Prologue

2.3K 37 2
                                    

Sinuot ko ang Stuart Weitzman Marilyn Monroe shoes ko. Tumayo ako mula sa kinauupuan kong white leather couch. Lumapit sa akin ang isa sa mga maid na hawak ang black Gucci jacket. Maingat niyang ipinatong iyon sa aking magkabilang balikat. Ang isa naman ay inabot ang Hermes Himalayan White Birkin handbag sa akin. Tinanggap ko iyon at humarap sa kanila, sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Now, I'm prepared.

"Miss Sarette, nakahanda na po ang sasakyan ninyo sa labas." sabi ng isa pa sa mga maid.

"Thank you." I answered and I started to walk palabas ng unit. Diretso tingin ko sa gilid ng elevator kung saan naghihintay sa akin ang assistant ko na si Debbie. Nang makita niya ako na nakalabas na ay aligaga siyang lumapit sa akin, yakap-yakap niya ang kaniyang iPad na palagi niyang dala kung saan man kami magpunta. "Debbie," seryosong tawag ko sa kaniya nang nakapasok na kami ng elevator.

"Yes, Miss Sarette?" Nakapwesto siya sa bandang likuran ko.

"What's my schedule for today?" pormal kong tanong sa kaniya habang naghihintay na maarating namin ang parking lot basement.

"By ten in the morning, you have a conference meeting with the Hochengco Holdings, you have a lunch meeting with Tao Yao Enterprises exactly twelve noon, and by three in the afternoon, you have an appointment with a massage therapist in Lotus Spa, that's all, Miss Sarette." Sabi niya. Marami pa siyang sinasabi tulad ng mga requested appointments para sa araw na ito. Kung may event ba kami pupuntahan. Pinakinggan ko lang 'yon hanggang sa narating namin ang basement ng building.

Tumambad sa amin ang itim na Audi car, nakabukas ang pinto ng backseat ng naturang sasakyan. Nakatayo sa gilid ang driver ko. Dumiretso ako doon hanggang sa tagumpay na akong nakapasok sa loob. Naisara ng driver ang pinto, habang ang assistant ko na si Debbie ay pumuwesto sa frontseat, along with my driver. After that, umandar na ang sasakyan papunta sa hotel kung saan ako nagtatrabaho. Ang ipinamana sa akin ng yumaong Grande Matriarch na si Madame Eufemia Tiangco-Hochengco, ang sinasabi nila na nakakatakot na babae pagdating business world.

Aminado ako noon na una ko siyang nakita ay ginapangapan kami ng takot ni Rowan sa kaniya. Saksi kami kung papaano ang matinding pagkadisgusto niya kay mama para sa aming ama. Isa din daw iyon sa mga dahilan kung bakit matagal namin hindi nakasama si papa. Noong una ay hindi ko maitindihan kung bakit. Pero habang nagkakaisip na kami ni Rowan, napag-alaman namin na walang dugong chinese si mama. She's only a normal citizen, a spanish-filipina. Wala siyang yaman na kasing yaman ng mga Hochengco. Nalaman ko din na dapat ipapakasal si papa kay tita Tarrah noon na tagapagmana naman ng mga Ongpauco pero si tito Kal ang pumalit na groom na dapat ay si papa. Well, sobrang nagpapasalamat kami dahil hindi si papa at si tita Tarrah ang nagkatuluyan. Malaking tulong din si Angkong Kyros dahil binali nila ang halos sumpa na patakaran at tradisyon ng pamilya.

Kumawala ako ng buntong-hininga habang nakadungaw ako sa bintana ng sasakyan. Habang binabaybay namin ang kalawakan ng BGC, ay nakikita ko kung gaano kaabala ng mga tao na tulad ko ay papasok na din sa kani-kanilang trabaho.

Hanggang sa tumigil ang sasakyan sa entrada ng Hotel. Unang lumabas si Debbie. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Maingat akong nakalabas. Muli sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang tumingala ako sa matayog na gusali na nasa harap ko ngayon. Sa Grand Empress Hotel and Resort.

Tumingin ako ng diretso sa entrada ng naturang hotel. Nagpakawala na ako ng hakbang. Umakyat kami ng ilang baitang sa hagdan. Sa pagpasok ko sa lobby ay isa-isa ako binati ng mga empleyado ng gusali na ito. Binati ko din sila pabalik na may ngiti sa aking mga labi. Hinihintay pa ako ng isa sa mga sekretarya ko, si Nora. Binati niya ako at sumabay sa paglalakad, habang nasa isang braso ko ang aking handbag. Nasa likuran ko lang si Debbie at Nora, well she's my secretary for my overseas meetings and deal, pero madalas ay hati sila ni Debbie sa mga gawain.

