Prologue

196 17 2
                                    

"Sa tinatagal-tagal ng aking pamumuno sa kaharing ito. Hindi ko papayagan ang sinuman na humadlang at pumigil sa uri ng aking pamumuno. Dahil ako ang Supremo at makapangyarihan dito sa mundong ibabaw. Ang sinumang babangga sakin, ay tiyak na kamatayan ang kakahantungan." Sabi sa isipan ng Supremo na namumuno sa isang kaharian ng mundong ibabaw.

Kilala siya bilang Supremo sa lahat ng bagay, kinikilala ang sarili bilang nakakataas sa buong mundo.

Ang kaharian ng Phoerix Kingdom ay maunlad pagdating sa economic zone pero ang progression ng human development ay taliwas sa development ng kaharian.

Para sa isang normal na binatang kagaya ni Chance Meyer masakit para sa kaniya ang mawalay sa mga tunay niyang magulang, pero malaking biyaya naman ang darating sa buhay niya dahil sa pagkupkop sa kaniya ng isang napaka-mabuting hari. Hindi man kapani-paniwala para sa kaniya na maging tagapag-ligtas ng mundong ibabaw dahil sa kaniyang katayuan at kalagayan sa buhay, ay gagampanan niya ito ng buong laban at paninindigan para sa kaniyang mga kapwa tao at sa taong nagbigay sa kaniya ng buhay.

Ang maging isa sa pinakamapangyarihan nilalang sa mundong ibabaw ay mahirap na gampanin para isang binata na katulad ni Chance Meyer.

"Paano ko magagampanan ang pagiging taga-pagligtas kung ako mismo ay hindi nakakakita saking kapaligiran, dahil ako'y bulag." Saad niya sa kaniyang sarili.

Pero hindi ito magiging balakid para sa kaniya dahil ang hangad niya sa mundong ibabaw ay kalayaan at karapatan para sa mga naaaping mamamayan.

———

AN: Just a short prologue lang guys. I hope na magustuhan niyo.

Fallen World of PhoerixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon