CHAPTER 28
(WEDNESDAY 11: 55 AM)
REIGN's POV
NAGMAMADALI AKONG pumasok sa Minaze Cafe. Late na ako dahil matagal akong nagising at idagdag mo pa ang traffic! Oh! My Gulay!
Mabuti nalang at nakaabot pa ako. Kundi bawas sa sweldo namin 'yon. Next time nga, mas lalakasan ko ang alarm ko. Napasarap kasi masyado ang tulog ko eh!
Nagbihis na ako at nagsimula ng magtrabaho. Hindi gaya ng dati ay hindi na kami masyadong busy.
Lalabas na sana ako sa kusina ng may narinig akong pamilyar na boses,
"Uhm, anjan ba si Ms. Reign Leigh Gonzales?" Tugon ng isang lalaki. Familiar talaga!
"Yes sir, actually shes working right now na" Conyong sabi ng isang babae. Nagtago muna ako at sumilip ng kalaunti para makita kung sino sila.
Si Aaron at Keisha,
Jusko naman Reign! Bakit hindi mo nahalata na si Keisha 'yung babaeng conyo? Eh, siya lang naman ang Queen Of Conyo dito sa Minaze Cafe! Oh! My Fresh Gulay!
"But sir, you can upo-upo na muna there" Sabay turo niya sa isang bakanteng upuan, "I will call and tawag her na!" Tumango naman si Aaron at umupo muna, habang si Keisha naman ay kumiripas ng takbo papunta sa kusina. Agad naman akong bumalik 'don at nagkunwaring walang nakita o narinig 'man lang.
"Reign! Hoy ulan! Someone is tawag you! Mamaya ka'na umulan. Kuyang hot is waiting for you sa labas labas" Conyo talagang sabi niya habang sumesenyas pa. Hahaha! Akala mo naman bagay sa kanya! Hahaha!
Sumunod naman ako dahil isa pa, ayoko ng marinig ang pagcoconyo niya. One time nga tumawa ako, tapos binali niya ang kamay ko. Ayun, buti nalang hindi malala ang bali. Sinabi ko 'rin kila mommy and daddy na nadapa ako kaya ganu'n hahaha! Kaya ayokong tumawa tuwing maggaganyan siya.
Pumunta ako kung nasaan si Aaron, tulad ng dati ay gwapo pa'rin ito at tulad ng dati...
Siya pa'rin...
Ang huling pagkikita namin ay noon pa nung hinalikan niya ako dito sa Minaze Cafe. Aba! Ang hindi ko alam, vinevideohan na pala ako ng mga costumers. Best actress daw 'kuno' ang peg ko! Syempre! Isang Reign Leigh Gonzales 'to noh!
"Reign, mag-usap tayo" Pakiusap niya.
Naguusap na tayo Aaron, ano sa tingin mo ang ginagawa natin, nagluluto? Aba! Hanep 'yang imagination mo ah?
Kahit pa gusto ko'ng sabihin 'yon ay tipid na tango nalang ang isinagot ko.
Pumunta kami sa likod ng Cafe. Pribado ito kaya walang makakakita sa'min.
"Reign, mahal mo pa 'ba ako?" Kamot batok nitong tanong. Jusko! Ang straightforward naman ng tanong niya!
"O-oo"
"Reign, promise! Hindi na ito pusta. Totoo na 'to, mahal kita Reign. Mahal na mahal, sana bigyan mo ako ng pagkakataon na gawing tama ang mali ko. Reign please, hayaan mo akong ligawan kita" Pagsusumano niya.
Napabuntong hininga ako, natatakot ako. Maraming beses na akong umiyak ng dahil sa lalaki. Siguro mga 5 beses na, pero sa'kanya ang mas nangingibabaw sa lahat ng 'yon. Hindi ko alam kung bakit, basta ang alam ko lang,
Minahal ko siya ng higit pa sa inaakala ko... Minahal ko siya ng sobra-sobra, mas marami pa sa sobra.
Hindi ko alam kung tanga o marupok 'tong puso ko, dahil kahit paulit-ulit na akong nasasaktan, umaasa pa'rin ako na may magmamahal sa'kin ng totoo at hindi ako iiwanan.
Bakit nga ba ganito ang pagmamahal, kailangan nating masaktan. Para matawag natin 'yon na pagmamahal talaga. Ngayon mas lumalaki ang pag-asa ko, na siya na 'yon. Ang lalaking hindi ako iiwanan.
Napayuko ako at pasimpleng pinunasan ang nangingilid ko'ng luha, Putek na 'yan! Sobra na akong iyakin, Oh! My Gulay!
Tumingala ako sa'kanya at ngumiti, "Aaron, sana sa ibibigau ko sayong chance nagyon ay...hindi mo na sasayangin. Sana, kapag sinabi ko'ng oo, hindi ito pustahan gaya ng dati. Aaron, maawa ka naman sa puso ko oh! Ilang beses na 'tong nasaktan ng dahil sa mga lalaki. Kaya please! H'wag mo na 'tong sasayangin" Pakikiusap ko.
Ngumiti siya, tinignan niya ako ng diretso sa mata, "Oo totoong-totoo na 'to Reign! Sobrang totoo na. Mahal na mahal na kita Reign!" Nakangiting sambit nito at hinalikan ako. Hinila niya ako palapit sa'kanya at nilagay ang kamay sa bewang ko. Habang ako naman ay nilagay ang kamay ko sa batok niya. Ginantihan ko naman ang halik niya mg buong puso.
Humiwalay siya at piangdikit ang noo namin. Ramdam ko ang hininga niya kaya biglang uminit ang buong mukha ko, "I love you Reign. Thank you for giving me a chance. A chance to love you again. Not a fake love, but true love" Nakangiting sabi niya at mabilis akong hinalikan sa pisngi.
"I love you too, Aaron. Sana nga hindi mo sayangin ang ibinigay ko'ng chance sa'yo"
***
-Em🌷
BINABASA MO ANG
The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)
RomanceWhat if, ang maid mainlove sa amo niya? ano ang mangyayari? (COMPLETED BUT EDITING) Special Thanks kay Heynette Sykes dahil sa cover. Date Started: May 23, 2019 Date Finished: June 4, 2019