CHAPTER 14

1.8K 46 3
                                    

*Chapter 14*

CHAPTER 14

AZ's POV

"I think I like you"

"I think I like you"

"I think I like you"

Paulit-ulit na nagecho sa tenga ko ang salitang 'yan. Oo, kinikilig ako at sobrang saya ko ngayon. Sige, sabihin nalang din nating may nararamdaman na'rin ako para sa'kanya. Pero hindi ko inaakalang nakakatense pala kapag magtapat ang isang lalaki sa'yo.

Nakayuko siya at hindi makatingin sa'kin, pero kahit nakayuko siya ay nakita ko na palihim siyang ngumiti.

*DUG DUG DUG*

Ano bang ginawa ng lalaking 'to sa'kin? Bakit nabihag niya agad ang puso ko ng sobrang bilis? Hard to get kaya ako ehh!

"Liligawan kita"

Gulat ko siyang nilingon, seryoso siya?

"Ha?"

"Liligawan kita" Nakangiti niyang tugon at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

*DUG DUG DUG DUG*

Lumingon ako sa ibang direksyon at ngumiti. 'Yun lang Ang tanging paraan para malabas ko 'tong kilig ko. Alangan namang sisigaw ako at sabihin 'Kyaaaah! Kenekeleg se eketch!' Jusme naman! Hindi ako gano'n ka OA magreact. Tsk!

"S-sige" Pigil ngiti kong sagot.

"Anong sige?" Tugon niya, hindi parin inaalis ang ulo niya sa balikat ko.

"Pumapayag ako...n-na..l-ligawan, mo'ko" Sagot ko at umiwas ng tingin kahit pa hindi niya nakikita ang reaksyon ko.
Natawa siya, bagay na ikinagulat ko lalo, "Hindi naman ako nagpapaalam eh. Sinasabi ko lang sa'yo para maging aware---ay...hindi...basta ''yun aware ka" Pagsasalita niya ng tagalog. Pinigilan ko ang matawa, halata naman kasing nahihirapan siya eh, kaso pinipilit pa'rin niya.

"Okay lang mag-english ka no! Maiintindihan ko pa'rin naman kung anong sinasabi mo" Natatawa kong sabi.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa'ming dalawa, pero nabasag 'yon ng magsalita siya, "You don't like Tyler...right?" Tanong nito. Napakunot naman ang noo ko.

Pfft--seloso...

"Hindi no! Pa'no ko siya magugustuhan eh, bago ko palang siya nakilala, Engot ka talaga Phoenix" Nakangisi kong sabi.

Kahit hindi ko nakikita ang expression niya ay ramdam ko na nakanguso siya ngayon. Lahat ng expression na pinapakita niya sa'kin ngayon ay bago. Kaya sobrang saya ko dahil nakita ko ang childish side niya.

"Sige na, matulog ka'na. Gabi na" Aya ko sa'kanya. Tumango siya at inalis ang pagkasandal sa'kin. Tumayo siya at tinulungan akong makatayo.

"Goodnight Angel" Mahinahon niyang saad at marahan akong hinalikan sa noo bago umalis.

*DUG DUG DUG DUG DUG*

The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon