Chapter 18

616 17 0
                                    


Hindi ko makalimutan kung papaano nanlulumo si Dra. Siannah dahil sa panlalaglag ng triplets sa matindi niyang sikreto—may relasyon sila ng pinsan kong si Carson. That was. . . Unexpected. Kung tutuusin talaga, tipong suplado at snabero ang isang iyon. Kung anong kalokohan ni Nilus ay siya naman ang kabaliktaran ni Carson. Siguro ay nagmana siya kay tita Tarrah na minsan ay mataray at palaban kung kinakailangan naman talaga. Ni minsan ay nagtataka kami kung may nagugustuhan ba siyang babae, o kung minsan pa nga ay nangangalangin kami na sana ay may babaeng pumukaw ng atensyon ng isang ito, sa gayon ay dumaldal o makisabayan naman sa ingay namin—hanggang sa nalaman na nga namin na may relasyon sila ni Dra. Siannah Wu, ang ate ng asawa ko! Pero malaking palaisipan din sa amin kung ano ang relasyon niya kay Gavin Chua, ang anak ni tito Gervais Chua.

Mukhang matinding labanan ang sa pagitan nina Carson at Gavin para sa isang Wu kung sakali. Pero, hindi na kami makikialam. Tulad ng mga Wu, kasali din sa myembro ng International Business Club ang mga Chua, they owned a Flying School in Subic, Luxury Boats rentals, and Transportation Companies in Manila. Meron pa silang ibang business especially tito Raghnall Chua, he owns a Jewelry and Mine Company. Sa pagkakaalam ko ay pinapasok naman nila ang agriculture.

"Nakakatakot ang triplets," biglang sabi ni Verity pagkatapos niyang inumin nang alak na hawak niya. Napatingin kami sa kaniya. Hinawi niya paitaas ang kaniyang buhok. After a week ay nagkaayaan kami sa bahay nina Spencer dito sa Indang. Kasama ko ang triplets pati na din si Fabian na ngayon ay kasalukyang natutulog na sa Guest Room. Talagang binantayan niya dahil nalaman niya kung gaano kadaldal ang mga ito.

Biglang tumawa si Adler nang nainom niya din ang scotch. "Hindi ninyo pa ba halata? Nang nabuko nina Genesis at Geneva sina Zvonimir at Lyndy, hindi ko pa binalak dalhin ang girlfriend ko para ipakilala sa inyo." saka dinukot niya ang kaniyang cellphone, mukhang tinext siya ng tinutukoy niyang girlfriend.

"Buti palagi akong nasa Quezon. Hindi pa nila makikilala si Janella." nakangising wika naman ni Nilus, tamad niyang isinandal ang kaniyang likod sa sofa. Oo nga pala, palagi na siyang nasa Quezon dahil abala na din siya sa Construction Firm pinapamahala na sa kaniya ni tito Kalous, tutal ay naroon na din naman ang dating tirahan ng namayapang Grande Matriarch.

Nagpangalumbaba naman si Nell saka ngumuso. "Mabuti nalang, wala pa akong jowa." sa boses niya iyon, parang namomoblema siya. Bakit naman siya namomoblema eh wala nga siyang jowa. Siguro sa ibang bagay. Oh, I almost forgot, she's a restaurant owner.

"Papaano ka naman magkakajowa eh ayaw mong sagutin ang manliligaw mo!" natatawang sabi ni Maisie.

"Oh, shút up, Maisie. Bakit hindi mo rin sagutin ang manliligaw mong swimmer?"saka umirap pa siya at uminom ng red wine.

"Hindi pa nila kilala si MC. Thank God." wika naman ni Spencer habang nilalaro niya ang kaniyang alak.

"Sadyang mabilis lang kami ni Pauline para hindi mahalata." si River na malapad ang ngisi. Nakapatong ang mga kamay sa sandalan ng couch.

Ako naman ay napangiwi. Nagiging berde ang utak ko sa sinabi ng isang ito. Dahil d'yan ay nabatukan ko siya nang wala sa oras. "Bunganga mo naman, River."

Ngumuso siya. "Atsi naman. . ."

Inirapan ko na lang siya.

Marahas na ipinatong ni Rowan ang baso sa counter. "Good thing, bumili na ako ng sarili kong unit." pahabol pa niya. Bumaling siya sa akin. "Eh si Killian kaya? Kamusta na ang isang iyon? Alam na kaya ni tito Harris na lumihis siya ng daan?"

Nagkibit-balikat ako. "Dunno. Hindi pa yata nakakahalata si tito Harris. Pero, kapag kasama naman natin siya, hindi natin siya natunugan."

"Baka naman biséxual lang siya. I mean, pwede siya mainlove sa babae, pupwede din siyang mainlove sa lalaki." pahayag ni Vesna nang lumapit siya sa amin, kasama kasi niya sina Carson, Aaron at Ruslan na naglalaro ng dart. "Hindi naman imposible iyon, hindi ba? Mas maganda kung support nalang tayo kung ano ang gusto at nagpapasaya sa kaniya."

Nice & Spice | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon