CHAPTER 22

1.3K 29 0
                                    

CHAPTER 22

6:00 na ng hapon at naglilinis ako ng kwarto ni Phoenix ng may nahulog na papel. Tinignan ko muna ito bago basahin ang nakasulat 'rito.

'Dear Phoenix,
      My dad thought if he can prepare an arranged marrige for us. I tried to say no but he was stubborn. Please Phoenix, help me stop his stupid desicion. I know you have a girlfriend, that is also the reason why I wan't you to know this. Please reply.

-Cassey Sartori'

Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko, arranged marriage? At sino si Cassey Sartori? Kaibigan niya 'ba? O kababata? Hindi ko alam!

Ang alam ko lang, nalungkot ako. Hindi ako ang papakasalan niya? Peste! Bakit pa kasi nauso 'yang bwisit na arranged marrige na 'yan!

Irita ko itong nilapag sa study table niya. Sinadya ko itong hindi iipit sa mga libro niya para mabasa niya. Gusto ko mabasa niya 'yan agad. O baka nabasa na niya.

Nagpatuloy ako sa paglilinis. Mabuti nalang at wala si Phoenix ngayon dito. Sabi niya ay may pupuntahan siya. Kanina, hindi na ako nagtaka. Baka kasi business partners niya lang. Sa'kanya kasi imamana ang bussines nila kapag kaya na ni Phoenix. Pero ngayong nabasa ko 'yang pesteng sulat na 'yan, naghihinala ako na baka 'yung Cassey Sartori na 'yun ang  pupuntahan niya!

Gusto ko'ng magalit at mainis sa'kanya. Pero sabi nga ni Reign, h'wag ko'ng paiiralin na muna ang emosyon ko, hangga't Hindi pa niya pinapaliwanag ang side niya.
.
.
.
8:00 na ng makauwi si Phoenix. Kita ko ang pagod at stress sa mukha niya. Kung Hindi ako nagkakamali ay baka tungkol 'don sa arranged marrige na'yun ang pinagusapan nila. Hula ko lang!

Nakita ko'ng kumuha siya ng tubig at mabilis itong ininom. Parang kinakabahan siya o nalulungkot na ewan, kaya nilapitan ko na siya,

Tinapik ko ang balikat niya, "Phoenix, may problema ka'ba?" Seryosong tugon ko sa'kanya. Nagulat siya sa biglaang pagaulpot ko.

"W-wala, a-are you going to..s-sleep?" Utal na tanong nito. Mas nagtaka ako dahil sa tanong niya, eh 8:05 palang eh. 11:00 kaya ako natutulog.

"May problema ka nga, sige. Hindi kita pipilitin na sabihin 'yon" Sabi ko at tinalikuran siya. Nagulat nalang ako ng bigla siyang magsalita.

"Angel, anong gagawin mo kung ikakasal ako sa iba?" Seryosong tanong niya. Dahil sa tanong niyang iyon ay alam ko na kung bakit siya umalis. Dahil nga 'dun sa arranged marrige na 'yun.

Bumuntong hininga muna ako, "Syempre malulungkot, pero magpaparaya ako. Dahil mahal kita, papalayain kita para maging masaya ka. Selfish ako, pero marunong akong magbigay para maging masaya ang taong 'yon. Sana makuha mo kung ano ang ipinaparating ko Phoenix" Seryoso ko'ng sagot at umalis na.

Kahit pa masaktan ako, papalayain kita. Sa ikabubuti mo at pati na'rin ng bussiness mo.
.
.
.
11:00 na at plano ko na sanang pumunta sa kwarto ng may nagdoorbell. Tumakbo ako sa pinto at hindi ko inaasahan ang bubungad sa'kin.

Si Papa..

Nakangiti ito at may dalang prutas. Nakaplastic ito.

Nagulat ako, "P-pa? A-anong ginagawa niyo 'rito? Paano niyo po nalaman na nandito ako?" Gulat na tanong ko. Ngumiti naman si papa,

"Pinilit ko ang mama mo na sabihin kung asan ka ngayon. Gusto ko lang 'din na ibigay sa'yo 'to" Nakangiti niyang sabi at inabot sa'kin ang nakaplastic na prutas. Nahihiya ko itong tinaggap at umiwas ng tingin.

"Salamat 'ho, p-papa" Nahihiya ko'ng sabi.

"Anak, patawarin mo'ko. Patawad anak kung hanggang highschool lang kita pinaaral. Anak, hayaan mo ipapaaral kita ng collage. Mamahalin kita at ipaparamdam ko sa'yo na mahal ka ni papa"

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita, "Sige pa, punapatawad na 'ho kita. Ngayon, susuportahan ko'na ang desisyon na labis na makakapagpapasaya sayo. Ngayon pipilitin ko ang sarili ko'ng maging malapit sa isa mo'ng pamilya. Iintindihin ko na ang mga bagay na Hindi ko maintindihan dati" Tugon ko at niyakap siya.

Pinapatawad ko na siya...

***

The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon