CHAPTER 9

1.8K 53 2
                                    

*Chapter 9*

Pagpasensyahan niyo po kung medyo maikli lang.

AZ's POV

Nagpupunas ako ng lamesa ng may malakas na ingay akong narinig sa may sala. Agad akong naglakad kung saan nangaling ang ingau na 'yon.

Pagkarating ko sa sala ay naabutan ko si Phoenix na tahimik na umiiyak. Kaya nagulat nanaman ako. Bibihira siyang umiyak, ang palaging expression niya kasi ay...well...Wala eh. O di kaya ngisi lang.

Lumapit ako sa'kanya at umupo muna sa tabi niya, "S-serr, bakit po kayo umiiyak?" Hindi siya umimik sa sinabi ko, "Ah, okay lang kung hindi niyo na sabihin. Ipaghahanda ko nalang po kayo ng makakain niyo" Tatayo na sana ako ng magsalita siya.

"Break na kami"

Nagulat ako sa sinabi niya. Break na sila ng girlfriend niyang coloring book?

"B-bakit? B-binigay ko naman na ang lahat. Pero bakit? B-bakit wala p-parin?" Pahikbi-hikbi nitong tugon. Natahimik ako, umupo ulit. Nagulat nalang ako sa sunod niyang ginawa,

Niyakap niya ako...

Bumilis ang tibok ng puso ko, at parang may kung anong meron sa tyan ko. Niyakap ko nalang siya pabalik. Kailangan niya ng masasabihan ng problema niya ngayon.

"Alam niyo po serr, bihira nalang po ang babaeng...hindi ka lolokohin. Y'ung kahit sinaktan mo na siya ng maraming beses ay mamhalin at mamahalin ka par'in niya. Y'ung tipong, mamahalin ka ng higit sa inaakala mo. Kung makahanap kayo ng ganyang babae serr, h'wag na h'wag niyo 'ho siya papakawalan" Pagpapayo ko. Ramdam ko na nabasa ang balikat ko, dahil siguro umiiyak nanaman siya.

"H'wag niyo 'ho siya iiyakan serr. Masasayang lang 'ho ang mga luha niyo. Darating ang araw na maaalala niyo 'to at tatawanan niyo nalang, dahil ay nakahanap na kayo ng babaeng higit na minahal ka sa iniiyakan niyo ngayon"

Ramdam ko ang pagpaggalaw ng kamay niya.  Niyakap niya ako ng mas mahigpit kaya napangiti ako.

"S-sana nga...sana, mahanap ko na 'siya'. Ang babaeng...m-mamahalin ako habang buhay. Ang babaeng hindi ako iiwan at sasamahan ako hanggang sa pagtanda ko" Tugon niya at kumalas sa pagkayakap sa'kin.

*DUG DUG DUG DUG DUG*

"H'wag kang magalala serr, malapit niyo na siya mahanap" Napangiting sabi ko sa'kanya. Nagulat ako ng ngumiti siya, y'ung ngiti na pinakita niya sa'kin kanina.

"Hindi ko na pala kailangang magantay, dahil...mukhang nahanap ko na siya" Nakangiting tugon niya at umalis na.

Naiwan naman akong tulala at hindi makapaniwala sa sinabi niya,

Ang swerte siguro ng babaeng 'yon,

***

The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon