CHAPTER 29

1.3K 33 0
                                    

(Some matured contents below)

Hii! Chapter 29 na! POV na ni AZ. Isang chapter nalang din at Epilogue na.

(WEDNESDAY 8:30 PM)

CHAPTER 29

AZ's POV

ISANG ARAW na ang nakalipas magmula ng huli kaming magusap ni Phoenix. Nagtatampo pa'rin siya kaya ngayon ay susuyuin ko na siya.

Kakarating lang ni Phoenix at malungkot ang awra nito. Agad ko naman siyang nilapitan, dahilan para umiwas ito ng tingin.

"Phoenix, pwede 'ba tayong magusap?" Tumango ito at dumeretso kami sa tambayan namin, Ang garden nila.

Umupo siya sa damuhan at tumingala. Ganu'n 'rin ang ginawa ko, may katahimikan na bumalot sa'min kaya binasag ko na ito,

"Phoenix, sorry. Sorry kung nasabi ko'ng selfish ang ginawa mo. Oo, sobra akong natuwa sa ginawa mo, pero ayokong bumaba ang reputasyon ng company mo ng dahil sa pagcancel mo sa arranged marrige niyo ni Cassey. Sorry talaga...babe" Nakayukong tugon ko.

Lumingon siya sakin at ginamit ang hintuturo niya para matingala ako, "Babe, I'm sorry if I did that. I'm sorry" Aniya at hinaplos ang pisngi ko. Ngumiti naman ako sa'kanya bilang sagot.

"I love you babe. I love you so much"

Napangiti naman ako dahil 'don, "I love you too. I love you too my only Phoenix" Sagot ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.

Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako. Hinapit niya ang bewang ko at mas diniinan ang paghalik sa'kin. Ginantihan ko naman iyon at nilagay ang kamay ko sa batok niya.

I love this man so much. So so so much!
.
.
.

(WARNING: SOME MATURED CONTENTS BELOW LOL!)

Isang buwan na ang nakalipas magmula ng magkaayos kami ni Phoenix. Wala naman kaming problema nang magdaan Ang araw.

Pero ng makalipas ang ilang linggo ay parang napansin ko na wala na kaming time sa isat-isa.

Palagi nang late umuwi si Phoenix, minsan 11:59 o 11:30 na ng gabi. Ang pinakamatagal ay 12:00 AM.

Bibihira ko nalang siya makita sa mansion dahil maaga 'rin siyang umaalis sa mansion at late na siyang umuuwi.

Narinig ko ang pagsara ng pinto, isang himala dahil andito na si Phoenix. 8:37 PM palang eh.

Nilapitan niya ako at niyakap. Namiss ko siya, namiss ko ang presence niya.

Niyakap ko siya pabalik, ng kumalas siya ay mabilis niyang sinungggaban ang labi ko.

Isa 'rin sa namiss ko ay ang mga halik niya. Masaya ako ngayon dahil andito na siya ulit. Nararamdaman ko na ulit ang presence niya.

Nagulat nalang ako ng mas diniinan niya ito. Parang masusugat ang labi ko dahil 'dun. Ginantihan ko naman ang mga halik niya sa'kin.

Habang mas tumatagal ay mas nagiging intimate ang halik namin. Nagulat ako ng bumaba ang labi niya papunta sa tenga ko hanggang sa tuluyan na itong makababa sa leeg ko. Nakaramdam ako ng kaba at sarap sa ginawa niyang 'yon. Napahawak ako sa buhok niya at pinigilan ang sarili na hilain 'yon.

Napalunok ako na mukhang napansin niya dahil napatigil siya, "S-sorry, babe. I'm so sorry. I-I did not meant to do that. All I want is to kiss you, not 'that' " Nakayuko nitong sambit. Ngumiti ako sa'kanya at hinaplos ang mukha niya,

"It's okay. Hindi mo naman sinasadya" Nakangiting saad ko.

at mabilis na hinalikan ang labi niya.
.
.
.

(MONDAY 7:23 AM)

Mabilis nagdaan ang mga araw, kung dati ay minsan ko lang siya makita, ngayon ay parang bihira nalang.

Kung magkikita kami ay siguro dalawang beses o isang beses sa isang linggo. At kapag tuwing umuuwi siya ay madalas hindi na niya ako napapansin. Kaya parang nakalimutan na niya na may girlfriend pa pala siya. Palagi lang 'din siyang tutok sa laptop niya at panay ang pagtatype dito.

Ngayon ay nagpromise si Phoenix na idadate niya 'raw ako. Pero laking gulat ko nalang na nakabussiness attire ito. Ano 'yun, magdadate kami ng nakaganyan siya? Kalokohan!

Wala na'rin akong kasama dito except kila Arienna at iba pang katulong ng mansion. Si Alleyah at Lealaine ay sumama kila Mr. and Mrs. Yu papuntang US. Ang sabi nila ay may importanteng bussiness itong aasikasuhin.

Nakabihis ako ng dress ngayon. Nageffort lang ako dahil matagal ko nang hindi nakasama si Phoenix. Nang makababa ito ng hagdan ay napayuko ito.

"Babe, can we..talk?" Tumango ako at gaya ng dati ay dumeretso sa garden.
.
.
.

"Babe, hindi na matutuloy ang date natin"

Nagulat ako dahil 'don. Nangako siya, nangako siya pero bakit hindi na matutuloy?

"May..importante kasi akong..aasikasuhin" Nakayukong saad nito na ikinakunot ng noo ko.

"Lagi nalang Phoenix! Minsan na nga lang tayo magkita pero icacancel mo pa 'tong date natin? Nangako ka Phoenix na ito Ang araw na magbobonding muna tayo dahil bihira nalang tayo magkita. Tapos ngayon, bussiness nanaman??!??" Reklamo ko sa'kanya. Kumunot ang noo nito,

"Angelica, importante 'tong bussiness na 'to! Ano ang magmamana ng company kaya sana masanay ka!" Nagulat ako dahil tinawag niya akong Angelica. Ni minsan ay hindi naging ganito ang pakikitungo niya sa'kin.

"Angelica, I..I think we need to cool-off for now"

Ang sinabi niya ay mas lalong ikinagulat ko. Mabilis na nangilid ang luha ko dahil 'don. Pero bago pa tumulo ang luha ko, umalis na siya. Nawala na siya sa paningin ko...

Nasisira na 'ba ang relasyon namin?

***

Hello!!! Salamat sa pagbabasa! Mahaba na po ba tong chapter? Sana magustuhan niyo! Pagpasensyahan niyo na talaga, isang chapter nalang at Epilogue na! :*

-Em <3

The Maid of Mr. Yu✔️ (Yu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon