Halos hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Katabi ko si Fabian. Si Genevieve naman ay abala na nakikipag-usap sa kaniyang lolo't lola. Ang kapatid naman ni Fabian na si Dra. Siannah ay tahimik na umiinom ng tsaa sa isang tabi. Aminado akong hindi ako kampante sa posisyon ko na ito. Pinaghalong kaba at takot ang bumabalot sa sistema ko ng mga oras na ito. Pero nang hinawakan ni Fabian ang isa kong kamay ay awtomatiko akong bumaling sa kaniya. Matamis siyang ngumiti sa akin, na parang sinasabi niya sa akin na huminahon ako. I swallowed hard. Pilit akong ngumiti as kaniya pabalik."Fabian, kailan namin makikilala ang mga kapatid ni Genie? Excited na kaming makilala sila." malumanay na sambit ng nanay ni Fabian, si Dra. Marguerite Apostol-Wu.
Sabay kaming napatingin sa kaniya. Bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan. "Sa oras na maipakilala na sa akin ni Sarette ang magkambal. Dadalhin namin sila sa inyo, mama, papa." si Fabian ang sumagot. "Alam kong excited na din si Genie na makilala ang mga kapatid niya, right, Genie?"
"Opo, papa! Gusto ko na po sila makilala!" masigla at masayang tugon ng bunso naming anak. Bumaling siya sa kaniyang lolo't lola. "Lolo, lola, ang sabi po sa akin ni mama, mababait daw po ang mga kapatid ko! Hindi na po ako makapaghintay na magkasama na po kami... Lalo na po magkabati na po sina mama at papa!" saka itinaas niya ang kaniyang mga kamay.
Yumuko ako. Ewan ko ba kung bakit ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Hindi man ako ang nagsalita ng mga bagay na iyon pero bakit nahihiya ako? Mas humigpit ang pagkahawak ni Fabian sa akin. Muli ako tumingin sa kaniya kahit na medyo nakayuko pa rin ako.
"Malapit na pala ang birthday ng magkakambal, iha. Ano pala ang plano ninyo? Kailangan nating mag-celebrate. Napakaespesyal ng araw na iyon dahil magkakasama at mabubuo na kayo." si Sir Farris naman ang nagtanong.
Ibinuka ko ang aking bibig. Huminga ako. "Sa totoo lang po, h-hindi pa po namin napag-usapan iyon ni Fabian..." sabi ko.
"Ganoon ba?" wika naman ni Dra. Marguerite. "Kung nakapagdecide na kayo, sabihin ninyo sa amin, ha?"
"Yes, mama." si Fabian naman ang sumagot.
"Kailan ninyo ba ulit magpapakasal?" sunod na tanong ni Sir Farris na ngayon ay seryoso ang mukha. Napalunok na naman ako. Wiat, bigla ako naintimidate sa kaniya? Dmn. "Nang malaman naming kasal na kayong dalawa, medyo nagtatampo lang kami dahil hindi ninyo lang kami naimbitahan. . ."
Biglang tumawa si Dra. Siannah. Sabay kaming napatingin sa kaniya. Umukit ang pagtataka sa aming mukha. "Papa, malamang hindi talaga tayo maiinvite! Papaano ba naman, parehong lasing ang dalawa nang nagpakasal!"
Kinagat ko ang aking labi at yumuko na naman dahil sa kahihiyan! Pumikit ako ng mariin. Bigla na naman sumagi sa isipan ko ang mga alaala na iyon. Ang kagágahan ko. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin ako nagsisisi nang pinakasalan ko ang isang Fabian Wu. Dahil sa kaniya ko lang nararamdaman ang tinatawag nilang pag-ibig. Hindi rin ako nagsisisi na siya ang naging ama ng mga anak namin. Kung hindi rin dahil sa kaniya, wala akong Genesis, Geneva at Genevieve na nagpapadagdag sa mundo ko ngayon.
"Saka na ang kasal, sa oras na handa na si Sarette, ate." saka ngumisi nang nakakaloko si Fabian. "Maiba nga ako, nakapili ka na ba? Napasagot ka na ba ng isang Hochengco? O ng isang Chua?"
Lumukot nag mukha ni Dra. Siannah sa tanong ng kaniyang kapatid. Inis niyang isinandal ang kaniyang likod sa single couch sabay humalukipkip. "Back fire pa nga nangyari," nakangusong kumento niya. "Huwag mo na ngang banggitin sa akin ang mga mokong na 'yon. All I want is to do my job well. Wala pa sa listahan ko ang mainlove."
Sumipol si Fabian. "Ganyan din ang motto ko noon." may bahid na pang-aasar na boses niya.
"Grr! Papa! Mama! Si Fabian, oh!"
BINABASA MO ANG
Nice & Spice | Completed
RomanceLA HEREDERA SERIES #4 : Kahit minsan ay hindi sumagi sa isipan ni Sarette Ho na pumasok sa isang relasyon. Sapat nang makita niya ang mga kapatid na masaya ang mga ito sa buhay pag-ibig at buhay-may asawa na. Mas gugustuhin niyang unahin ang career...