Chapter 21

598 20 0
                                    

Pagdating ko sa Hochengco Mansion, hindi ako nagdalawang-isip na sumugod sa loob. Hinahanap ng mga mata ko ang mga anak ko. Tumigil ako nang madatnan ko silang nakaupo si grand staircase, si Geneva ay nakasubsob sa kandungan ng kaniyang kakambal habang umiiyak, habang ang panganay ko naman ay inaalo ang kaniyang kapatid ngunit rinig ko din ang hikbi nito. Sa nasasaksihan ko ngayon, tila may sumaksak na matalim na punyal sa aking dibdib. Masakit para sa akin na makita ko ang mga anak ko na umiiyak dahil sa umalis ang kanilang ama.

Humakbang ako palapit sa kanila. Natunugan nila ang presensya ko't nakuha ko ang kanilang atensyon. Sabay silang tumayo at tumakbo palapit sa akin. Lumuhod ako't sinalubungan ko sila ng yakap. Mas lalo lumakas ang iyak nila, kasabay na humigpit ang pagkayakap nila sa akin. Sinubsob pa nila ang kanilang mukha sa magkabilang balikat ko. Hinagod ko ang kanilang mga likod para aluhin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, pilit ko maging matatag sa kanilang harap ngunit sa loob-loob ko, para akong pinapátay.

"Umalis na po si papa, mama. . ." humihikbing pahayag ni Geneva. "Iniwan po niya tayo. . ."

Mabilis siyang kumalas mula sa pagkayakap sa akin. Diretso nila ako tiningnan sa aking mga mata. Pinunasan ko ang mga takas nilang luha.

"Ba-bakit po iniwan tayo ni papa, mama? Hindi naman po kayo nag-away, hindi po ba?" humahagulhol na tanong ni Genesis sa akin.

Ramdam ko na humigpit ang pagkahawak ni Geneva sa damit ko kung kaya lumipat ang tingin ko sa kaniya. "Mama, please po. . . Pabalikin mo po si papa dito. . . Ayaw ko po siyang umalis! Ayaw!" umaalingawngaw ang boses ni Geneva sa buong bulwagan, mas lalo lumakas ang iyak niya.

Lihim ko kinagat ang aking labi, I need to hold back my tears at this state. Ayokong makita nila na nasaktan din ako ng todo nang nalaman ko na umalis ang kanilang ama. Na halos madurog ako sa naging pasya ni Fabian na iwan kami. Habang pauwi ako dito, maraming katanungan ang nabuo sa aking isipan. Bakit nagsakripisyo siya? Sa anong dahilan? Anong sasabihin ko kapag nagising na ang bunso namin at hinanap siya? Maayos naman na si Genevieve kaya bakit kailangan niyang umalis, pero bago 'yan, kailangan ko munang ayusin ang mga dapat kong ayusin.

"Is he coming back home, mama? He will come back, right? For us?" sunud-sunod na tanong na Genesis.

Nang mabitawan ni Genesis ang mga salita na 'yon ay hindi ko na mapigilan pa ang sarili kong lumuha sa harap nila. Pumikit ako ng mariin. Hindi ko kayang sagutin ang tanong ng anak ko. Dahil sa sakit at pighati na aking nararamdaman ay mahigpit ko silang niyakap. Hindi ko na mapigilan pa ang sarili kong humagulhol. Tulad ng gusto ng mga anak ko, gusto ko ding bumalik si Fabian. Umaasa ako na panadalian lang niya kami iwan. Na babalik siya, na babalikan niya kaming mga anak niya. Hindi lang ako, pati ang magkakambal ay umaasa na babalik siya. Na uuwi siya sa piling namin. "Pinapasabi ng papa ninyo. . . Na mahal na mahal niya kayo. . ." humahagulhol kong sambit.

"Kung mahal niya po kami, hinding hindi niya po kami iiwan, mama. . ."

I know. I know. . .

**

Napagod sa kakaiyak ang magkambal. Inayos ko ang kumot nila at dinampian ko sila ng halik sa kanilang noo. Malungkot akong umalis sa kani-kanilang kuwarto. Niyakap ko ang aking sarili habang naglalakad ako patungo sa wine cell para maghanap ng maiinom. Sa mga oras na ito, gusto kong uminom at makapag-isip. Pero tumigil ako sa paglalakad nang tumambad sa aking harap si Rowan at River na nakatayo, tila hinihintay nila ako.

May inilabas na alak si River at mapait na nakangiti sa akin. Si Rowan naman ay may hawak na mga wine glass.

"Alam naming gusto mong uminom. Lalo na't problemada ka ulit." kalmadong sambit ng kakambal ko.

Tahimik lang akong nakasunod sa kanila hanggang sa napadpad na kami sa Hardin. Tahimik akong umupo sa wooden bench. Magkatabi ang mga kapatid ko. Hinahayaan ko lang sila na sila ang maghanda ng maiinom.

Nice & Spice | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon