CHAPTER 19
AZ's POV
11:30 PM na at nakahiga na ako sa kwarto ko. Nakahawak pa'rin ang kamay ko sa labi ko. Kapag naaalala ko ang ginawa ko kanina ay hindi ko mapigilang kiligin.
August 9, 20**
Ang araw na naging official kami ni Phoenix. Ang araw na naging boyfriend ko siya.
.
.
.
*KINABUKASAN*
(Saturday)Irish's POV
Tinext ko si Jave na magmeet kami sa ***** restourant. Hindi ko na kaya, ipagtatapat ko na ang feelings ko sa'kanya. I'm not scared of rejection at all. Ang importante, ay masabi ko na 'rin sa'kanya ang totoong laman ng puso ko.
.
.
.
Kakarating ko lang at umupo muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko at naglaro muna habang inaantay siya. Para na'rin mabawasan ang kaba ko.
.
.
Mga ilang minuto akong nagantay, pero ngayon ay dumating ma siya. Malungkot ang mga mata niya. Ano kayang problema ne'to?"Jave?" Tawag ko sa'kanya. Tumingala siya sa'kin at pinakitaan ako ng isang pilit na ngiti.
"Anong iniisip mo?" Tanong ko sa'kanya.
"Totoo bang May boyfriend na si AZ?" Malungkot na tanong niya. Kahit pa nasaktan ako ay sinikap ko paring sagutin ang tanong niya.
"O-oo, bakit?"
Bumuntong hininga siya, "Si Phoenix, friend ko siya. Ang sabi niya official na 'daw sila nung Angel na sinasabi niya. Akala ko naman na kung sino ang sinasabi niya, 'yun pala si AZ" Malungkot na saad niya.
Nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Pilit akong ngumiti sa'kanya, "Jave, mahal kita. Kung gusto mo, gawin mo akong rebound. Okay lang sa'kin, okay lang kahit nasa iba ang atensyon mo Jave. Hindi ako magagalit" Nakangiting sabi ko sa'kanya. Gulat naman siyang tumitig sa'kin.
"M-mahal mo'ko? P-pero Irish-"
"Please! Kahit rebound 'man lang. Tanggap ko Jave. Mamahalin kita. Isipin mo nalang na ako si AZ" Pagpupumilit ko.
"Sige, kung 'yan ang gusto mo. Sana ikaw nalang...Sana ikaw nalang ang minahal ko Irish. Pero bakit kay AZ pa'rin?" Nanlulumong tanong niya. Napalunok ako bago magsalita,
"Kaya nga nandito ako diba? Basta, isipin mo na ako si AZ. Gagawin 'kong rebound ang sarili ko para sa'yo" Tumango nalang siya at pilit na ngumiti sa'kin.
Tanggapin mo nalang 'yan Irish! Atleast, may label kayo. Rebound!
***
-Em🌻🌼🌸🌷
BINABASA MO ANG
The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)
RomanceWhat if, ang maid mainlove sa amo niya? ano ang mangyayari? (COMPLETED BUT EDITING) Special Thanks kay Heynette Sykes dahil sa cover. Date Started: May 23, 2019 Date Finished: June 4, 2019