CHAPTER 12

1.7K 47 1
                                    

*Chapter 12*

CHAPTER 12

(TIMESKIP: TUESDAY)

Reign's POV

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng nadurog ang puso ko.

Sa dalawang araw na 'yon ay wala akong ginawa kundi patago akong umiyak ng umiyak. Masakit eh, kasi pagnagkagusto o nagmahal ako sa isang tao, sobra.

Kaya another panloloko nanaman ang naranasan ko. Hindi ba pwedeng magmahal lang ako at di masaktan? Kaso, para namang imposible 'yon.

Bumyahe na'rin ako papunta sa Minaze Cafe para magtrabaho. Kahapon nga nagovertime ako para makaimutan 'rin 'tong sakit na hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa'rin.

Kahapon ko 'rin sinabi ang dahilan kung bakit ako nagovertime. Tanongin ba naman ako ng paulit-ulit? Oh! My gulay naman!

Nagsimula na akong magtrabaho kaya medyo nakalimutan ko na 'rin 'tong sakit na nararamdaman ko. Bigla nalang ako tinawag ni Marie at sinabing may naghahanap daw sa'kin. Nakaupo raw ito sa table #3. Kaya kahit ayaw ko ay pinuntahan ko nalang ang tao'ng 'yon.

Pumunta na ako sa table #3 at bigla nanamang bumalik Ang sakit na nasa puso ko. Nandito lang naman ngayon ang lalaking nagdulot ng sakit sa puso ko na hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa'rin at ang pinagpustahan lang ako.

Walang kaemo-emosyon kp siyang tinignan. Napayuko ito at hindi makatingin ng diretso sa'kin.

"Anong ginagwa mo 'rito" Pagbabasag ko sa katahimikan. Tinignan niya ako at tumayo. Hinawakan niya ang kamay ko pero agad kong hinawi ang kamay ko sa'kanya. May kusang isip ata ang mata ko dahil kusang tumulo ang luha ko

"H'wag mo 'kong hahawakan, manloloko" Galit kong sabi sa'kanya habang patuloy parin na umaagos ang luha ko.

Niyakap niya ako pero nagpumiglas ako, "Tama na Aaron! Hindi mo'ba nakikita na nagmomove on ako sa'yo? O gusto mo lang dagdagan Ang sakit na nararamdaman ko para tuluyan mo nang magawa ang pustahan niyo? Kasi, kahit anong gawin mong pagsosorry sa'kin, hindi na magbabago na nasaktan ako ng dahil sa'yo!" Umiiyak na sabi ko sa'kanya habang nagpupumiglas parin sa pagkayakap niya sa'kin.

Bigla niya akong hinalikan na ikinagulat ko, pero kahit na gusto kong tumugon sa halik niya ay lumayo nalang ako at sinampal ulit siya. Napayuko siya sa ginawa kong 'yon.

"Tama na Aaron! Ayoko na! Kasi kahit sinaktan mo'ko, hindi ko parin mapigilan ang sarili kong umasa sa mga pinaggagawa mo sa'kin. Kaya please! Hayaan mo na akong mag move on sa'yo" Umiiyak kong sabi. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinagtama ang paningin namin,

"Reign, I'm sorry. Please don't move on, cause I have finally realised what feelings I have for you" Kalmadong tugon niya at hinalikan ako sa noo "I love you, this time it's real. Walang kasinungalingan, totoong-totoo" Tugon niya at umalis na.

Dapat...dapat ba akong umasa ulit?

***

The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon