pupunta rin pala sa ganitong lugar ang babae na ito. Na una niyang nakilala sa noble bloods teenager's party.

"Ah oo, naalala na kita. Ikaw 'yong lumapit at nakipag-kaibigan sakin,"

"Sigurado ba kayo mahal na Prinsipe na kilala niyo siya? Baka nagkakamali lang po kayo?" paninigurado ng isang kawal. Dahil sisiguraduhin talaga nila ang kaligtasan ng Prinsipe.

"Oo, maaari niyo muna kaming iwanan saglit," naglakad naman ang mga kawal, hindi kalayuan mula sa kinaroroonan ng dalawa.

"Hindi ako makapaniwala nandito ka rin pala sa real mortal world?"

"Oo, gusto kasi ng aking amang hari na mag-relax ako dito. Paano ko ba naman masasabi na makikita ko ang kagandahan ng parkeng ito kung bulag ako. Tanging sound waves lamang ang naghahatid sakin ng mensahe na talaga ngang maganda ang lugar na ito," Chance told in a modest way.

"Ayos lang yan, masaya nga ako dahil nagkita tayo muli. Hindi ko pa naman inaasahan na sa ganitong klase ng lugar pa talaga tayo magkikita. Basta ang masasabi ko lang sayo ang lugar na ito ay nakapaganda, nakaka-kalma ng body system at puno ng mga taong mortal."

"Kung sa mortal world namin kami magkikita, I'm sure pagbabawalan kami ng aming mga hari na magkita dahil magkaiba kami ng kaharian," bulong na sabi ni Princess Eliah sa hangin.

"At ramdam ko nga rin sa presence mo na kasing ganda mo ang lugar na ito," sabi ni Chance sa tunong nahihiya.

"Huh? Talaga ba?"

Agad namang nataranta ang binata dahil nahiya siya sa inasal niya.

"Ah wala yun. Kalimutan mo na 'yon," natatarantang saad ng binata.

Nagkatinginan lang ang dalawa, si Princess Eliah ay nakatuon ang tingin sa maamong mukha ng binata si Prince Chance naman ay nasa malayo ang paningin. Hindi man niya nakikita ang tunay na itsura ng dalaga, ngunit malakas ang kaniyang sensory sa presence ni Princess Eliah.

Fallen World of PhoerixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon