-Em <3
CHAPTER 21
Andito na siya...
Hindi na ako nagabalang kumatok pa dahil alam kong bukas ang pinto. Pumasok ako at 'dun ko nakita ang isang babae...
Anak niya sa babae niya...
Pilit itong umaawat sa'kanila. Natataranta na ang itsura nito at para bang iiyak na. Kaya lumapit ako sa'kanila. Tinignan ako ni papa ng malungkot na expression. Habang si mama ay umiwas ng tingin.
Napatingin ako sa babae na parang mas bata sa'kin ng kaunti. Halatang mahal na mahal ito ni papa, dahil mababase mo palang sa itsura niya na pinalaki siya ng maayos.
Naiingit ako sa'kanya, dahil kahit papano ay nakapagaral siya. May pakialam sa'kanya si papa. Samantalang ako, wala. Ni hindi nga ako pinakitaan ng pagmamahal niya.
Nangingilid ang luha ko, gusto ko maranasan kung paano mahalin ng isang tatay. Kaya ganito nalang kalaki ang galit ko sa'kanya.
"Anong ginagawa niyo 'rito?" Walang emosyong tanong ko. Akmang yayakapin niya ako ng lumayo ako sa'kanya.
"A-anak---"
Bigla akong nainis, "Ano sabing ginagawa mo 'rito?" Kalmadong ulit ko ngunit ang pinagkaibahan lang ay may diin ang bawat salita.
Napayuko ito, "A-Angelica, gusto ko sanang humingi ng tawad, patawad Angelica"
Nagpakawala ako ng pekeng tawa, "Hah! Ganu'n nalang kadali pa? Ang hirap! Pakiramdam kasi namin, naiwan kami sa ere" Pigil emosyong saad ko, "Sa totoo lang, naiingit ako sa'kanya" Turo ko 'dun sa babae,"Kasi, naranasan niya kung paano magmahal ang isang tatay. Napalaki mo siya ng maayos. Samantalang ako? Hindi!" Lumapit siya sa'kin at niyakap ako. Humagulgol ako sa ginawa niyang 'yon.
"Anak, pagbabayaran ko ang lahat ng pagkukulang ko. Pangako 'yan" Saad niya.
.
.
.
(Monday)Kumatok ako sa pintuan pero hindi ko inaasahan ang bubungad sa'kin,
Dalawang babae, magaganda ito at mapuputi. Ang isa ay antok na antok ang mukha habang Ang isa naman ay humihigop ng kape. Sino sila?
Kumunor ang noo ng isa, "Who are you?"
"I'm Angelica, the mai---"
"My girlfriend" Putol ng kakarating lang. Naglakad papalapit si Phoenix sa'kin at hinalikan ako sa noo. Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niyang 'yon.
"Wow! Good taste bro!" Cheer nung isa naman. Inilahad niya ang kamay niya, "Hi! I'm Alleyah Venice Yu, the third born Yu" Nakangiti nitong sabi. Napangiti 'rin ako at nakipagshakehands naman.
"Oh! So, your his new girlfriend huh? Well, I like you for my brother. By the way, I'm Lealaine Vanessa Yu. The second born Yu" Nakangiti naman nitong pakilala. Gano'n 'rin ang ginawa ko, nakipagshake hands ako sa'kanya.
"Tara!!" Aya ni Alleyah. Sumunod naman si Lealaine sa'kanya. Natawa ako sa inasal nila. Habang si Phoenix naman ay umiling-iling lang. Kinuha niya ang bag ko at ngumiti,
"Don't mind them"
***
BINABASA MO ANG
The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)
RomanceWhat if, ang maid mainlove sa amo niya? ano ang mangyayari? (COMPLETED BUT EDITING) Special Thanks kay Heynette Sykes dahil sa cover. Date Started: May 23, 2019 Date Finished: June 4, 2019