Chapter 6
AZ's POV
"Magpapakabait kayo ha? H'wag niyong papahirapan si mama habang wala ako dito sa bahay" Bilin ko kay Greylyn at Jay bago ako umalis. Ngumiti sila at tumango. Napangiti 'rin ako at ginulo ang buhok nila. Mamimiss ko 'tong mga 'to. Mamimiss ko ang paghatid sa kanila sa school kahit malate pa ako sa trabaho ko.
Bumaling ako kay mama na masaya kaming pinagmamasdan. Balak niya sanang samahan ako, kaso tumanggi ako. Magaalala ako pa'ra kay Greylyn at Jay kung sila lang ang maiiwan dito. Binitawan ko ang bag na hawak ko at lumapit kay mama pa'ra yakapin siya.
Hinagod niya ang buhok ko at niyakap ako ng mahigpit, "Anak, magiingat ka 'dun ha? Alagaan mo ang sarili mo" Napangiti ako, "Opo ma, sige na po ma. Mauuna na po ako ha?" Tugon ko at kumalas sa pagkayakap namin. Agad ko naman binitbit ang bag ko. Lumabas na ako at kumaway sa'kanila.
"Bye nak! Love you!" Sigaw ni mama. Humarap ulit ako at tumingin sa gawi nila,
"Bye po ma! Love love love you po!" Sigaw ko pabalik at nagsimula na ulit maglakad.
.
.
.
8:30 AM ay dumating na ako sa mansion ng mga Yu. Ang kaibahan lang ngayon ay nginingitian na ako ng mga bantay 'don. Kaya ako naman ay ngumingiti nalang din sa'kanila.Pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ni Mr. and Mrs. Yu, "Hija, maraming salamat at nagapply ka bilang katulong ng anak ko. Hulog ka ng langit" Masayang tugon ni Mrs. Yu, tanging ngiti naman ang sinagot ni Mr. Yu
"Wala 'ho 'yun Mrs. Yu" Mukhang nagulat siya sa tinawag ko sa'kanya.
"H'wag mo kaming tawaging Mr. and Mrs. Yu hija. Tita Andrea at Tito Lance nalang, masyadong pormal ang tinawag mo sa'min eh" Aniya Tita Andrea. Tumango ako at ngumiti.
"Sige na, maghanda ka na. Ito na ang uniform mo" Excited na abot ni Tita Andrea ng uniform sa'kin. Malugod ko naman itong tinanggap. Sinabi rin nila sa'kin kung saan ako matutulog.
9:05 AM na, hudyat na 'to na simula na ng trabaho ko. Nakauniform na ako at nakatayo ako sa may pintuan. Ang sabi raw ni Mrs. Yu----este Tita Andrea ay pauwi palang daw si Phoenix. Kaya inaantay ko 'rin siya ngayon, para pagsilbihan syempre.
Bumukas ang pinto at iniluwal nito si Phoenix na hawak kamay ang isang babae. Tumingin ito sa'kin at inabot ang bag niya, "Put that on my room" Walang emosyong sambit nito. Nakita ko ang paglingon sa'kin ng babae at inirapan ako.
Parang gusto kong manabunot ngayon, o di kaya manapak ngayon ng isang feeling maganda. Kung 'yan ang girlfriend ni Phoenix, aba! Nagtataka ako kung pa'ano niya magawang mahalin ang isang babaeng dinaig pa ang coloring book sa kapal ng makeup!, Tse!
Gigil kong nilagay ang bag niya sa kwarto niya,
Bwisit! Bwisit na coloring book!
***
BINABASA MO ANG
The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)
RomanceWhat if, ang maid mainlove sa amo niya? ano ang mangyayari? (COMPLETED BUT EDITING) Special Thanks kay Heynette Sykes dahil sa cover. Date Started: May 23, 2019 Date Finished: June 4, 2019