CHAPTER 15

1.6K 42 1
                                    

*Chapter 15*

CHAPTER 15

(August 8, 20** -Birthday of AZ)

AZ's POV

Isang araw na ang nakalipas at hindi parin kami nagpapansinan ni Phoenix. Simula ng umuwi ako mag-isa galing sa mall ay hindi na niya 'rin ako pinapansin. Inuutusan niya lang ako at hindi na umiimik.

Sige, aaminin ko nalang 'din ang kasalanan ko. Kasalanan ko naman talaga kung bakit hindi niya ako pinapansin ngayon. Kung Hindi lang sana ako umuwi mag-isa dito noong isang araw edi dapat pinapansin niya ako ngayon.

Birthday ko ngayon, pero parang may kulang. Parang nawalan ako mg gana na magcelebrate. Nawala ang excitement na naramdaman ko. Hindi ko alam pero, parang gusto ko nang umuwi, at makasama ang mga kapatid ko. Masyado ko lang ata silang namimiss kaya ako ganito.

Kung dati, ay tuwing magbibirthday ako ay kasama ko sila. Kahit wala si papa ay masaya na ako at kuntento na kung anong meron ako. Simpleng handaan lang ang ginagawa ni mama tuwing birthday ko. Nagluluto siya ng spaghetti at ang paborito ko, pancit. Nireregaluhan ako ni mama ng mga mumurahing T-shirt, o di kaya pantalon. Minsan 'rin sumbrero.

Hindi na ako umaasang pupunta 'man lang si papa sa bahay para batiin ako. Pero kung mangyayari 'man 'yon, malaking bagay na 'yon para sa'kin.

Inaantay ko lang magising si Phoenix, nakahanda na ang pagkain niya. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa'rin ako tuwing makikita siya. Baka kasi galit siya, Engot ko naman kasi!

Nagulat ako ng may yumakap sa'kin mula sa likuran ko. Kung panaginip 'to ay sana hindi na ako magising. Dahil para sa'kin, isa itong magandang bangungot.

Ramdam ko ang pagpatong ng mukha niya sa balikat ko, dahilan para mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.  Hindi ko inaasahan na ganito kalakas ang epekto sa'kin ni Phoenix.

"Angel, I just wasn't to say Happy Birthday and I'm sorry. I'm sorry if my attention was focused to someone else. I just wan't to see if you'll get jealous. Please forgive me" Nanlalambing tono nitong sabi. Ramdam ko ang pagtagilid ng ulo niya at hinalikan ako sa pisngi. Biglang uminit ang mukha ko sa ginawa niyang 'yon.

Hinawi ko ang kamay niya na nasa bewang ko at humarap sa'kanya. Nakita ko ang lungkot sa mata niya dahil sa ginawa kong 'yon. Pero niyakap ko siya ng mahigpit.

"Phoenix, sorry 'din ha? Oo, aaminin kong nagseselos ako, kasi palaging si Ericah ang bukambibig mo. Pagpasensyahan mo na, ganito kasi ako katindi magselos" Paghihingi ko ng tawad. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya at niyakap 'din ako.

"I love you, I love you my Angel. My only, only Angel of my life" Saad nito. Napangiti ako at mas lalong hinigpitan ang pagkayakap sa'kanya.

"I love you too, Phoenix. I love you so much, more than myself" Mahinang bulong ko.
.
.
.
Umalis si Phoenix kani-kanina lang. Hapon na at tinawagan ako ni mama para batiin ako ng happy birthday. Ganu'n 'rin sila Irish at Reign.

Ngayon ay balak ko nang sagutin si Phoenix. Alam kong kakaligaw niya lang sa'kin, pero wala eh, mahal ko na 'ata.

Nasa kalagitnaan ako ng pagdidilig ng mga bulaklak ng lumapit si kuya Arnold sa'kin.

"Angelica, magbihis ka. May pupuntahan tayo" Aniya nito, "Dapat dress" Dagdag pa nito, dahilan para manlumo ako pero sumunod nalang.
.
.
.
Naka pink off-shoulder dress ako na ang haba ay hanggang tuhod. Nilugay ko nalang 'din ang buhok ko para mas lalong bumagay sa'kin ang suot ko.

Pumunta ako kung nasaan si kuya Arnold. Bakas ang paghanga sa mukha niya ng makita niya ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya at sumakay sa passenger's seat.
.
.
.
Huminto kami sa may restourant. Nakakapagtaka lang dahil walang katao-tao rito. Kahit pa ay kinakabahan ako ay sumunod ako kay kuya Arnold.

Kinakabahan ako na may halong takot sa puso ko. Parang may madadatnan akong hindi maganda. Hays, umayos ka AZ.

Pero parang gusto ko ng tumakbo at magpasagasa sa nakita ko. Tama nga ang hinala ko, may hindi maganda nga akong nadatnan ngayon.

Si...Phoenix...at..Ericah, nag..hahalikan...

Napaupo ako dahil sa matinding sakit na naramdaman ko. Gusto kong sampalin at bugbugin si Phoenix. Habang kay Ericah naman ay ipatapon sa kulungan ng mga ahas. Napansin nilang nandito ako kaya nagulat sila. Nagaapoy ang mga mata ko sa galit. Tumayo ako at pinapalo ang dibdib ni Phoenix. Nagsimula na akong humagulgol ng malakas. Malakas kong sinampal at tinulak si Ericah. Dahilan para mamula ang pisngi niya at masubsob siya sa sahig.

"A-Ange---"

Agad kong dinuro ang mukha niya, "H'wag mo akong tatawaging Angel! Angel mo mukha mo! Baka gusto mong sampalin kita gamit ang kamay ng Angel mo!" Galit kong sigaw sa'kanya.

"Hindi ako laruan Phoenix, na kapag nagsawa kana ay itatapon mo nalang. Balak pa naman na sana kitamg sagutin ngayon, pero binigo mo'ko" Umiiyak kong sabi. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Fuck!

"Happy Birthday to me! Ang saya-saya ng birthday ko noh?" Napatigil muna ako sandali bago magsalita, "Sige! Magsama kayo ng bago mong laruan! Kung 'yan ang gusto mo, Hayop!" Sigaw ko at tumakbo na papalabas.

Best...best birthday...ever, nasurpressa talaga...ako...

***

The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon