CHAPTER 27

1.2K 29 0
                                    

CHAPTER 27

(WEDNESDAY 7:00 AM)

IRISH's POV

MAAGA AKONG nagising, kaya napagdesisyonan ko na pumunta muna sa park at maglibot-libot muna sa park.

Nagsuot ako ng simpleng pink na T-shirt, at black pants naman sa pangibaba. Nagsuot ako mg red na beanie dahil sigurado akong malamig pa sa labas, 7:00 pa kasi eh.
.
.
.
Umupo ako sa isang bench at tumingin-tingin muna sa paligid. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may nakatingin sa'kin mula sa malayo.

Nagulat nalang ako ng may isang lalaking umupo sa tabi ko at pasimple akong inakbayan, pagtingin ko ay si Alex pala, pinsan ko.

Ngumiti siya sa'kin at ginulo ang buhok ko, "Oh? Alex, anong ginagawa mo 'rito?" Tanong ko.

"Wala, nagpapahangin lang 'din. Nakita lang kitang nakaupo kaya nakiupo nalang 'din ako, hahaha! Ikaw Rish?"

"Tulad mo, nagpapahangin lang 'din. Hindi ko nalang 'din inistorbo si Reign dahil baka tulog pa 'yon. Habang si AZ naman, hindi 'rin pwede dahil may trabaho siya. Kaya ako nalang"

"Hmm, Rish? May boyfriend ka'na ba?"

Napatigil ako sa tanong niya. Ang alam ko lang kasi, rebound ang label namin ni Jave. Ayoko 'rin naman kasing maging assuming eh. Baka mamaya kumalat pa 'yun tsaka itanggi niya. Edi dobleng sapul na sa'kin!

"Rish?"

"H-ha?"

"Ang sabi ko may boyfriend ka'na ba?" Nakangising sagot niya. Alam ko na 'yang ngisi na 'yan. Aasarin nanaman ako niyan na pangit ako kasi wala pa akong nagiging boyfriend. Hay nako!

"W-wal--"

"Ako" Sagot ng isang pamilyar na boses.

Napatingin ako kung saan nangaling ang boses na 'yon. Nakita ko si Jave na nakapamulsa at walang emosyong nakatitig sa'min. Napaiwas ako ng tingin dahil 'dun.

"Woaaah! Dalaga na siya!" Hiyaw ni Alex at ginulo ang buhok ko. Pabiro ko naman siyang binatukan dahil 'don.

Bigla nalang hinawakan ni Jave ang kamay ko at hinatak ako kung saan.

"Jave! Ano ba! Nasasaktan ako" Reklamo ko sa'kanya.

Totoong nasasaktan ako. Sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko na halos mamula na ito. Binitawan niya ito at napayuko.

"Sorry Irish"

Bumuntong hininga ako, "Okay lang, pero bakit ka ba nanghahatak?" Tanong ko dahilan para umiwas siya ng tingin.

"Who's that guy?"

"Sino?"

"Yung katabi mo Irish!" Nagpipigil inis niyang saad. Kumunot ang noo ko sa inasta niya. First time niyang maging ganito sa'kin kaya nagulat ako.

"Pinsan ko, si Alex. Bakit?" Kunot noong sagot ko sa'kanya. Sa naging sagot ko'ng iyon ay naging maaliwalas na ulit ang itsura niya. Ngumiti siya sa'kin at ginulo ang buhok ko. Hobby na niya ang paggulo ng buhok ko eh no?

"Nothing, sorry by the way" Nakangiting saad nito at umalis na.

Anong nangyari 'dun?

***

-Em <3

The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon