Chapter 12

611 20 0
                                    


Nang tumigil na ang sasakyan sa harap ng bahay nina tito Vlad at tita Inez ay nagmamadali akong bumaba. Dinaluhan ko ang gate at pinindot ang doorbell nang ilang ulit. Tumigil lang ako nang may nagbukas ng pinto ng bahay. Si Verity ang lumabas mula doon. Mukhang inaasahan niya ang pagdating ko. Nang makita niya ako ay mabilis niyang dinaluhan ang gate para pagbuksan ako. Nagmamadali kaming pumasok sa loob ng bahay nila. Nadatnan ko ang mga anak ko na abala sa panonood ng anime na pangbata, kahit hindi nila naiitindihan ang mga pinagsasabi mula doon, pinagtityagaan nilamg panoorin 'yon. Nagpasya kami ng pinsan ko na lumayo nang bahagya mula sa kanila, mabuti nalang ay hindi nila natunugan ang presensya ko dahil seryoso ang pag-uusapan namin ni Verity.

"Atsi," kinakabahan na tawag sa akin ng pinsan ko. Masasabi ko iyon dahil sa ekspresyon ng kaniyang mukha at medyo nanginginig ang kaniyang boses. "Nakapag-book na ba kayo ng flight?"

Niyakap ko ang aking sarili sabay baling sa mga bata na abala pa rin sa kanilang pinapanood. "Nautusan ko na si Norah na asikasuhin ang flight. Ngayong araw, aalis na kami. Nasabihan ko na din ang mga yaya nila na mauna na silang umalis dito sa Japan patungong Pilipinas. Sa gayon, kahit kaming tatlo nalang ang susunod. . ." paliwanag ko. Tumigil ako ng ilang segundo.

Dmn it, hindi ko inasahan na makita ni Fabian ang mga anak ko. Lalo pa ngayon. Sa puntong ito, parang kakapusin ako ng hininga. Kahit na magtatagu-taguan kami ni Fabian, wala akong pakialam. Hinding hindi ako makakapayag na makalapit siya sa mga anak ko. At gagawa ako ng paraan upang hindi na ulit mag-krus ang mga landas nila!

"Bakit pa siya bumalik kung kailan tahimik na ang buhay ko?" matigas kong sambit ngunit pilit ko iyon hinaan. Bumaling ako kay Verity.

"Wala akong ideya, atsi. Ang importante ngayon, nasa iyo pa ang mga bata. Kailangan ninyo nang umalis dito bago man niya kayo maabutan. Kilala mo ang pamilyang pinanggalingan niya, kapantay niya ang kapangyarihan na meron tayo. Makukuha nila ang mga gusto nila sa isang iglap lang."

Hinarap ko pa siya. Bakas sa mukha ko ang kaseryosohan. "Hinding hindi ako natatakot sa kaniya, Verity. Ang galit ko sa kaniya ang nakakapagpalakas sa akin ngayon." malamig  kong sabi. Bumaling ako sa mga anak ko. "Mananatiling Hochengco lang ang mga anak ko. Mga Ho sila at hindi sila pupwedeng maging Wu, anuman ang mangyari."

"Pero ate, kasal ka pa sa kaniya, hindi ba? Walang annulment na naganap sa inyong dalawa." hindi pa rin mawala sa kaniya ang pagkabahala.

Mabilis kong ibinalik sa kaniya ang tingin ko. "Wala na akong pakialam kung kasal pa kami o hindi. Hinding hindi ako papayag na makalapit siya sa mga anak ko."

Pagkatapos namin mag-usap ni Verity ay nilapitan ko na ang kambal. Alam kong nabigla ko sila dahil sa sinabi ko sa kanila na kinakailangan na naming umalis ng Japan. At kinakailangan na naming makarating ng Narita Airport kung saan naghihintay sa amin si Norah dahil siya ang pinaasikaso ko ang mga kailangan para sa flight namin. Mabuti nalang ay may mga dala akong damit ng kambal dito sa bahay nina Verity kaya naman hindi ako mahihirapan na bihisan sila. Panay tanong sa akin nina Genesis at Geneva kung bakit kami nagmamadali, ang palusot ko, may naiwan akong trabaho sa Pilipinas at importante iyon. Sa gayon ay mas madali kami makaalis sa lugar na ito. Dahil kung hindi ko sasagutin agad ang mga tanong nila, tiyak matatagalan ko makukumbinsi ang mga ito na sumama sa akin pauwi. Mas lalo mapapadali para kay Fabian na makalapit sa mga anak ko.

Ilang beses na ako nagdadasal sa pamamagitan ng isipan ko na sana hindi kami magtagpo ni Fabian. Huwag na huwag. Oh sht, nahihisterikal na ako! Kung anu-anong mga negatibong bagay na ang pumapasok sa isipan ko. Natatakot ako na baka dumating sa punto na kunin niya sa akin nang tuluyan ang mga anak ko. Noon ay nagawa niyang kunin sa akin ang kumpaniya, papaano pa kaya ang mga anak ko?!

Nice & Spice | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon