CHAPTER 3

2.6K 64 0
                                    

CHAPTER 3

AZ's POV

MAAGA AKONG nagising para magprepare at pumunta do'n sa address na tinutukoy ni tita Rhanie, kung saan nakatira ang mga Yu.

Naglakad nalang ako dahil bihira ang mga sasakyang dumadaan sa ganitong oras. Gusto ko 'rin namn 'yon lakarin, para na'rin naman makapagexercise 'rin ako.

Napatigil ako sa isang village, tinignan ko muna ang papel at tumingin ulit ako sa village,

Seryoso? Village? Jusme! Mayaman siguro 'tong nga 'to.

Lumapit ako sa dalawang guard na nagbabantay sa 'may gate nito.

"Kuyang guard, saan po dito banda ang bahay ng mga Yu?" Tanong ko at pinakita pa ang adress na binigay ni Tita Rhanie.

"Ahh, nasa dulo pa po 'yon Ma'am, magaaply 'ho ba kayo bilang maid ng anak nila?" Tanong nito.

"Opo kuya, teka! Pa'no niyo po nalaman?"

"Pinaalam po kasi nila Mr. at Mrs. Yu sa'min. Sabi po nila, kung may naghahanap po sakanila, paki tanong na'rin daw kung magaaply daw 'ho sila" Saad ng isang guard.

"Ahh, salamat po kuya" Ngumiti naman silang dalawa at binuksan ang gate ng village.

Sa ikalawang pagkakataon ay pinabalik-balik ko ang tingin sa papel at sa mansion. Ito na'ba 'yon?

Hindi ako makpaniwala sa nakikita ko, sobrang laki nito at parang mas triple ang laki nito sa ibang mansion na nakita ko. Ganito ba kayaman ang mga Yu? Nahiya naman ang mga mahirap na tulad ko.

Tulad ng ibang mansion ay may gate din ito at may mga guard. Aba! Imposibleng walang guard dito dahil sa sobrang laki nito! Pa'no nalang kung may magnanakaw pala dito?

"Ahm..kuya, andito po ako para magaply bilang katulong" Tumango ito at pinapasok ako.

Kung sa labas ay sobrang laki nito, dito mas malaki pa at malawak. Dali-dali naman akong naglakad papalapit sa may pintuan at pinindot ang doorbell.

Bumukas ang pinto at bumingad sa'kin ang isang lalaking matangkad, maputi, naka glasses at seryoso ang mukha, ito ba si Mr. Yu?

"Magaaply ka?" Tumango ako bilang sagot. Tinalikuran ako nito bago magsalita "Sumunod ka sa'kin" Aniya nito at nagsimulang maglakad.

Hindi nalang ako umimik at sinunod nalang siya. Nakakatakot kasi yu'ng seryosong expression niya.

Huminto kami sa isang room. Kumatok muna siya at pa'rang may narinig akong nag 'Pasok!' Kaya pumasok nalang itong si kuya.

Pagpasok namin ay tumambad sa'min ang isang matandang lalaking nakaupo at nakatingin sa gawi na'min. So, ito na ba talaga si Mr. Yu? Nakakalito, Takte!

"Anong pangalan mo?" Panimula nito.

"Angelica Zarina Rivera 'ho" Sagot ko naman. Tumango-tango naman ito.

"Ilang taon kana?"

"21 'ho"

Umayos ito nang maayos at tinignan ako mula ulo hanggang paa, dahilan para mainsulto ako. Aba! Kung puro tanong at pangiinsultong tingin lang gagawin niya sa'kin, pwes' aalis nalang ako.

"Napakaganda mo naman, hija" Pagpupuri nito sa'kin. Ay! Sabi ko nga, hindi na ako aalis.

"Ahm, salamat po"

Ngumiti ito "Sige, tanggap kana. Magsimula ka bukas, 9:00 AM ng umaga. Okay lang ba sa'yo kung uuwi ka sa'inyo t'wing Linggo?" Masaya naman akong tumango.

"Hahaha, ako nga pala si Mr. Yu, siya naman" Turo niya kay kuya na hinatid ako dito "Si Arnold. Siya ang butler namin"

"Pwede mo 'rin akong tawaging kuya Arnold kung gusto mo" Ngumiti naman ako bilang sagot.

Biglang bumukas ang pinto at tumambad sa'kin ang isang pamilyar na lalaki...

Wait,

"IKAW?/YOU?"

***

The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon