Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood ko ang magkambal na halos malula na dito sa loob ng Narita Airport. Ito ang unang beses na makarating sila ng Japan. Ito din ang unang beses na makakalabas sila ng ibang bansa. Mabuti nalang pala ay naasikaso ko na ang mga papel nila noon pa man kaya walang problema na maisasama ko sila sa ibang bansa kung sakaling may okasyon na tulad nito.Nakahawak ako sa kanilang kamay habang naglalakad kami palabas ng Airport. Nakasunod naman sa amin ang mga yaya nila na sila din ang nagdadala ng mga gamit namin. Iniwan ko muna si Debbie sa Grand Empress Hotel na ibinilin ko sa kaniya na siya muna ang bahala sa mga iyon.
Tumigil lang kami sa paglalakad nang natanaw namin si Norah na nakatayo sa tabi ng sasakyan. Yes, siya ang susundo sa amin dito. Dahil kilala siya ng mga anak ko ay bumitaw sa akin ang magkambal. Umaribas sila ng takbo patungo kay Norah para batiin at yakapin ito. Wala rin naman ako magagawa dahil ninang nila ito, ganoon din si Debbie. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi habang pinapanood ko sila na akala mo ilang taon na silang hindi nagkikita. Bakas sa mukha ni Norah na tuwang-tuawa nang makita niya ang magkambal.
"Mabuti at isinama kayo ng mama ninyo, Miss Geneva, Sir Genesis." nakangiting sabi ni Norah sa mga bata.
"Opo, ninang Norah! Gusto din daw kami makita nina angkong Vladimir at ahma Inez!" si Geneva ang sumagot.
"Talaga?" namamanghang tanong niya sa kambal.
"Opo, ninang! Excited na nga po kami na makita sila!" dagdag pa ni Genesis.
"Norah, nakahanda na ba ang Hotel kung saan kami nag-iistay habang naririto kami sa Tokyo?" tanong ko.
Tumayo siya at ngumiti sa akin. "Yes, Miss Sarette. Nakahanda na po ang pina-reserved kong kuwarto para sa inyo. Isang kuwarto lang po ang kinuha ko dahil ang request ninyo ay makasama ang kambal sa magiging kuwarto ninyo, habang sa kuwarto ko naman magse-stay ang mga yaya nila." tugon niya saka sinilip niya ang kaniyang iPAD. "Bukas na po gaganapin ang pagpirma ng mga kontrata. Naka-ready na po ang mga papeles pati ang mga kopya."
Tumango ako na tila naitindihan ko ang ibig niyang sabihin. "Great. Alam nating pagod na ang mga bata, hindi lang nila pinapahalata. Ang mabuti pa, dumiretso na tayo sa hotel para makapagpahinga na." sabi ko.
"Yes, Miss Sarette." binuksan niya ang pinto ng backseat ng kotse. Pumasok kami sa loob, habang ang mga yaya naman ng mga anak ko naman ay sa isang sasakyan naman sila nakasakay. Bale mag-coconvoy na lang kami.
Walang tigil ang daldalan nina Genesis at Geneva habang nakadungaw sila sa bintana sa gitna ng byahe. May mga tinatanong sila sa akin habang nakaturo siya sa mga nakikita nila sa labas. Sinasagot ko naman. Alam ko kasing hindi nila ako tiitgilan kapag hindi sasagutin ang tanong nila. Kapag nagsawa naman sila sa kakatanong ay maglalaro naman sila tulad ng jack en poy, kung sino daw ang matatalo, siya daw ang unang maliligo. Aba, mga bata pa, marunong nang makipagpustahan! Hindi ko malaman kung kanino sila nagmana sa pagiging ganyan nila.
"Mama, narito na rin po ba sina tito Ri-ri at tito Ro-ro?" malambing na tanong ni Geneva, nakahilig siya sa akin. Napapagitnaan kasi nila akong dalawa. Bale ang mga kapatid ko ang binabanggit niya.
"Yes, actually, narito na ang mga tito at tita ninyo. Mamayang gabi, pupunta naman tayo sa bahay ng angkong Vladimir at ahma Inez ninyo. Okay na ba 'yon?" nakangiting sagot ko sa kanila.
Mas lalo ko nabasa ang excitement sa kanilang mga mata. "Yehey! Makikita din po natin ang gerlpren ni tito Mir-mir?" sunod na tanong ni Geneva.
"Uh-uh. Kaya be nice, okay? At anong bilin ko sa inyo bago tayo umalis ng Pilipinas?" ako naman ang nagtanong.
"Huwag na huwag pong papasok sa mga kuwarto nila..." sabay nilang sagot.
"Very good!" saka hinalikan ko sila sa buhok. They just chuckled.
BINABASA MO ANG
Nice & Spice | Completed
RomanceLA HEREDERA SERIES #4 : Kahit minsan ay hindi sumagi sa isipan ni Sarette Ho na pumasok sa isang relasyon. Sapat nang makita niya ang mga kapatid na masaya ang mga ito sa buhay pag-ibig at buhay-may asawa na. Mas gugustuhin niyang unahin ang career...