CHAPTER 4

3.4K 76 1
                                    

LAHAT ay ramdam ang bigat nang  binitawang salita ni Xander. Natameme ang higad at agad na umurong ang dila. Mas lalo pa akong nainis dahil sa kakapalan nang make-up nito halatang nagpapansin ang itsura.

"Xander este Al——." Tinignan ako nito at kinunutan nang noo at agad na sinighalan.

"What?" Sagot niya nang nakatingin saakin nang masama.

"Alex——."

"WHAT THE FU*K?" Pagmumura nito na ikinagulat ko. Inis na inis at halatang hindi nagustuhan ang pagtawag ko sa pangalan niya. Napatingin sakanya ang lahat bago malipat saakin ang atensiyon nang lahat.

"ANO BA ANG PROBLEMA MO HUH ALEX——!"

"IT'S XANDER! DAMNIT!" Sigaw nito sabay tayo at galit na umalis. Nagulat ako sa pagsipa nito sa upuan na natumba pa sa sahig dahil sa ginawa ni Xander.

Kita mo nang ugaling yan? Ayaw magpatawag nang Xander tapos nang tatawagin namang Alexander ay bigla na lang nagmumura at sasabihing 'ITS XANDER DAMMIT!' jusko talaga!

Napatingin saakin ang lahat habang ang babae namang si Cara ay tumayo at nilapitan ako. Mataray nitong sinipat ang anyo ko at nang gumuhit ang ngisi sa mukha nito ay bigla na lamang akong nainsulto.

"I didn't know, na ikaw na pala ang contract wife niya." Kumunot ang noo ko at sinaway naman ni Yxcel si Cara.

"Cara stop it!" May pagbabantang tugon ni Yxcel. Pero hindi tumigil si Cara at mas lalo pang nagtaray.

" Hindi na ako magtataka kung bakit halos hindi na kayang umuwe dito ni Alex." , "I mean look at you!" At tumawa tuh habang iniinsulto ako.

Inawat na naman ito nang tatlo at nanatili lang akong tahimik.

"What?! Eh it's true naman talaga so why stopping me—!"

"—And if you didn't stop," napatingin ako kay Luke dahil sa pagsabat nito sa sasabihin ni Cara. Tinignan ko ito at halatang naiinis na rin.

"Oh come on Luke! What now?" Hamon nang Cara na parang di man lang natakot. Mataray pa ito at mas tumataray pa.

"I'll break your porches..." Pagbabanta ni Luke na ikinatigil ni Cara nang panandalian at naiinis akong tinignan bago nagdadabog na umalis.

Ako man ay nawalan na rin nang gana at balak pa sana akong kausapin ni Luke nang tumayo na ako at tinungo ang daan papunta sa kwarto ko. Nasa hagdanan na ako nang magsalubong kami ni Xander. Tinitigan lang ako nito at tsaka dahan-dahan na humakbang pababa.

Yumuko ako at hindi na nakipagtagisan dito nang tingin. Mas mabuting manahimik na muna ako. Pero laking gulat ko nang maramdaman ang presensiya nito sa may gilid ko at nang ilapit nito ang sariling bibig sa tenga ko ay siya namang pagtaasan nang mga balahibo ko sa katawan.

"Slut...." Yun ang salitang binitawan niya na ikigulat ko. "My friend will never ever like you." Tinignan ko ito nang masama at ngayon ay nagtatagisan na kami nang tingin.

"Luke is kind, specially to those who in need." Nagtagis ang aking bagang sa galit. "Like you... Pig." At binangga pa ako nito bago ako tuluyang iwan, nakahawak ako sa handle nang hagdanan at ang nagawa ko na lamang ay ang sundan ito nang tingin.

Ang bigat nang pakiramdam kong tinanaw ang paglayo nito at nang makita ko si Luke sa entrada nang dining ay mas lalong bumigat ang dibdib ko at nagmamadaling umakyat at tinungo ang aking kwarto.

Ang sakit niyang magsalita. Ang sakit-sakit! Ang bilis niya lang husgahan ang pagkatao ko. Ang lakas nang loob ko nawawala kapag iniinsulto na niya ako. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili kong hindi na ako papayag na apihin niya ay di ko pa rin kaya. Hindi ko pa rin kaya.

Sa sobrang galit ko ay agad akong nagbihis at kinuha ang mga gamit ko. Ayaw ko muna dito. Hangga't maaari ay ayaw ko munang magsalubong ang mundo naming dalawa ni Xander.

HE IS MY HUSBAND 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon