Chapter 8

578 12 0
                                    


Yakap-yakap ko ang aking mga binti habang nakakulong ako dito sa kuwarto. Isang buwan at kalahati na ako naririto sa bahay nina mama at papa. Alam kong nabigla sila dahil sa pagbigla kong pag-uwi dito sa Cavite. Alam kong gusto nilang tanungin kung bakit pero wala akong lakas ng loob upang sagutin ang totoo. Ang tanging alam ng mga kapatid at mga pinsan ko ay kasal na kami ni Fabian, pero hindi pa nila alam na nagkalabuan kami dahil sa nasaksihan niya nitong nakaraan. Wala akong ideya kung nasaan ang asawa ko ngayon. Kung saan ba siya namamalagi, kahit ang pamilya Wu ay hindi ko makontak dahil pinangungunahan ako ng takot at guilty. Mabilis ko din inalis si Mirko sa buhay ko. Galit ang nararamdaman ko para sa kaniya dahil ang buong akala ko ay mabuti siya, hindi pala. Daig ko pang nalinlang na wala sa oras.

Kahit na masakit na ang mga mata at ulo ko dahil sa kakaiyak, balewala lang sa akin. Iniwan man ako ni Fabian pero daig ko pang namatayan.

Noong una bago man ako lumipat dito sa Cavite ay nagbakasakali ako na makita siya sa Opisina ng Grand Empress pero bigo ako. Nabalitaan kong hindi na daw siya pumasok. May ideya rin naman kung saan ang lokasyon ng mga kunpanya na pagmamay-ari niya pero nagdadalawang-isip ako na puntahan siya, baka wala siya roon. O hindi kaya nasa ibang bansa siya. Hindi ko alam, naguguluhan ako.

Nalaman ko din na ibinalik na niya sa akin ang Grand Empress na matagal ko nang hinihingi. Dapat ay masaya ako pero kabaliktaran ang nangyari.

Simula noon ay nagpasya na akong ipagbenta ang Penthouse. Ilang beses na din akong kinakatok ni mama dito sa kuwarto pero wala akong sapat na lakas upang makipag-usap kung kani-kanino. Kahit na gustuhin man ako makausap ng mga kapatid at mga pinsan ko na bumibisita sa bahay upang kamustahin ako.

Sumapit man ang gabi ay hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Napagawi ako sa balkonahe ng silid ko. Ipinatong ko ang mga palad ko sa railings habang nakatingala ako sa kalangitan. Malungkot ko ito pinagmamasdan. Dinadama ko ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa aking balat. Dama ko ang pagpiga ng aking puso nang sumagi na naman sa aking kaisipan si Fabian.

"How can I sleep when you're away, Fabian?" garagal kong tanong kahit alam kong mabibigo ako na marinig niya iyon. Nararamdaman ko na naman ang pamumuo ng aking mga luha. Hindi na mapigilan ay isa-isa na silang tumulo at marahan iyon umagos sa aking mga pisngi.

Nang mahimasmasan na ako ay nagpasya akong lumabas. Tutal naman ay madaling araw na't paniguradong tulog na ang mga tao dito sa bahay. Maingat akong lumabas ng kuwarto. Naglakad ako sa malawak na hallway bago man ako tuluyang nakababa. Dumiretso ako sa wine cell para kumuha ng isang baso ng red wine. Pampaantok lang.

Pagkatapos kong magsalin ng alak ay babalik na ako sa kuwarto habang dala ko ang baso nang maaninag ko na nakaawang ang pinto ng Study Room. Nakabukas ang ilaw mula sa loob, tiyak may tao doon. Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin upang humakbang palapit sa naturang pinto. Sumilip ako. Nakita ko ang dalawa kong kapatid na seryoso na nag-uusap pero halos manigas ako sa kinakatayuan ko nang marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Put*ng ina, mapapátay ko ang Mirko na 'yon!" nanggagalaiting sambit ni Rowan.

"Anong gusto mong mangyari, ahia?" seryosong tanong ni River na pinapatunog ang mga daliri dahil din sa galit.

"Gawin ninyo ang lahat, hanggang sa malaman lang natin ang totoong nangyari" matigas siyang tumingin sa kawalan. "T*rantado siya. G*go din ako pero nade-demonyo ako kapag ang kakambal ko na ang pinag-usapan dito!"

Hindi ko mapigilang kagatin ang aking pang-ibabang labi. Halos manginig ang kamay ko. Pilit ko nilalabanan iyon. Ayokong makalikha ako ng ingay. Kapag nalaman nilang gising pa ako, uulanan nila ako ng mga tanong. Pero maraming bagay na ang naglalaro sa isipan ko. Alam ni Rowan na narito si Mirko? Alam na nila na may gulo sa pagitan namin ni Fabian? Ano pa ba ang maaasahan ko? Pagdating sa angkan namin, may pakpak ang balita, may tainga ang lupa. Kaya walang sikreto na hindi mabubunyag pagdating sa kanila. Wait, hindi kaya naitanong din nila sa mga naging maid ko ang nangyari? O nakausap na nila si Fabian? Ano?

Nice & Spice | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon