CHAPTER 7
HALOS hindi agad ako nakatulog dahil sa nalaman ko. Naiisip ko pa lang na magkasama kami sa iisang campus nahihirapan na ako.
Paano kung malaman nila ang tungkol saamin ni Xander?
Paano kung malaman na nila at magalit na naman saakin si Xander?
Paano kung dumating yung araw na malaman nila tapos saktan nila ako? Sinu ang magliligtas saakin? Si Xander? Eh ayaw nga nun na madikit saakin eh! Ipagtanggol pa kaya?
Maraming Paano ang gumugulo sa isip ko. Nasa 12:30 am na ng gabi pero gising na gising pa ang diwa ko. Anu ang gagawin ko? Makikinig kaya saakin ang mga magulang ko? Wala na akong magagawa.
Anu ang gagawin ko?
"WAG NA WAG MONG SASABIHIN NA ASAWA KITA! TANDAAN MO! ASAWA LANG KITA SA PAPEL! LETSE!." Yan ang gumugulo sa isip ko. Mga katagang binitiwan saakin noon ni Xander. Tapos ngayun? Bakit ayus lang sakanya?. Masaya na ako sa dati kong school. Naging invisible ako doon sa loob ng apat na taon. Tapos bigla na lang akong ililipat sa Academy na yun?.
Siguro nga natatakot lang ako. Natatakot sa mga maaaring mangyare. Sa mga malalaman ng karamihan. Ayaw ko ng pagsalitaan ng masama ni Xander. Nasasaktan din ako! Tao rin ako na natatakot marinig ang bawat masasakit na salita mula sa asawa ko. Mga salita na dadalhin ko na ata hanggang sa huling hininga ko.
Kung sana ay hindi ko na lang siya asawa. Mas gugustuhin ko pang mag-isa habang buhay! Kaysa sa makasama ang asawa na katulad na palagi na lang saakin pinapamukha kung gaanu ako kawalang pag-asa sa mundo na kinalalagyan niya at ng mga magulang ko.
"Ughhh!."Naiinis akong bumangon sa kama at nagdesisyong bumaba na lang a sa kama at magtungo sa Veranda ng kwarto ko.
Tahimik na ang gabi. Malalim na rin ang gabi, tulog na ang karamihan. Pero ako gising pa at iniisip ang tungkol sa papasukan kong bagong school. Pwede naman sa iba bakit doon pa?. Ang nakapagtataka pa! Bakit di man umangal si Xander? Anu ba ang gusto niya? Anung plano niya? May pinaplano ba siyang masama?
Sa dinami-dami nang iniisip ko ay parang hindi na talaga ako makakatulog.
Naisipan ko na lang na bumaba at uminom ng tubig, talagang hindi ako makakatulog ngayun.
Pero laking gulat ko ng makita si Xander sa baba at tulala sa baso ng alak. Ang lalim ng iniisip nito para hindi maramdaman ang pagdating ko hanggang sa makarating ako sa kusina at uminom ng tubig. Sinilip ko naman ito at panay lang ang buntong-hininga. Galit man ako rito ay di ko parin maiwasan ang mag-alala dito.
Kaya nilakasan ko na lang ang loob ko at nagtungo rin sa bar island at naupo sa harapan niya. Gulat na gulat naman ito ng makita ako. Siguro dahil sa halos magaala-una na ng gabi ay gising pa ako. May dala naman akong baso ng tubig at nilapag rin iyon sa counter.
"A-Anung ginagawa mo dito?."Uminom lang ako ng tubig bago sumagot.
"Ahm di ako makatulog kaya bumaba sana ako para uminom ng tubig, pero di mo naman ako namalayan. Kanina pa kita pinagmamasdan dun! May problema ka ba?."Tinitigan lang ako nito. Kaya naman nagtataka akong hinawakan ang mukha ko at gilid ng labi ko baka may dumi ako. Bumaba kasi sa mga labi ko at mga mata nito. May kakaibang kislap at lungkot ang mga mata nito.
BINABASA MO ANG
HE IS MY HUSBAND 1 (COMPLETED)
Random"WAG KANG LALAPIT SAAKIN!" A man shouted at me and the surroundings change into darkness. I feel scared just hearing his voice, but him, shouting on me, I can see DEMON. "Pero---"Natigil naman ako kasi sumigaw ulit ito. Napaatras ako sa takot. "KASA...