Bumungad sa akin ang indoor stone wall with cascade waterfall with LED lights, which one of the attraction of this Hotel. Well, isa sa mga idea ni Nilus iyan noong pinaparenovate ko every two to three years ang hotel. Of course, kailangan bawing-bawi ako pagdating sa interior. While the luxury gray tiles even the walls are Charlton's idea. He's an Architect, by the way. While Nilus and Charl's brother, Chance are engineers.

Tumigil lang kami sa paglalakad papuntang elevator nang biglang may nadapang bata sa harap ko. Biglang umiyak ang batang lalaki na palagay ko ay nasa apat na taong gulang palang ito. Umalingawngaw ang iyak ng bata na makukuha niya din ang atensyon ng ibang tao dito.

"Ako na po ang bahala, Miss Sarette..." rinig kong pagboboluntaryo ni Debbie sa tabi ko.

Bigla kong inangat ang isang palad ko para patigilin siya. Kusa akong humakbang palapit sa bata. Tinulungan kong makatayo ng maayos ito na alam ko ay magugulat sila sa ginagawa ko pero wala akong pakialam. All I care is for this baby boy infront of me. "Be careful..." alo ko sa kaniya.

"Mamaaaaaaaa!!" nag-iiyak niyang sigaw.

"Please find his mother." utos ko sa dalawang sekretarya ko.

"Yes, Miss Sarette."

"Huwag ka nang umiyak. Hinahanap na nila ang nanay mo, baby boy." malumanay kong sabi sa bata. Sige pa rin ang iyak niya. Huminga ako ng malalim. Ginawaran ko siya ng isang sinserong ngiti. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya. "Ganito nalang, bibigyan kita ng maraming chocolates kapag tumahan ka na. And we will looking for your mother right away."

Mukhang kumagat naman sa deal ko ang bata dahil tumahan nga ito. "Cho-chocolates?" ulit niya na humihikbi.

Mas lumapad ang ngiti ko."Yes, I will give you a tons of chocolates. Tahan ka na, please?"

Marahas niyang pinunasan ang mga luha niya. Nakakatuwa naman ang batang ito, masunurin. "Promise po?"

"Of course. Deal?"

"Deal."

Wala pang thirty minutes ay may kasama na babae sina Debbie at Nora. Nang makita niya ako at ang batang lalaki na kasama ko ay napasinghap siya. Napasapo siya sa kaniyang bibig habang papalapit siya sa amin.

"Miss Sarette..." bakas sa boses niya na kinakabahan siya.

"Do you know me?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Kasabay na pinag-aralan ko ang kaniyang suot. Base sa kaniyang suot ay uniporme ito ng hotel. "You're working here?"

Nahihiya siyang tumingin sa akin. "O-opo, Miss Sarette. Pasensya na po sa abala... Wala po kasing magbabantay sa anak ko sa bahay kaya dinala ko po siya dito..."

"It's okay. Nag-enjoy naman ako sa company niya." malumanay kong sabi. Bumaling ako kay Nora. "Can you please go to the convenience store later and buy some chocolates? Then dalhin mo sa kaniya."

"Right away, Miss Sarette."

Bago ako umalis ay yumuko ako para maging kalebel ko ang batang lalaki. "Be careful next time, okay?"

Tumango ito. "Opo, thank you po sa chocolates."

"Very much welcome, baby boy." bago ko man sila malagpasan ay muli nagpasalamat ang nanay ng bata.

Nakapasok kami sa elevator nang biglang nagsalita si Nora na nasa likuran ko.

"Marunong po pala kayo humawak ng bata, Miss Sarette." kumento niya.

Ngumiti ako nang hindi nakalingon sa kanila. "I learned that stuff when River is very young that time. Kami ni Rowan ang kasama ni mama sa pagbabantay sa kaniya noon. Minsan kami ni Rowan ang nagbabantay sa kaniya while mama doing some household chores and papa is working." pakukwento ko.

"Pwede na po kayo mag-asawa, Miss Sarette."

I chuckled. "Nope. I don't have any plans to enter in a relationship or in a marriage life. Nag-eenjoy pa ako sa buhay na meron ako ngayon. Nag-eenjoy pa ako sa pagiging single."

Nice & Spice | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon