Chapter 6

697 20 0
                                        


Nagngingitngit ako sa tuwa habang naglalakad at hawak ko ang mga paperbag. Dahil sa good mood ako, nagpasya akong magshopping muna. Wala naman ako gagawin sa bahay. Naisip ko lang na pahinga ko muna ngayong araw. Wala naman sigurong masama. At saka, uuwi din naman ako agad bago man makauwi si Fabian. Masaya din ako dahil sa sinabi niya na ibabalik na niya sa akin ang kumpanya kahit na sabihin nating major stockholder na siya.

Finally!

Pumasok ako sa isang Coffee Shop para magpahinga na din. Marami-rami na din ang mga pinamili ko. Pagkatapos nito ay uuwi na ako sa bahay para naman paghandaan ko na din ng dinner si Fabian tutal naman ay kompleto pa ang stocks kaya hindi ako bibili pa ng groceries, unless kung kailangan man, uutusan ko nalang ang isa sa mga maid ko.

Nakatanggap din ako ng mga text message mula sa mga pinsan ko. Nangangamusta sila. Ang iba pa sa kanila ay nag-aalala pa dahil sa nangyari nitong nakaraan lang pero pinili ko nalang na huwag muna magreply. Ayoko munang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. Ang gusto ko, sa oras na mabawi ko nang tuluyan ang Grand Emress, sasabihin ko din sa kanila ang lahat-maliban sa bagay na ikinasal na kami ni Fabian Wu. Ayoko silang biglain sa kabaliwan na ginawa ko. May tamang panahon pa naman siguro para isiwalat ko sa kanila ang lahat.

Abala ako sa pagbabasa ng mga online news sa cellphone ko habang nagkakape nang nakatanggap ako ng text message mula kay Fabian. Matik na tumalikwas ang isang kilay ko nang mabasa ko ang mensahe niya.

Mukhang nakagawa rin siya ng paraan para ma-kontak niya ako. Lalo na ang private number ko.

From Fabian :

How's my wife?

Ngumuso ako't isinandal ko ang aking likod sa upuan ng Coffee Shop na ito. Nagtipa ako kung ano ang isasagot ko sa kaniyang tanong.

To Fabian :

I'm fine. I'm here at Mall. Shopping at the moment. Don't worry, uuwi din ako kaagad. May gusto ka bang pasalubong?

Then I hit send. Ipinatong ko na din ang aking telepono sa gilid saka uminom ulit ng kape. Muli tumunog ang telepono. Aligaga akong tingnan kung may reply na ba si Fabian at hindi nga ako nagkakamali. Nagreply nga siya!

From Fabian :

How about seeing you náked when I got home?

Nang mabasa ko ang mensahe niyang iyon ay halos mabilaukan ako ng sarili kong laway. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Good thing, kakaunti lang ang costumer dito kaya walang makakita kung anong kalagayan ko ngayon. Ramdam ko na din na nag-iinit na ang magkabilang pisngi ko. Agad ako nagtipa ng isasagot sa kaniya.

To Fabian :

Fabian! Nasa public place ako! Please lang!

Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga. This is unexpected. My goodness, hindi ko aakalain na may tinatagong kalándian ang isang ito porque may nangyari na sa amin! Kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig, ha!

From Fabian :

Why? I love your legs, I love your stomach, I love your hips. Your móans are the séxiest sound in the world if you don't know, baberette.

Dámn. I hardly shut my eyes. Utang na loob, Fabian Wu, huwag mo muna akong lándiin, please lang!

To Fabian Wu :

Fabian naman! Dámn it, uuwi na nga ako!

Pagkatapos kong ipadala sa kaniya ang mensahe na iyon ay tumayo na ako't lumabas na ng Coffee Shop na dala ang mga pinamili ko. Dumiretso ako sa Parking Lot at dumiretso na sa kotse ko. Binukan ko iyon sa pamamagitan ng remote key at tumunog ang sasakyan. Pinihit ko ang pinto ng driver's seat. Ipinatong ko sa passenger's seat ang mga paper bag. Binuhay ko ang makina hanggang sa humarurot ng takbo palayo sa Mall.

Nice & Spice | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon