Chapter 3

844 28 3
                                    


Padabog akong bumalik sa Opisina ko. Hinihilot-hilot ko ang aking magkabilang sentindo habang pumaparito't pumaparoon ako habang nakahawak ako sa isang bewang ko. Hindi pa rin ako makapaniwala kung anong nangyayari. Like, what the héll?! Pinaalis nila ako sa posisyon ko bilang CEO ng Grand Empress! At ang bagong may-ari nito ay ang lalaking iyon?! Si Fabian Wu! Ano ba talagang problema niya at binili niya ang shares ng kumpanya ko?! Hindi ko makuha kung ano ang gusto niyang iparating pero iisa lang nasisiguro ko, ginagantihan niya ako!

Napabaling ako sa pinto ng opisina na ito nang nagbukas ito. Natigilan lang ako nang tumambad sa akin na bulto ng isang lalaki na kinaiinisan ko. At may gana pa siyang sumulpot sa harapan ko pagkatapos ng ginawa niya!

"What are you doing here?" matigas kong tanong sa kaniya.

Bago niyang sagutin ang tanong ko ay binutones niya ang kaniyang suit habang naglalakad siya palapit sa akin. Hanggang sa huminto siya mismo s harap ko. Wala akong mabasang ekspresyon sa kaniyang mukha. Hindi matanggal ang titigan namin sa isa't isa. Kung siya seryoso, nanlilisik naman ang mga mata ko sa kaniya. Sarap niyang upakan, sa totoo lang.

"I assume, this is the CEO's office, right?" he asked. Walang emosyon sa kaniyang mukha. Nagpakawala siya ng hakbang saka nilagpasan niya ako. "And I'm the new boss. I'm just pay some visit here. Gusto ko lang makita ang hitsura ng magiging Opisina ko."

Saka iginala niya ang kaniyang paningin sa buong opisina ko. Bawat sulok, tinitingnan niya. Talagang marahan na hinaplos ng hintuturo niyang daliri ang harap ng shelf kung nasaan ang ibang files na akala mo ay may dumapong alikabok doon! Ha, as if!

I swallowed hard. Lihim ko kinagat ang aking dila, kasabay na kinuyom ang aking kamao. Unti-unti na nabubuo ang malaking pagkainis ko sa lalaking ito. "Kinuha mo ang kumpanya ko para gumanti sa akin, tama ba?" lakas-loob kong tanong na hindi maalis ang tingin ko sa kaniya.

Nanatili pa rin siyang tahimik hanggang sa tagumpay niyang nilapitan ang aking desk. Sa wakas ay hinarap na niya ako. Sumandal siya doon. Kung kanina ay seryoso siyang nakatingin sa akin, ngayon ay napalitan na iyon ng pagiging kaswal. "Not really. I was just interested in your company, baberette." he answered.

Kumunot ang noo ko. Medyo naguguluhan. "Interisado ka saan?"

He just give me a devilish grinned. "I have already know everything about you. Especially in business magazines." humalukipkip siya. Bahagya siyang yumuko pero nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin. "Hmm, you have no plans in a relationships. You love being a single. You hate conflicts." wika pa niya. Ipinasok niya ang magkabilang kamay niya sa magkabilang bulsa ng kaniyang slacks pants. Umayos siya ng posisyon, halo umupo na siya sa aking lamesa!

Pumikit ako nang mariin. "Hindi ko makuha ang ibig mong sabihin, Mr. Fabian Wu." mariin kong saad. Pilit ko pakalmahin ang sarili ko kahit papaano.

Taas-noo niya ako tiningnan. "Gumawa ako ng paraan para mas lalo ako mapalapit sa iyo, Sarette." muli niya ako ginamitan ng seryosong tono. Umalis siya mula sa pagka-upo niya sa desk. Humakbang siya palapit sa akin na siya naman ang pag-atras ko. But héll, nasa likod ko na pala ang single couch. Halos mapatili ako nang napaupo ako. Pero mas hindi ko inaasahan ay tagumpay akong naikulong ni Fabian dahil nasa makabilang gilid ko na ang mga braso niya. Nakahawak na siya sa magkabilang arm rest ng couch! Nanlalaki ng mga mata ko nang mas yumuko pa siya so he moved closer to me. My heart started beating fast so suddenly. What the héll is happening here?! "Umalis ako ng Stoneford para masundan lang kita sa Cavite, baberette. Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon para malaman mong baliw ako sa 'yo?"

Ano daw?!

Hindi makapaniwalang tingin ang iginawad ko sa kaniya nang marinig ko mula sa kaniya ang mga bagay na iyon. Kaya pala noong nasa Kolehiyo kami, kusa siyang lumipat ng Unibersidad kahit ang pamilya niya ang isa sa mga nagtatag ng isang kilalang Unibersidad sa Maynila! And yes, may usap-usapan noon na may sarili silang Unibersidad kaya kahit ako nagtataka kung bakit nangyari 'yon pero pinili ko na lang balewalain at hindi ako interisado sa kaniya noon pa man.

Nice & Spice | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon