CHAPTER 5

2.2K 55 1
                                    

Chapter 5

Irish's POV

Hapon na at tapos na'rin ang shift namin ni Reign. Nabanggit 'rin ni Ate Shaine sa'min na hindi na muna magtatrabaho si AZ dito sa Minaze Cafe dahil nagapply daw siya bilang maid ng mga Yu.

Halo-halo ang emosyon na nararmdaman ko, lungkot, tuwa at pangungulila. Kahit pa magkikita kami ay nalulungkot pa'rin ako dahil bibihira na lamang, dahil ang available na araw niya lang pala ay Linggo.

Nangungulila 'rin ako sa presence ni bes AZ, hindi lang ako kundi kaming lahat. Masyado na kaming nasanay sa presence niya, na para bang maninibago kami dahil hindi na namin 'yon araw-araw.

Hay nako Irish! Kung makapagsalita ka, para namang mamamatay na si AZ. Siguro ay masyado na akong OA kaya ako nagkakaganito.

Kasalukuyan kong nililinis ang kusina, habang si Reign naman ay abala sa pagliligpit ng gamit namin. Ganu'n rin ang iba naming katrabaho.

Nang matapos ako ay sabay kami ni Reign na lumabas ng Cafe. Napagusapan kasi namin na kakain muna kami sa labas. Pumayag 'rin naman siya agad dahil libre ko naman.

Pumasok kami sa isang fastfood chain. Nagpresinta si Reign na siya nalang ang u-morder ng pagkain namin. Inabot ko na 'rin ang pera sa'kanya kasi nga, libre ko. Pag si Reign ang kasama namin ay wala talaga kaming takas sa'kanya. Habang ako naman ang naghanap ng mauupuan namin.

Umupo ako sa bakanteng upuan at nagcellphone muna. Naramdaman ko na may tumapik sa balikat ko. Nilingon ko kung sino 'yon, si Jave lang pala. Ang boybestfriend ni AZ.

"Oh? Jave? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

Aaminin ko, crush ko si Jave. Nakakatawa lang isipin na may mahal na pala siyang iba, at 'yun ay si AZ. Palagi ko'ng hinihiling na makamove on na ako sa'kanya. Pero wala talaga, bigo ako. Kaya mas pinili ko nalang na itago 'tong nararamdaman ko sa'kanya.

"Pakisabi ulit kay AZ na pasensya na, hindi 'rin naman namin inaasahan na babalik agad si Clare" Ngumiti at tumango nalang ako sa'kanya bilang sagot. Ginulo niya ang buhok ko kaya pabiro ko naman siyang binatukan kahit sa loob looban ko ay kinikilig na ako.

"Sige, see you Irish!" Paalam nito sa'kin. Kumaway naman din ako sa'kanya.

Nang makaalis siya malungkot akong napangiti,

"Sana ako nalang, sana ako nalang ang babaeng mahal mo" Bulong ko sa sarili.

***

The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon