Chapter 19

567 18 0
                                    


Pagkatigil ni Fabian sa sasakyan ay hindi ko na siya hinintay pa na pagbuksan ako. Aligaga akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa Ospital kung saan dinala ni Mirko si Genevieve. Agad hinahanap ng mga mata ko ang nurse station para malaman ko na kung saan dinala ang anak ko. Nabablangko ako, halos lahat ng sistema ko ayaw gumana dahil pinangunahan ako ng pinaghalong takot at pangamba. Hindi ako handa na may ganitong sakuna. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko kung ano ang nalaman ko mula kang Fabian na may sakit sa puso ang bunso kong anak.

Naabutan ako ni Fabian dito sa nurse station. Nasabi na din sa amin ng nurse na direksyon kung saan nila dinala si Genevieve. Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko pa magawang magpasalamat sa naturang nurse. Hinahanap ko ang kuwarto kung saan dinala ang anak ko, until my pace got slowing down nang matanaw ko si Mirko na nakatayo sa labas ng silid, kasama niya ang nanay ni Fabian na si Dra. Marguerite at ang kapatid pa ni Fabian na si Dra. Siannah, tulad ko ay bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala kay Genevieve. Dahil sa tunog ng takong ng aking sapatos ay napukaw ko ang kanilang atensyon. Narito rin ang ama ni Fabian na si Farris Wu.

"Sarette, Fabian. . ." bungad sa amin ni Dra. Marguerite, may pag-aalala sa kaniyang mukha, gayundin ang isa pa niyang anak na si Dra. Siannah Wu. Yumakap sila sa amin. "The cardiologist doing their best to save Genie."

"And what is he doing here?" matigas na tanong ni Fabian. Bumaling ako sa kaniya. Nababasa ko ang galit sa kaniyang mukha nang makita niya sa lugar na ito si Mirko, na inaakala niyang ito ang sumira ng relasyon namin noon. Umigting ang kaniyang panga. "Hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukha ng gágong 'yan."

"Please, calm down, Fabian." pigil ko sa kaniya. Marahan kong hinawakan ang kamay ng asawa ko, sana ay makatulong ito para hindi lumala ang sitwasyon na kinahaharap namin ngayon.

Kunot-noo bumaling sa akin si Fabian, alam kong naguguluhan siya kung anong nangyayari ngayon. "Anong ibig mong sabihin?"

Suminghap ako bago ako nagpaliwanag. "Narito siya para sabihin sa akin kung sino ang may kagagawan na lagyan ang pampatulog na ininom namin ni Mirko nang gabing 'yon. Gusto kong malaman kung sino siya at siya ang dahilan kung bakit tayo nagkahiwalay noon, so please. . ." mahina kong sambit. "Siya din ang nagdala kay Genevieve dito sa Ospital nang bumisita siya sa bahay. . . Nakita niyang naninikip ang dibdib ng anak natin." nakakaramdam na ako ng panghihina nang sambitin ko ang huling pangungusap.

Unti-unti nang umiiba ang ekspresyon ng mukha ng asawa ko. Mukhang nagiging kalmado at naiitindihan na niya ang ibig kong sabihin. Muli siyang tumingin kay Mirko na seryoso ang mukha. "Then, sino ang gumawa ng mga ito?" malamig niyang tanong.

Ibinuka ni Mirko ang kaniyang bibig, ngunit hindi niya agad nasabi sa amin kung sino dahil biglang nagbukas ang pinto ng silid kung nasaan si Genevieve. Napatingin kaming lahat sa doctor na kakalabas lang. Agad ko itong dinaluhan. "Doc, kamusta na ang anak ko? Is she stable? Is she alright?" sunud-sunod kong tanong.

Seryosong tumingin sa amin ang doktor. "It's better if we talk about this in my office, Mr. And Mrs. Wu." pormal niyang tugon.

Bago kami sumunod ni Fabian sa doktor na tumingin kay Genevieve ay bumaling muna ako sa nanay at kapatid ni Fabian pati na din kay Mirko.

"Don't worry, Sarette. Kami na muna ang magbabantay kay Genie." malumanay na sabi sa akin ni Dra. Marguerite Wu. Hinaplos niya ang aking kamay. "Malakas ang anak mo, she can get it through. Just believe in her."

Mapait akong ngumiti at tumango. Sabay na kaming sumunod ng asawa ko sa doktor patungo sa Opisina niya. Mas lalo ako nakaramdam ng pangamba lalo na't nakita ko kung anong nababasa ko sa mukha ng doktor. Don't tell me, this is a serious case? Pero bakit ngayon lang sinabi sa akin ni Fabian na may sakit pala ang bunso naming anak? Bakit hindi niya magawang ipaalam sa akin iyon? Marami na namang katanungan na bumabagabag sa akin sa mga oras na ito.

Nice & Spice | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon