CHAPTER 17

1.4K 45 0
                                    

*Chapter 17*


Ito na po yung next. Sana magustuhan nyo po :)

CHAPTER 17

AZ's POV

Agad akong bumyahe pupunta sa mansion. Pagkarating ko agad 'don ay hinanap ko si Mr. Yu, gusto ko muna mapaglayo sa'kanya. Hindi ko pa kaya siyang harapin,

Mabuti nalang at nandyan si Mr. Yu, nakaupo ito sa garden at nagbabasa ng diyaryo.

"M-Mr. Yu.." Pahikbi-hikbi kong tawag. Lumingon ito sa'kin at tinignan ako ng nagaalalang expression.

"Hija? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Alalang tanong nito. Pinunasan ko ang luha ko bago magsalita,

"A-ahmm..wala 'h-ho 'to, s-sobra lang...'ho akong..nasurprise" Sarcastic kong sabi. Natawa naman ito at nilapag ang diyaryo sa mesa.

"Ahaha, anong kailangan mo hija?" Nakangiting tugon nito. Hindi ko alam kung sadyang naniwala si Mr. Yu o nagkukunwari lang siya.

"Pwede po bang, umuwi muna ako sa'min? Kahit dalawang araw lang po" Pakikiusap ko. Napagisip naman ito, pero ngumiti 'rin

"Sige Hija, Maligayang kaarawan nga pala" Tumango nalang ako at agad na pumunta sa kwarto ko. Magdadala lang ako ng iilan sa mga damit ko.
.
.
.
Kumatok ako sa pintuan at bumungad si mama na antok na antok. Mukhang nagulat siya kaya niyakap niya ako.

"Anak! Hindi ko akalaing nandito ka! Akala ko, sa mansion ka magcecelebrate ng birthday mo" Tuwang-tuwa na sabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

Kumalas siya sa pagkayakap ko at nagaalala niya akong tinignan, "Anak? Bakit ka umiiyak?"

Kwinento ko lahat kay mama. Hindi ko na kayang itago pa itong sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Anak, kapag nagmahal ka syempre, kailangan mo'ng masaktan. Hindi pwedeng puro saya lang ang nararamdaman mo kapag nagmahal ka. Hindi pagmamahal ang tawag 'don. Kaya anak, magpakatatag ka. Kahit gaano kasakit magmahal, magiging worth it din ang lahat ng sakit na naranasan mo sa huli" Nakangiting payo sa'kin ni mama habang hinahagod ang buhok ko. Napangiti ako, tama nga na sinabihan ko si mama ng problema ko. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.
.
.
.
Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa malakas na katok sa pinto. Tamad ko itong binuksan at tumamabad rito si Reign at Irish na sinusuri ako.

Taka ko naman silang tinignan, "A-anong ginagawa n-niyo rito?" Tanong ko at umiiwas ng tingin dahil sa tingin ko ay mugtong-mugto na ang mata ko dahil sa kaiiyak ko kagabi. Umupo sila sa gilid ng higaan ko kaya ganu'n 'rin ang ginawa ko.

"Tinext lang naman kami ng mama mo na pumunta 'raw kami dito. Dahil mukhang kailangan mo 'raw ng makakausapan sa problema mo, mukhang totoo nga ang sinabi ni tita dahil mugtong-mugto ang mukha mo, bes" Paliwanag ni Irish.

Napabuntong hininga ako at kwinento nalang sa'kanila ang buong nangyari. Pati na'rin ang mga payo sa'kin ni mama kagabi.

"Alam mo friend, tama nga naman ang mama mo. Syempre kailangan talaga natin masaktan dahil parte na 'yon ng pagmamahal, dalawa lang kasi 'yan, it's either hinalikan siya o di kaya siya ang humalik. Hay nako  bes! Baka naman na misunderstood mo lang. At tsaka isa pa, h'wag mong pangunahin ang mga emosyon mo. Hayaan mo muna siyang magpaliwanag, hindi mo alam ang buong nangyari dahil pagdating mo ay nadatnan mo lang silang naghahalikan. Kaya bes, try mo siyang kausapin" Paliwanag ni Reign na sinang-ayunan naman ni Irish.

Napaisip ako...

Wala sa sariling napapalo ako sa noo ko.

Nakakainis! Oo nga no? Bakit hindi ko muna siya hinayaang magpaliwanag? Pero imbes na gawin 'yun ay sinumbatan ko lang siya.

Nakapagdesisyon na ako...

Kakausapin ko na siya mamaya...Wala ng bukas, wala ng next time. Mamaya na talaga!

***

-Em🌷

The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon