*Chapter 10*
CHAPTER 10
(TIMESKIP: SUNDAY)
Reign's POV
Andito kami ni Irish sa fastfood chain, kung saan din kami kumain dati. Inaantay lang namin si AZ ngayon. Kami naman ni Irish ay di mapakali sa inuupuan namin. Miss na miss na namin si AZ. Kahit pa may sayad 'yun. Hihihi,
Bumukas ang pinto at nakita namin si AZ na linga ng linga sa paligid. Agad namin siyang pinuntahan at niyakap ng soooobrangggg higpit. Hihihi, namiss ko 'tong babaeng 'to.
"Ahmm---p-pwedeng...h'wag masyadong...mahig---pit, kasi...h-hindi na ako..makahingaaaa" Reklamo nito sa'min. Napanguso naman kaming bumitaw, pero ngumiti na'rin.
"AZ! Kamusta trabaho 'mo?" Tanong ni Irish sa'kanya. Ngumiti naman ito sa'min, pero ako lang ba ang nakapansin? O parang may iba sa ngiti niya. Kung possible man o hindi ay para bang kumikislap ang mga mata niya.
"Ayos naman, mabait sila Mr. and Mrs. Yu" Sagot nito.
Tumango-tango naman kami ni Irish bilang sagot. Ako naman ang nagtanong..."'Y'ung anak nila? Mabait ba?" Tanong ko na ikinagulat niya. Pero pinilit niyang hindi ipahalata.
"Oo naman, abnormal lang" Sagot niya. Tumingin ako sa mata niya. Para talagang kumikislap ito.
Ako na ang nagpresintang magorder, sayang lang at ako naman ang magbabayad. Huhuhu! Ang shama kashe nila esh! Hmp!
Nakanguso akong pumila, naramdaman ko na may tumapik sa balikat ko, nilingon ko iyon at nakita ko si Aaron.
Seryoso itong nakatingin sa'kin pero ngumiti 'rin. Dahilan para kiligin ako, kyahhh!
"Next please!"
Nakatingin pa'rin ako sa'kanya habang siya naman ay nakangiti. Kaya hindi ko na 'rin mapigilan ang sarili kong ngumiti 'rin, Oh! My Gulay! Kyaaah!
"Reign? Ikaw na ang sunod" Bulong sa'kin ni Aaron na nagpabalik sa'kin sa reyalidad. Dali-dali akong humarap sa counter at sinabi ang orders namin, kahit pa gusto ko ng umalis dahil sa soobrang hiya.
Binayaran ko 'yon at dinala sa table namin at nagsimula na 'rin kaming kumain at magkwentuhan ng kung ano-ano.
Umuwi na sila Irish at AZ. Si Irish kasi ay tinawagan na siya ng mama niya na umuwi na. Habang si AZ naman ay may trabaho pa bukas. Sabi niya sa'kin ay nageenjoy na'rin naman daw siya sa pagtatrabaho kaya okay lang sa'kanya na tuwing Linggo lang ang pahinga niya.
At ako? Eto, naglalakad-lakad lang sa mall, at nag windowshopping narin.
Umupo ako sa isang upuan para magpahinga na muna, dahil medyo sumasakit narin ang paa ko kakalakad. Ramdam ko na may umupo sa tabi ko kaya nilingon ko kung sino 'yon,
Si Aaron lang pala,
Bigla nanamang lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ko siya. Ngumiti siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Kyaaah! Pigilan mo ang kilig mo Reign! Oh! My gulay!
"Hindi ka pa umuwi?" Tanong ko at umiling naman siya.
"Hindi pa, nakita kasi kitang magisa ditp na naglalakad. Kaya naisip ko 'rin na lapitan kana lang"
Kinilig naman ako sa sinabi niya. Omegesh!
"Reign?" Tawag niya sa'kin.
"Hmm?" Lumingon ako sa'kanya.
"Gusto kita"
***
BINABASA MO ANG
The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)
RomanceWhat if, ang maid mainlove sa amo niya? ano ang mangyayari? (COMPLETED BUT EDITING) Special Thanks kay Heynette Sykes dahil sa cover. Date Started: May 23, 2019 Date Finished: June 4, 2019