CHAPTER 18

1.4K 34 1
                                    

Eto na po next chapter! Sana magustuhan niyo! :*

CHAPTER 18

7:00 na ng nakarating ako sa mansion. Mukhang nagulat pa nga si Mr. Yu dahil maaga daw ako bumalik pero ang sinabi ko ay namimiss ko na agad sila.

Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto ni Phoenix. Kinakabahan ako, itutuloy ko ba? Bigla nalang nawala ang confidence ko eh!

Hindi pwede! Kailangan niyong magkaayos AZ! Gusto ko 'rin marinig ang paliwanag niya sa'kin.

Bago ako kumatok ay nilagay ko muna ang tenga ko sa pinto para marinig kung ano ang ginagawa niya. Parang nadudurog ang puso ko ng marinig ang mahinang hikbi niya.

Aiish! Ang engot ko talaga! Hindi ko 'man lang siya hinayaang magpaliwanag.

Huminga ako ng malalim bago kumatok. Nang makahinga na ako ng malalim ay kinatok ko ang pinto niya,

Puta! Kinakabahan ako!

"S-sino yan?" Tugon niya sa loob.

"P-Phoenix..." Kinakabahan kong saad. Ramdam ko ang pagtahimik niya pero nagsalita na'rin siya,

"Pasok"

Dun ko lang din napagtanto na bukas pala ang pinto. Aishhh! Ang tanga mo talaga AZ!

"Phoenix...pwede...pwede ba...tayong magusap?" Kinakabahan kong sabi. Nakita kong pasimple niyang pinunasan ang luha niya...

Sorry...

Tumango siya, "Dun tayo s garden" Iwas tingin niyang sagot. Tumango ako at sumunod lang sa'kanya.
.
.
.
Umupo kami sa may damuhan. Mabuti nalang at wala 'ring tao, para na'rin makapagusap kami ng maayos.

"Sorry"

Lumingon siya sa'kin at kumunot ang noo niya, "Sorry, sorry hindi kita pinaexplain. Pero please, gusto kong malaman ang lahat. Please Phoenix" Pakiusap ko sa'kanya.

Kwinento niya sa'kin lahat. Medyo nahihiya ako kasi mas inuna ko ang magalit sa'kanya kesa sa magpaliwanag siya.

Umusad ako sa'kanya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Ramdam ko ang pagngiti niya pero hindi niya pinapahalata. Bumilis ang tibok ng puso ko, tama nga sila, dapat h'wag natin pairalin muna ang emosyon natin. Dapat marinig muna natin ang paliwanag ng isa bago tayo manghusga.

"Angel" Tawag niya sa'kin.

*DUG DUG DUG DUG*

Namiss ko ang pagtawag niya sa'kin na 'Angel'. Pinigilan ko ang ngiti ko,

"Hmm?"

"Pwede ba kitang ligawan? Please? One more time? I wan't to show you how serious my feelings are for you" Inalis ko ang pagkasandal sa'kanya at humarap sa'kanaya.

"No"

Bigla itong umiwas ng tingin at kita ko ang lungkot sa mga mata niya...

Engot! Di 'man lang ako pinatapos! Tsk! Kahit kailan.

Hinawakan ko ang mukha niya at ngumiti, "Kasi, sinasagot na kita" Nakangiti kong sabi sa'kanya.

Nagulat siya pero ngumiti 'rin. Tumayo siya at nagtalon-talon, "Yessss! Kamiii naa! Wohooooo! I love you Angelica Zarina Rivera" Sigaw niya at umikot-ikot pa. Bumalik siya sa pagkaupo at niyakap ako ng sobrang higpit. Natawa nalang ako and at the same time, kinilig.

"I love you too, Phoenix Blade Yu. My boyfriend" Nakangiting sabi ko at hinalikan siya sa labi.

***

-Em🌷🌷

The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon