CHAPTER 20

1.3K 33 0
                                    

CHAPTER 20

(Sunday)

Day-off ko na'rin ngayon. Makikita ko na'rin sa wakas sina mama, Greylyn at Jay. Pati na'rin sina Reign at Irish.

Nagdala ako ng konting damit. Since bukas 'rin naman, babalik na ako dito.

Lumabas na ako ng kwarto ko habang dala ang bag ko. Nadatnan ko si Phoenix na nakasandal sa pader. Nakanguso itong nakatingin sa'kin.

Kumunot ang noo ko, "Anong problema?" Tanong ko at lumapit sa'kanya.

Umalis ito sa pagkakasandal sa pader at niyakap ako, "Babe, please come back tomorrow" Pagmamaktol niya.

Natawa ako sa inasal niya, parang bata.

"Syempre naman, day-off lang naman 'to Phoenix" Natatawang sagot ko. Kumalas siya sa pagkayakap ko at mas lalong ngumuso. Anong masama sa sinabi ko?

"Babe kasi! Hindi Phoenix!" Nakangusong saad niya.

Jusko naman!

"Sige na, babe oh? Gusto ko na 'din makasama si mama eh" Pagpapaawa ko sa'kanya. Ngumiti siya at hinalikan ako sandali sa labi.

Tss, adik!

Kinuha niya ang bag ko at pumunta sa gate, "Hatid na kita babe" Aya niya. Tumango lang ako at sumunod sa'kanya.

Niyakap niya ako muli bago magpaalam. Marahan niya akong hinalikan sa noo at ngumiti.

"Mag-iingat ka babe! I love you!" Matamis niyang tugon.

"Sige, ikaw 'din babe. I love you too" Sagot ko sa'kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti.
.
.
.
Nasa tapat na ako ng pinto, kakatok na sana ako ng may marinig akong pamilyar na boses, nagsisigawan sila.

"May karapatan pa'rin ako Lailley! Tandaan mo, Anak ko pa'rin sila" Sigaw 'niya'.

"Iniwan mo kami, matagal ka'na naming nakalimutan. Nakalimutan ko na 'rin na may ama pa pala ang mga anak ko" Sigaw pabalik ni mama.

Andito na siya...

Pinuntahan niya kami..

***

The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon