*Chapter 11*
CHAPTER 11
Reign's POV
Parang tumigil ang mundo ko sa narinig ko. Gusto niya ako? So... Kyaah! Gusto niya 'rin pala ako!
"Gusto mo 'rin ako?" Tanong ko. Ngumiti naman siya at tumango. Gusto kong magtalon-talon sa kilig at tuwa dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na parehas lang pala kami ng nararamdaman! Kyah!
"Ano...kasi...gusto 'rin kita Aaron" Nahihiyang sabi ko. Ngumiti naman siya at niyakap ako.
*DUG DUG DUG DUG DUG*
"Reign, can I court you?" Nakangiti niyang sabi ng kumalas siya sa pagkayakap ko. Napangiti naman ako at tumango. Kyaaah! Oh! My gulay!
"Reign, magdate na agad tayo bukas" Suggest niya. Syempre, hindi na ako nagpakipot pa at pumayag na 'rin. Nagkwentuhan 'rin kami sandali, pagkatapos ay umuwi na'rin siya at ganu'n 'rin ako.
*KINABUKASAN*
Maaga akong nagprepare para sa date namin ni Aaron. Halos Hindi na nga ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang excitement! Yieee!
Bumyahe na agad ako sa ****restourant, kung saan kami magdadate. Yieee, excited na ako!
Pagdating ko ay luminga ako at 'don ko nakita si Aaron na may kausap sa cellphone niya.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa'kanya, para hindi niya ako mapansin at nakinig sa usapan nila.
"Ano? Nagawa mo na tol?" Aniya ng nasa kabilang linya. Anong nagawa na?
"Oo, una palang mukhang nahulog na siya sa'kin. Oh tol! Tuloy ang pusta natin. Hindi ako matatanggal sa groupo ha? Obvious naman na nahuhulog na sa'kin si Reign. At kapag sinagot na niya ako, makikipagbreak na agad ako sa'kanya at tapos na ang pustahan" Sagot naman ni Aaron sa kausap niya.
Parang tinutusok ang puso ko sa mga sinabi niya. So, pustahan lang pala 'yon? Ang lahat ng 'yon? Ang sakit grabe! Sobrang sakit!
"Sige tol, tawag nalang ako sa'yo mamaya. Baka anjan na'rin si Reign" Tugon ng nasa kabilang linya.
Tumulo na ng tuluyan ang luha ko sa mga narinig ko. Bwisit! Ang tanga ko! Oo nga naman no? Sino nga ba naman magmamahal sa'kin?
Enend niya ang tawag. Kaya lumapit ako sa'kanya. Nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwalang tumingin sa'kin. Malakas ko siyang sinampal na mas ikinagulat niya.
"Gago ka! Paasa! Lahat ng 'yon ay pustahan lang pala?" Sigaw ko sa'kanya, mas lalo akong lumapit sa'kanya at galit siyang tinignan "Tandaan mo 'to, babalik lahat ng 'to sa'yo!" Galit na galit na sigaw ko sa'kanya at muli siyang sinampal ng dalawang beses bago tuluyang nilisan ang lugar na 'yon.
***
BINABASA MO ANG
The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)
RomanceWhat if, ang maid mainlove sa amo niya? ano ang mangyayari? (COMPLETED BUT EDITING) Special Thanks kay Heynette Sykes dahil sa cover. Date Started: May 23, 2019 Date Finished: June 4, 2019