CHAPTER 13

1.7K 48 0
                                    

*Chapter 13*

CHAPTER 13

(TUESDAY)

Masaya ako dahil unti-unti nang nakamove on si Phoenix sa coloring book niyang ex-girlfriend. Madalas na ulit siyang ngumingiti. MADALAS lang ha?

Idagdag mo pang dalawang araw nalang birthday ko na. Kaya sinong hindi magiging masaya?

Pinupunasan ko ang bintana habang naghu-humn pa, naaninag ko si Phoenix na pababa ng hagdan at gulo-gulo ang buhok. Napatingin siya sa'kin at kumunot ang noo niya. Anong problema nito?

"Why are you cleaning the window?"

Tumigil ako sa pagpupunas at tinaasan siya ng kilay, "Phoenix, maid ako diba? Ano bang trabaho ng maid?" Sarcastic na tanong ko sa'kanya na mas ikinakunot ng noo nito.

"Arienna! Clean the window!" Sigaw nito at lumapit ang katulong na 'Arienna' kuno at mabilis na inagaw sa'kin ang punas na hawak ko. Aba't!

Magsasalita pa sana ako mg may humila sa braso ko at dinala ako sa garden.

"Ano bang problema mo?" Reklamo ko sa'kanya. Ngumisi naman siya,

"Angel, dad accepted you to be MY maid ONLY! So, you need my permission first" Nakangising saad nito at ginulo ang buhok ko bago umalis.

Angel? Anong klaseng nickname 'yan? Jusme!
.
.
.

"Angel!" Tawag ni Pheonix mula sa sala.

Mabilis akong nagpunta sa sala, at 'don ko lang napansing may bisita pala siya. Tropa niya ata.

"Bring us a glass of water please" Utos nito sa'kin. Tumango ako at akmang aalis na ng magsalita ang bisita niya,

"Hi Angel! I'm Tyler Perez, nice to meet you" Tumango lang ako at tanging ngiti lang ang isinagot sa'kanya.

Bumalik ako ng dala-dala ang dalawang baso ng tubig. Nilapag ko ito sa may mesa nila. Pinigilan ako nung Tyler ba 'yun na umalis.

"Angel, you're pretty. Can I court you?" Tanong nito na ikinagulat ko. Humarap ulit ako sa'kanila at nakita ko ang pagkayukom ng kamao ni Phoenix.

"Pleas---"

"Angel! Water the flowers! Hurry!!" Ubos pasensya nitong saad, kaya wala akong magawa kundi sumunod nalang.
.
.
.
Malalim na ang gabi at nakaupo ako sa may damuhan ng garden nila. Aaminin kong nagtampo ako kay Phoenix dahil sinigawan niya ako. First time niya akong sigawan kaya nanibago ako. Hanggang ngayon ay hindi ko siya pinapansin at sumunod nalang sa mga pinaguutos niya sa'kin.

Nakanguso kong pinagmasadan ang langit, bigla akong may narinig na kaluskos mula sa likuran ko kaya nilingon ko kung ano 'yon,

Si Phoenix lang pala...

Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa'kin pero Hindi ko siya magawang tignan. Bahala ka jan! Hmph!

"Hey Angel, I'm sorry kung nasigawan kita kanina, I...I was just...jealous" Nakayukong tugon niya. Lumingon ako sa'kanya,

"Bakit ka nagseselos?"

"Are...ughhh! Can't you fucking see it? I'm..."

"Magtatanong ba ako kung alam ko? Tss engot!" Singhal ko sa'kanya.

"Fine, I think... I'm.."

"Anoo??"

"I think I like you"

***

The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon