Mabibigat na hakbang ang pinapakawalan ko nang nakabalik na kami sa Hochengco Mansion. Hanggang ngayon ay hindi pa rin madrawing ang mukha ko ng mga oras na ito. Hindi ko maitago ang kabadtripan na inabot ko sa reunion party ng mga Magbanua nitong mga nakaraang araw na nagdaan. Nakilala namin ang angkan na 'yon sa pamamagitan ng fiancee ni Spencer na si MC at ang fiancee ni River na si Pauline! Ang buong akala ko pa man din ay maayos at payapa ang gaganaping engagement, nagkamali pa ako! Dahil sa nag-away ang dalawa kong kapatid ay umawat lang naman ako at biglang mismo si baba ang nagsabi na ako daw ang mauunang ikakasal! Ang matindi pa doon, ako pa ang maghahanap sa kaniya!"Congrats, sis." bati ni Rowan sa akin, may halong pang-aasar.
"Sorry, atsi." segunda pang sambit ni River na ngayon lang nakauwi dahil nang umulan habang pauwi kami ay lumiko siya ng daan. Binalikan niya ang mga Magbanua na hindi namin alam kung bakit.
Napapadyak ako dahil sa inis. Hinawi ko paitaas ang buhok ko. Iritada akong humarap sa kanila. "Ang ginawa ko lang naman ay inawat kayo! Bakit ako ang unang ikakasal!? And hell, hahanapin ko pa ang lalaking 'yon?! singhal ko sa dalawa.
Rinig ko ang yabag ng mga paa na papalapit sa direksyon namin. Sabay kaming tatlo na tumingin doon. Bumungad sa amin ang iba pa naming pinsan na naririto sa Hochengco Mansion. Pawang may mga ngiti sa kani-kanilang mga labi bilang pagsalubong nila sa amin. Wait, ano bang meron ngayon at naririto ang mga ito? Wala akong maalala na may okasyon ngayong araw. Ang malupit pa doon, may mga hawak silang kopita na naglalaman ng mga alak.
"Baka naman ito an ang tamang oras para mag-usap kayo, hindi ba?" sabat ni Verity habang nainom ng champagne.
Kinuyom ko ang aking kamao. Marahas kong binalingan ang dalawa ko pang kapatid then I pointed them out. "And these two jérk's fault!" singhal ko sa dalawa kong kapatid. Nagkibit-balikat si Rowan, samantalang si River naman ay ngumiwi at umiwas ng tingin.
Marahas akong kumawala ng buntong-hininga. Ilang araw nang lumipas pero wala pa rin akong nakukuhang impormasyon kung nasaan ang lalaking 'yon! Alam na din ni Genevieve na umalis ang ama nila. Sa una palang ay iyak siya ng iyak. Panay tanong niya sa amin kung bakit nagawa siyang iwan nito pero tulad ng bilin ni Fabian sa akin, ilang beses ko sinasabi sa triplets na mahal na mahal sila ng kanilang ama. Kaya lang umiinit ang ulo ko ngayon, siguro ay dahil na din sa pressure, bago man sabihin ni baba na ipahanap ko si Fabian, ginagawa ko na, actually. Dahil hindi pupwede ngayon si Raeburn dahil abala siya sa kaniyang trabaho sa laboratoryo ay nag-hired ako ng magaling na investigator para mahanap kung nasaan naroroon si Fabian. Hindi ko lang din sukat-akalain na magaling pala sa tagu-taguan ang damuhong 'yon!
Pinihit ko ang pinto upang silipin ko kung tulog na ba ang triplets. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto at humakbang palapit sa kama. Dahil bukas ang lampshade ay tumambad sa akin nang tatlo kong anak na mahihimbing na natutulog sa iisang kama. Para bang komportable sila sa posisyon nilang 'yon. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood ko ang mga anak ko. Kinuha ko ang comforter at ipinatong ko sa kanilang katawan ito lalo na't naka-aircon ang kuwarto na ito.
Ilang saglit pa ay lumabas na din ako ng kuwarto. Sunod ko pinuntahan ang kuwarto ko. Laylay ang magkabilang balikat ko nang tumuntong ako sa aking silid. Hinubad ko ang aking coat at ipinatong ko 'yon sa single couch at umupo. Tumingala ako sa kisame ng silid. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata sabay dumapo ang palad ko sa aking tyan. Nararamdaman ko na din ang paglaki nito.
"Gagawa ng paraan si mama para mahanap si papa, hayaan ninyo. . . Makikita ninyo din siya." mahina kong saad na bakas sa boses ko ang kalungkutan ngunit hindi ibig sabihin 'yon ay nawawalan na ako ng pag-asa. Kahit ang mga Wu ay wala pa rin silang balita tungkol sa kaniya.
Bakit ba ayaw mo magpakita sa amin, Fabian? Ang sabi mo, gusto mo kaming makasama? Pero bakit gumagawa ka ng paraan upang hindi ka namin matagpuan?
Umupo ako ng tuwid nang marinig ko na may kumatok at nagbukas ang pinto ng aking silid.

BINABASA MO ANG
Nice & Spice | Completed
RomansaLA HEREDERA SERIES #4 : Kahit minsan ay hindi sumagi sa isipan ni Sarette Ho na pumasok sa isang relasyon. Sapat nang makita niya ang mga kapatid na masaya ang mga ito sa buhay pag-ibig at buhay-may asawa na. Mas gugustuhin niyang unahin ang career...