Abala ako sa pagtitipa sa aking laptop dahil kausap ko ang isa sa mga magiging investor ng Grand Empress Hotel. May mga natanggap din akong mga email pero hindi ko muna sinasagot dahil nakatambak pa ang mga gagawin pagkatapos ko kausap ang investor. Si Debbie naman ay abala nakikipag-usap sa telepono, siya muna ang pinapasagot ko ng mga incoming calls mula sa mga kliyente. Si Norah naman ay siya muna nag pinapunta ko sa Japan bilang representative sa gaganapin na business deal.Pagkatapos kong kausapin ang mga dapat kausapin ay isinandal ko ang aking likod sa leather chair saka kumawala ng isang malalim na buntong-hininga. Hinilot ko ang aking magkabilang sentido. Nakaupo man ako dito sa aking opisina ay para sa akin, nakapaproductive ko ngayong araw. Well, araw-araw naman. Kahit gustuhin man ako makausap ng mga kapatid o sina mama at baba ay hindi ko sila magawang kausapin dahil sa pagiging abala ko sa trabaho.
Bumaling ako sa wall clock. Tumalikwas ang isang kilay ko. It's already six in the evening. Pinatay ko ang aking laptop at tumayo na. Isinuot ko ang aking business coat at isinabit sa isang balikat ko ang leather sling bag. Dinaluhan ko ang pinto para makalabas na. Sakto ay nadatnan ko si Debbie na nagliligpit na ng kaniyang gamit. Nakakahiya man pero napa-overtime siya tuloy dahil sa akin. Hindi bale, ititreat ko siya sa susunod. Hindi pa rin nawawala ang pagiging dedikasyon niya sa trabaho. Ramdam ko ang loyalty niya pati ni Norah.
"Miss Sarette," alertong tawag niya sa akin nang makita niya akong lumabas na.
Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Sabay na tayong bumaba." aya ko sa kaniya. Tahimik lang siyang tumango at ngumiti na din. Kumawala na kami ng hakbang habang papalapit na kami sa elevator. "Natawagan mo na ba si Norah? How's the deal going?" tanong ko.
"Ay, good news po pala, pipirmahan na daw ng Masada Group ang kontrata, Miss Sarette." tuwang-tuwa niyang ibinalita sa akin iyon.
Gumuhit ang pagkamangha sa aking mukha sa aking nalaman. "That's great. Sabihin mo sa kaniya, papunta na din ako ng Japan para mapirmahan ang kontrata." pahayag ko. Dahil alam ko na hindi pupwedeng pumirma si Norah ng kontrata, dapat ay naroon ako. Isa sa mga target namin ang kumpanya na iyon kaya malaking pasasalamat ko dahil nakuha namin ang deal doon. Magiging isa sila sa malalaking investor ng Grand Empress Hotel kung nagkataon. "Wait, susunduin ka ba ng asawa mo?" pag-iiba ko ng usapan.
"Ah, opo. Sa katunayan po ay naghihintay na siya sa ibaba." tugon niya na hindi mawala ang tuwa sa kaniyang mga labi.
Masaya ako para sa kaniya. Dahil alam ng asawa niya na sobrang demanding ang trabaho ni Debbie. Sobrang mahaba ang pasensya nito kaya heto, sila din ang nagkatuluyan. Binigyan ko sila ng regalo noon, bakasyon sa Balesin na iyon doon din ang honeymoon nila. Sobra sila nagpapasalamat sa regalong inihandog ko para sa kanila pero para sa akin, tingin ko ay kulang pa. Kulang pa sa ilang taon na nagtrabaho si Debbie sa akin. Hindi ko rin naman sila itinuring ni Norah na iba o basta empleyado. Naging kaibigan ko na rin sila.
Alam kong sobra ding hirap ang naranasan nila sa noong nalaman nila kung ano ang totoo. Na nakikita nila akong umiiyak sa loob ng aking Opisina. Na halos hindi na ako makapagconcentrate sa trabaho. Na nagkakamali ako sa harap ng mga maraming investors, sa mga nagiging kilyente namin. Nalaman nila na kasal na ako kay Fabian Wu pero sa huli ay iniwan din ako. Hindi ko sukat-akalain na sobrang galit na galit si Norah dahil sinabi niya sa akin, hindi daw nila ako magawang saktan pero ang lalaking iyon pa ang may kakayahan na manakit sa akin. Pero si Debbie naman ay kalmado lang, wala akong narinig sa kaniya na kumento. Ang alam ko tungkol sa kaniya ay hindi siya basta-basta humuhusga ng tao. Inoobserbahan niya muna ito kung ano ang dahilan o pinaugatan ng sitwasyon.
Paglabas namin ng elevator ay una akong lumabas bago siya. Nasa Basement na kami kung nasaan ang Parking Lot ng Hotel na ito. Natanaw namin ang asawa ni Debbie na nakangiti na nakalabas ito mula sa kanilang sasakyan. Binati niya ako at nagpaalam na silang dalawa sa akin bago sila tuluyang umalis. Kumaway pa ako sa kanila at hinatid ng tingin. Nang nawala na sila sa aking paningin ay kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Binasa ng dila ko ang mga labi ko. Inayos ko ang suot kong coat at naglakad na patungo sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
Nice & Spice | Completed
RomanceLA HEREDERA SERIES #4 : Kahit minsan ay hindi sumagi sa isipan ni Sarette Ho na pumasok sa isang relasyon. Sapat nang makita niya ang mga kapatid na masaya ang mga ito sa buhay pag-ibig at buhay-may asawa na. Mas gugustuhin niyang unahin ang career...