Chapter 4
AZ's POV
"IKAW?/YOU?"
Halos sabay na kaming magsalita. Anong ginagawa niya dito? Imposible namang magaaply to bilang katulong.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat paring tanong ko. Kumunot naman ang noo niya sa naging sagot.
"I should be the one asking that fucking question!" Iritang sigaw nito. Nagulat ako, maski si Mr. Yu at kuya Arnold ay nagulat 'rin.
"Stop that Pheonix! Be nice to your maid!" Suway nito kay Pheo----what?
Tumikhim si Mr. Yu at pormal na tumingin sa'kin "Angelica, siya si Phoenix, Phoenix Blade Yu. Siya ang aalagaan mo. Phoenix, siya naman si Angelica Zarina Rivera, ang magiging maid mo"
Nagulat nanaman ako, siya? Sa lahaaaaat ba naman ng tao sa mundo, bakit siya pa?
"Find someone else dad! I don't like her!" Tinignan ko siya at sinamaan ng tingin. Ganu'n rin ang ginawa niya sa'kin.
"Hoy! Wala naman akong sinabi na gustuhin mo'ko! Kahit na ayaw kitang pagsilbihan ay magtatrabaho pa'rin ako! Tse!" Mataray na sagot ko saba'y irap. Tinignan niya ako ng nakakaloko at ngumisi.
"Bakit? Sabihin mo lang, nahumaling ka na sa'kin no?" Ngisi-ngisi nitong sabi.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, Asa! "Tss, kapal ah! Halos tangayin na ako sa sobrang hangin" Napatigil muna ako ng ilang segundo bago magsalita, "FYI lang Mr. Yu, ginagawa ko 'to para sa pamilya ko! Ako nalang ang maaasahan sa'min kaya ginagawa ko ang lahat sa'kanila. At tsaka, ako? Mahuhumaling sa'yo?" Saba'y turo ko pa sa sarili ko, "Wow! Para namang sinabihan mo ako na wala akong taste"
Sinamaan niya ako ng tingin sa sinabi ko'ng 'yon. Tss, siya nanguna tapos mapipikon lang din? Hina ng kalaban ko.
Bigla nama'ng humagalpak ng tawa si Mr. Yu at kuya Arnold. Para ba'ng aliw na aliw sila sa napapanood nila.
"Nakakatuwa ka'yong tignan" Tugon ni Mr. Yu at umiling-iling pa. Gano'n 'rin si kuya Arnold. Nagulat nalang kami ng tumikhim si Phoenix at naging seryoso ang mukha.
"Dapat lang, don't fall for me. I'm loyal to Ericah" Seryosong sambit nito. Napatigil ako sa sinabi niya, ganu'n 'rin si Mr. Yu at Kuya Arnold.
Aaminin ko, merong parte ko na nanghinayang. Pero hindi ko alam kung bakit. At naiinis ako dahil nararamdaman ko 'yon.
Tinaasan ko siya ng kilay para hindi halatang apektado ako sa sinabi niya "Oh? Edi loyal ka! Asa ka nama'ng maiinlove ako sa'yo, Tss" Iritang sabi ko at umiwas ng tingin.
"Ahm...mauuna na 'ho ako. Kailangan ko pa po ipaalam kay mama" Pagpapaalam ko. Tumango at ngumiti naman silang dalawa 'pwera nalang kay Phoenix na titig na titig parin sa'kin.
Ngumiti ako at lumisan na, pero parang may iba akong nararamdaman simula ng sinabi 'niya' 'yon.
Hayss...ano bang nangyayari sa'yo AZ? Umayos ka nga!
Reign's POV
Hi po! Ako po si Reign Leigh Gonzales, tulad po ni AZ ay 21 years old na po ako. Hihihi
Tinawag ko si Irish at inutusan siyang iserve ang order sa table #7. Hihihi feeling reyna muna ako.
Nakakapagtaka dahil hindi nagduty si AZ ngayon, sayang naman. Wala akong kadaldal dito.
"Reign, kunin mo ang order ng table #5" Utos ni Marie. Ang pinaka mataray at bitter sa'min.
Tumango nalang ako at pinuntahan ang table #5, mahirap na baka tumilapon ako palabas ng Minaze Cafe sa galit ni Marie.
"Serr, may i have your order?" Tanong ko sa lalaking nakaupo. Pasimple ko siyang sinulyapan, wawww! Gwapo ni kuya! Hihihi.
"One slice of vanila cake and coffee" Masungit na sabi nito. Tumango nalang ako at agad pumunta sa kusina.
"One slice of vanila cake and coffee" Sigaw ko. Pagkatapos ko'ng sabihin ang order ni serr kuya ay napatili ako ng mahina.
Hihihi! Ang gwapo! Kyaaah!
Nakangiti akong dinala sa'kanya ang orders niya. Aalis na sana ako ng hawakan niya ang braso ko,
*DUG DUG DUG DUG DUG*
"Name?"
"Reign Leigh Gonzales, serr"
"Okay" Sagot nito at tinapat niya ang kanang kamay niya na para bang nakikipagshake hands "Mark Aaron Mendoza"
Pigil kilig ko naman din inabot sa'kanya ang kamay ko. Kyaaahhh!!! Ang ganda mo talaga Reign!
Kumindat ito sa'kin bago umalis. Napatingin ako sa table niya at du'n ko lang napansin na mabilis pala siyang kumain.
O di kaya...
Mas na divert lang ang atensyon ko sa'kanya?
Kyaaah! At dahil kay kuyang pogi ay magtatrabaho ako ng maayos! Hihihi!
***
BINABASA MO ANG
The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)
RomanceWhat if, ang maid mainlove sa amo niya? ano ang mangyayari? (COMPLETED BUT EDITING) Special Thanks kay Heynette Sykes dahil sa cover. Date Started: May 23, 2019 Date Finished: June 4, 2019