CHAPTER 35

1.7K 46 8
                                    

“UGH! WALA NA! UBOS NA!” Niyemas kang lalaki ka!

“Bat ang sama ng tingin mo saakin?” Nilapag ko ang basket na nilagyan ng cookies sa harap niya at nameywang.

“Inubos mo! Mas madami ka pang nakain kesa saakin!” Tinawanan naman ako nito.

“Huy! Ako ba ang marami ang nakain? Hindi halata. Mas halata sayu! Bwahahaha!” Niyemas ka!

“Huy manunusok! Palitan mo yun!” Naiinis aoong umakyat ang iniwan ang lalaking yun sa sala. Panira talaga yun! Ang sarap kaya nun! Pasimple ang putspa saakin kanina eh! Kanins siya! Kainis talaga!

Nahiga na lang ako sa kama pagkatapos kong maligo at dahil sa pagod ay agad akong nakatulog.  This night is gonna be a night, night, night! Haha good night night! Ayt gulo haha.

Third Person POV...

“ANU NA ANG BALITA?” Tanong ng isang lalaki na nasa mid30's na ang edad sa isang lalaking nakacoat sapat na para maitago ang katauhan.

“Hindi namin makitang hawak niya ang kuwentas.” Sagot nito sa lalaki kanina.

“Mga inutil! Hanapin niyu! Sayang lang ang pagpatay natin sa lolo nun kung hindi lang rin natin makukuha ang kuwentas!” Sigaw nito at nangingimi pang ihagis ang wine glass na hawak nito.

“Pero, matagal na naming sinusubaybayan ang unica hija ng mga Lawrence Senior. Wala sakanya ang kuwentas.” Inihagis ng matanda ang wine glass at sinigawan ang lalaking nanatiling nakaluhod.

“Punyeta! Hawak nila ang kuwentas! At importante iyun sa organisasyon ng mga Mafia! Wag mong sayangin ang ibinabayad ko sayu! Punyeta!” Sigaw ng matanda. Tumayo lang ang lalaki at iniwan ang matanda.

“Aaaaahhhhhhhhh punyeta!” Sigaw nito.

“Boss, tama na po.” Saway ng isang lalaki dito.

“Tumahimik ka! Nawawalan na tayu ng panahon at oras. Pagnaunahan tayu ng kalaban baka hindi ko na makamit ang inaasam kong maging Mafia King. Kailangang makuha iyun , malapit na ang pagsasaling pwesto. At ang Mafia Heirs ng Italy na lang ang kulang at pinagaagawan. Hindi na ako dapat magpaligoy-ligoy pa. Hanapin niyu kung kailangang patayin ang lahat ng nakatira doon mahanap lang ang kwentas ay gawin niyu. Hindi lang tayu ang nag-iisang grupo ang nagaasam sa pwesto ng bagong Mafia King ng Italya!” Tumango ang lalaki at nakayukong umalis.

Bumunting hininga ang matanda at tinignan ang sarili sa salamin.

“Pag napasakamay ko na ang kuwentas na yun, ako na ang tatanghaling bagong Mafia King, isa sa mga Mafia Heirs sa buong mundo.” Naupo ito pinagmasdan ang sarili sa wall glass.

XANDER POV...

“ANU? Paanong nangyare iyon?”

“Hindi ko alam. Kailangan na nating magdoble ingat, paniguradong ang kuwentas ang habol nila. Kailangan nating protektahan si Eunice. Hawak niya ang kuwentas na yun. Maaaring siyang patayin makuha lamang ang kuwentas.” Napaupo ako nasapo na lamang ang aking noo.

Bakit ba nasangkot sa mundo ng mga sindikato ang asawa ko. Minsan nakakatakot talaga ang mga mayayaman. Nakakatakot ang kanilang mga pinagmulan.

Anu sa tingin mo ang dahilan nila? Sinu ba ang mga hayup na iyon na gustong kumuha sa kuwentas?” Napatingin ako sa lalaking ito na nasa harapan ko. Nagsalita naman si Ken  Madrigal. Tsk. Naasiwa talaga ako sa presensiya nito kahit kelan. Masyadong mayabang.

“Malamang kapangyarihan. Nagtanong ka pa talaga?” Sabi na eh, ubod ng hangin ang isang tuh.

“Wag lang nilang mangiwing hawakan ang asawa ko. Ako mismo ang papatay sa kanila.” Nanggagalaiti ang aking mga panga sa mga nababalitaan ko.

HE IS MY HUSBAND 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon