CHAPTER 3
PAGKATAPOS naming mag-away ni Xander ay nagkanya-kanya na muna kami. Ako ay pumasok sa kwarto ko. Si Xander naman ay nandito lang sa kung saan dito sa loob nang bahay, hindi gaya nang palagi niyang ginagawa na pahaharurutin ang kotse tapos magbabar sa kung saan-saan together with his friends.
Bumukas ang pinto nang kwarto ko at nakita kong pumasok na si Nanay Belen na dumiretsiyo na sa pwesto ko. Tinignan lang ako nito at hinawakan ang braso ko.
"Dapat kasi hindi mo na dapat——!"
"Wag ngayon Nay Belen. Walang mali sa ginawa ko." Pagmamatigas ko.
" Hindi naman pwede yun hija, hanggat maaari ay ikaw na ang magpasensiya——!"
" Bakit ba kailangang ako ang gumawa nun?!" Ani ko sa mataas na boses na ikinagulat ni Nanay Belen. Pero tama naman ako hindi ba?
" Pero hija——!"
" Bakit wala ba akong karapatan? Dahil ba ay ako ang babae, at siya ang lalaki dapat ay ganun na lang? Bakit sa relasyon, kailangan, babae muna yung mas magtiis? Bakit parang hindi nakikita yung paghihirap na nararanasan namin? Madalas ay nababalewala na lang yung mga paghihirap at sakit na nararanasan namin. Kapag ba babae dapat ay manahimik na lang? Sa pag-aasawa ba'y , ang salitang babae , ay alipin?" Natahimik ito sa tanong ko.
" Patawarin mo sana ako hija, pero sana matanggap mo, na saating lipunan tayong mga babae ang kailangang umintindi saating mga asawa. Kailangan malakas tayo. Kailangan matatag tayo. Alam kong kalabisan itong sasabihin ko, pero, ito ang kapalaran nang pagiging isang babae." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Nanay Belen. Hindi ko inaasahan yun.
"Saiyo ay maaari iyon. Babae ako pero hindi iyon ang magiging kapalaran ko." Natahimik si Nanay Belen.
"Hindi ako tuta nang kung sino.... Tao ako, may sariling utak at prinsipyo. Makakaalis kana po." Saad ko at naglakad papunta sa terrace nang kwarto ko.
Hindi ko ito nilingon pa at tuluyang tinalikuran, kahit anu pang sabihin nila, hindi na ako papayag pa sa sistemang tuh.
Kung gaanun pala alinsunod sa mga patakaran, ang basehan nang iyong pagkababae ay ang pagiging isang masunuring tuta sa kanyang amo? Sa lipunan na ating kinabibilangan, kapag maganda ka ay respetado ka. Kapag mayaman ka ay sinasamba ka. Pero kapag ikaw ay panget at hindi biniyayaan nang magandang hugis nang pangangatawan kung hindi ka ayawan ay tampulan ka nang katatawanan. Minsan, para hindi ka masyadong masaktan kailangan mong makisabay, makisabay sa panlalait sa iyong katawan. Marahil ang isang katulad ko ay hampaslupa, nangangarap pa rin akong maging isang ibon, malaya at malayo ang mga nararating.
Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan ang aking pagluha. May kirot saaking dibdib, gusto ko pang magalit at magwala pero hindi ko na rin magawa dahil ubos na rin ang aking lakas. Magagalit na lang muna ako at hahayaan na lang munang humupa ang sitwasyon, pagkatapos ay tsaka na lang.
Nasa kalagitnaan ako nang malalim na pag-iisip nang muli ay may pumasok sa kwarto ko. Hindi ko inaasahang si Xander ang malilingunan ko naang tanawin ko ang nagbumas na pinto. Agad na nag-init ang aking ulo at kumunot ang aking noo.
"Anung ginagawa mo dito?!" Inis kong tanong nang makita si Xander. Pinagmasdan muna ako nito na tila ay may kinukumperma sakanyang sarili. Nang matapos ito ay lumapit ito saakin.
"Opps!" Pagpigil ko rito. Tumigil din ito sa pagpasok dito sa terrace ng kwarto ko kung saan naroon rin ako. "Wag kang magkakamaling puma——!" Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay tuluyan na itong nakapasok at ngayon ay nakatayo na malapit sa pwesto ko dahilan para matahimik ako at sinundan ito nang tingin. Tsk.
BINABASA MO ANG
HE IS MY HUSBAND 1 (COMPLETED)
Random"WAG KANG LALAPIT SAAKIN!" A man shouted at me and the surroundings change into darkness. I feel scared just hearing his voice, but him, shouting on me, I can see DEMON. "Pero---"Natigil naman ako kasi sumigaw ulit ito. Napaatras ako sa takot. "KASA...