CHAPTER 30

1.4K 30 1
                                    

Hello po! Balak ko lang talagang manginis ng mga readers. Pero ngayon babawi na ako, haha!

CHAPTER 30

Few Years Later...

AZ's POV

Excited na akong makauwi sa Pilipinas. Matagal-tagal na'rin simula ng umalis ako 'don.

Umupo ako sa assigned seat ko at nagseatbelt na. Mamimiss ko 'tong korea. Dito 'rin ako nagaral, mamimiss ko 'rin ang mga kaibigan ko 'rito na sina Byung-soon at Chung-sook. Sila ang nagsilbing bestfriends ko 'rito.

Ang pinili kong course ay nursing. Mula bata hanggang ngayon ay pangarap ko kasi maging nurse. Ngayon masaya ako dahil ang dating pangarap ko ay naabot ko na ngayon.

Nabalitaan ko na sina Reign at Aaron ay engaged na. Parang kailan lang na nagkakailala sila pero ngayon ay ikakasal na 'rin.

Si Irish at Jave naman ay officially in a relationship na, natutunan na'rin mahalin ni Jave si Irish. Kaya ayun, sobrang saya nila ngayon.

Ang pamilya ko naman ay nagiging maayos na. Napatawad na ni mama ang babaeng kinakasama ni papa ngayon. Habang kami naman ng step-sister ko na si Ysabelle ay nagiging mas komportable sa isat-isa.

Si Ma'am Crishaine, na boss namin dati sa Minaze Cafe ay kasal na. Last year lang sila kinasal ng asawa niyang si Ryden Nate Strife. Nakita ko ngayon ay 6 months ng buntis si ate Shaine.

Si Alleyah at Lealaine naman ay may mga boyfriend na. Focus na focus 'rin sila sa bussiness nila.

Si Ericah at Tyler ay sila na'rin. Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit sila nagiiwasan ng tingin nung nasa mansion kami ng mga Yu, 'yun pala ay dahil mag ex sila.

Si Phoenix naman ay siya na'rin ang nagcocontroll ng buong Yu Company. Sobrang successful na niya ngayon at mas lalong yumaman Ang pamilya nila.

Habang ang Kaming dalawa ay..

Friends...

Nung nagcool-off kami ay nagkaayos 'rin kami makalipas ng tatlong araw. Pero dahil medyo lumabo na ang relasyon namin ng pumunta ako sa korea para magaral ay nakipagbreak na siya sa'kin. LDR kami nu'n kaya sobrang hirap talaga.
.
.
.
Naglanding na ang plane at sa wakas...

Andito na ako, andito na'rin ako. Sa tagal kong tumira ng Korea ng ilang taon, palagi kong iniisip kung may nagbago ba sa bansang pinagmulan ko.

Masaya ako dahil nakauwi na ako. Masaya ako dahil makakasama ko na 'rin Ang pamilya ko.

Pagdating ko sa airport ay masaya nila akong sinalubong.
Nandoon si Mama, Papa, Si tita Mirriam (ang mama ni Ysabelle), Reign, Irish, Ysabelle, Ericah, Tyler at pati na'rin si Phoenix. Lahat ng kaibigan ko ay nandoon. Except kila Lealaine at Alleyah. Niyakap nila ako kaya feel na feel ko ang welcome nila sa'kin.
Wala ng mas sasaya kundi ang makapiling Ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko.

"Bes! Kamusta pagaaral sa Korea?" Pagkakamusta ni Irish. Ngumiti naman ako sa'kanya.

"Okay lang naman. Andun 'rin naman sina Byung-Soon at Chung-Sook na mga kaibigan ko sa Korea. Kaya hindi naman ako masyadong lonely 'dun" Sagot ko.

Nagmano ako kay mama, papa at tita Mirriam. Nagkaayos na nga sila.

"Mas lalo kang gumanda anak" Pambobola ni Papa kaya natawa kami nina Mama at Tita Mirriam.

Lumapit sa'kin si Ericah at niyakap ako, isa pa 'to namiss ko talaga sila, "Welcome back Angel-- I mean AZ. Hehe" Pag-iiba nito ng usapan ng mapansing naging awkward ang paligid.

"Thank you, englishera ka pa 'rin talaga Ericah" Biro ko at natawa naman siya.

Lumapit naman si Phoenix sa'kin at kinuha ang mga bagahe ko, ngumiti siya sa'kin, "Welcome back, I miss-- I mean we missed you. We're glad you're back" Aniya at umiwas ng tingin. Ganu'n 'rin ang ginawa ko.

The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon