Chapter 14

637 20 0
                                    


"Mama! Look, papa bought these dresses from Paris pa po! Pasalubong po niya sa akin nang nagkaroon po siya ng business meeting doon!" excited at masiglang pagkukwento ni Genevieve sa akin habang ipinapakita niya sa akin ang loob ng wardrobe na nasa loob lang din ng bedroom na nakita ko kanina. Nasa labas lang si Fabian at abala sa kaniyang ginagawa. Maybe, work. Who knows?

Lumapad ang ngiti ko habang pinagmamasdan ko ang mga damit niya sa loob ng wardrobe. Mas nilakihan ko pa ang awang nito. Hindi ko akalain na marunong pala mamili si Faban ng mga damit, tiyak mababagay nga sa bunso namin ito. He got a taste, huh?

"Ang gaganda naman, anak. Sana makita ko ang mga ito na suot mo sa tuwing may lakad tayo, basta kasama kita." malambing kong pahayag. Lumuhod ako sa harap niya. No doubt, magkamukha talaga sila ni Geneva. "May itatanong lang si mama, okay lang ba?"

Kumurap siya bago nagsalita. "Ano po 'yon, mama?"

Hinaplos ko ang kaniyang mukha habang nakatitig ako dito. "Bakit may bedroom dito? Bakit hindi ka sa mismong bahay ng papa mo ikaw natutulog or nagse-stay?" malumanay kong tanong. Nagtataka kasi ako kung bakit naglagay ng kuwarto dito si Fabian.

"Ah... Masyado po kasing subsob si papa sa work niya, mama. Gusto din daw niya ako bantayan habang nasa oras din po siya ng trabaho. Tutal naman daw po, hindi pa daw po ako pumapasok sa school. He wants to be a hands-on father for me." tugon niya na nakatitig siya sa akin.

Saglit ako natigilan sa kaniyang isinagot. Hindi ko akalain na magagawa at maiisipan ni Fabian ang mga bagay na iyon. Oo, nagalit ako dahil kinuha niya sa akin ang bunso namin dahil sa loob ng mahabang panahon, nakatatak na sa isipan ko na pátay na si Genevieve kahit ang totoo ay hindi pa.

"Mama,"

Nanumbalik ako sa ulirat nang tawagin ako ng aking anak. "Hmm? Yes, anak?"

"Ang sabi po ni papa sa akin, kamukha daw po kita nang tinanong ko po sa kaniya tungkol po sa inyo." siya naman ang humawak sa aking pisngi. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Ang ganda-ganda ninyo daw po. Wala ka daw po katulad. Ikaw daw po ang first love niya. Ang stúpid niya daw po kasi pinakawalan daw po niya." pero siya din napalitan ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Naging malungkot siya nang tila may sumagi sa kaniyang isipan. "Naririnig ko po siyang umiiyak kapag nagkukungwaring tulog na po ako, mama."

Natigilan ako sa mga naging kwento niya.

"Sinabi po din sa akin ni papa, galit kayo sa kaniya. Please po, mama. Patawarin ninyo na po si papa. . . Hindi po ba, ang sabi ng pari, forgiveness could heal you in the moments you are lost and defeat?"

Those words hits me instantly. Hindi ko sukat-akalain na magagawang sabihin ni Genevieve ang mga bagay na ito. Sa murang edad niya, ganito na pala ang pamamaraan ng kaniyang pag-iisip. No wonder, tulad nga niya ang mga kakambal niyang sina Geneva at Genesis kung mag-isip. Napangiti nalang ako dahil sa nakakahaplos sa puso ang mga words of wisdom niya. Isa pa ay parang kusang nalusaw ang galit na inipon ko sa loob ng nakalipas ng mga taon na nagkataon ay sa pagitan ng anak ko.

"Ang gusto mo ba, magkabati na kami ng papa mo?" malambing kong usisa sa kaniya.

Agad siyang tumango. "Opo, mama. Para hindi na din po iiyak si papa. Para na din po makasama ko ang mga kapatid ko. Para makompleto na po tayo. . ." she sounds like she's aware in her surroundings!

Oh my God. Bakit ngayon ko lang napagtanto ang lahat ng mga ito? Hindi ko man lang naisip na dahil sa away namin ni Fabian, ang mas mahihirapan ay ang mga anak namin? Lalo na si Genevieve? Lumaki siya sa poder ng kaniyang ama, sa pamamagitan n'on ay mas lalo lumawak ang kaisipan kung ano ang point of view ni Fabian. Sa kalagayan ng anak ko, mukhang maayos niyang pinalaki ang bunso ko.

Nice & Spice | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon