Umalingawngaw ang daing ni Molly Morales buong silid nang nakatikim siya ng suntok sa mukha mula sa kamao ni Miss Hyacinth. Napasapo ako sa aking bibig dahil sa pagkagulat. Hinding hindi ko aakalain na makakasaksi ako ng ganitong bagay mismo sa harap ko. Sanay na ako makanood ng mga ganitong eksena pero sa mga pelikula lang o hindi kaya sa mga palabas sa telebisyon. Pero sa actual? Never. At ito ang unang beses na makakita ako nito. Nanatili lang akong nakatayo sa gilid at pinapanood ko kung anong nangyayari sa pamamagitan malaking fiber glass.Pumatak ang mga dúgo sa sahig mula sa bibig ni Molly Morales. Napayuko siya. Kita ko kung papaano siya nanghihina sa lagay na 'yon. Pero hindi ko pa rin lubos maisip na magagawa niya ng masama ang kaniyang nobyo na si Mirko. Ang masam pa doon ay pínatay pa niya! Sa anong dahilan? Bakit niya nagawa 'yon? Minahal siya ni Mirko pero bakit ganito ang isinukli niya?!
"Magsasalita ka na para mabilis na matapos ito." matigas na sambit ni Miss Hyacinth. Matalim siyang nakatingin kay Molly Morales.
Pilit iangat ng babae ang kaniyang tingin. Nagawa pang manlisik ang mga mata niya kay Miss Hyacinth. Sa kabila ng panghihina niya ay nagawa pa rin niyang magsalita, "Kung papátayin mo ako ngayon, parang wala ka rin ipinagkaiba sa akin." taas-baba ang kaniyang dibdib.
Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang makita ko ang hitsura ni Miss Hyacinth na ngumisi nang mala-demonyo habang nakakuyom ang isa niyang kamao. Pinangdilatan niya ito. "Matagal ko nang tanggap na mapupunta ako sa Impyerno, matagal ko na din ibinenta sa demonyo ang kaluluwa ko. . ." walang sabi na marahas niyang sinabunutan ang buhok ni Molly Morales upang magtama ang kaniyang tingin. "Madaming buhay na ang dumaan sa mga palad ko, kaya huwag na huwag mo akong ikukumpara sa iyo. Mas masahol ako kaysa sa iyo."
Nakikita ko sa ekpresyon ng mukha ni Molly Morales ang pagmamatigas. Mukhang ayaw niyang sabihin kung ano ang dahilan niya kung bakit niya nagawa ang mga bagay na 'yon. Nanatili pa ring matalim ang kaniyang tingin na inuukol niya para kay Miss Hycinth.
Sumilay ang ngiti sa gilid ng mga labi ni Miss Hyacinth. Binitawan niya ang buhok ni Molly Morales, tila nakuha niya ang nangyayari. Bumaling siya sa isang lalaki na kasama nila ni Raeburn. "Tanggalin mo ang tali." kalmado niyang utos sa kaniyang tauhan.
"Hai, Oujou-sama. (Yes, young lady)" tugon ng lalaki at lumapit sa upuan ni Molly Morales para kalasin ang tali sa katawan nito.
Biglang bumuhay ang pagkaalarma sa aking sistema sa utos. Dumoble ang kaba at inis na akong nararamdaman. Maraming katanungan na isa doon ay hindi nasagot! Bakit papakawalan na niya ito?!
"Tumakbo ka hanggang gusto mo, hahayaan kitang makawala. Gumawa ka ng paraan para makalabas ka sa kuwartong ito. Pero kapag nahuli kita, sasabihin mo na ang mga gusto kong marinig, a'right?" suhesyon ni Miss Hyacinth.
Nang natanggal na ang tali, nagmamadaling tumakbo si Molly Morales patungo sa pinto ng silid. Ilang beses niyang pinihit ang pinto ay hindi mabuksan. May ilang pinto pa na nakakonekta sa silid na ito kaya sinubukan pa niyang buksan ngunit bigo siya. Para siyang halimaw na gustong gusto makawala sa lagay na 'yon. Na akala mo ay natatakot na mahuli siya ng kaniyang amo.
Tumakbo siya ulit para daluhan ang isang pinto pero nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si Miss Hyacinth na inangat niya ang kaniyang kamay na hawak na baril. Wala akong mabasa na ekspresyon sa kaniyang mukha, maliban nalang sa kaseryosohan nito. Itinunok niya 'yon sa direksyon ni Molly Morales. Wait, don't tell me, papátayin niya ito na wala kaming masagap na impormasyon galing dito?!
Napasapo ako sa aking dibdib nang marinig ko ang malakas na putok ng baril. Nakita ko kung papaano natumba si Molly Morales sa sahig. Kumakalat ang dúgo sa sahig. Umahon ang takot at kaba sa akin sa mga nasaksihan ko. Nakita ko pa kung papaano nilapitan ni Miss Hyacinth ang babae. Taas-noo niya itong tiningnan. Kinasa niya ang hawak niyang baril at muli niyang itinuktok ang dulo nito sa babae.
BINABASA MO ANG
Nice & Spice | Completed
RomantikLA HEREDERA SERIES #4 : Kahit minsan ay hindi sumagi sa isipan ni Sarette Ho na pumasok sa isang relasyon. Sapat nang makita niya ang mga kapatid na masaya ang mga ito sa buhay pag-ibig at buhay-may asawa na. Mas gugustuhin niyang unahin ang career...