Chapter 22

626 17 0
                                        


Tinawagan ko si mama, nagpasuyo ako na siya muna ang magbabantay kay Genevieve habang wala ako. Hinintay ko muna dumating si mama saka kami umalis ni Raeburn, nasabi ko din sa kaniya ang sitwasyon na kahit siya ay hindi makapaniwala na si Mirko ang donor ng anak ko. Hindi na rin ako magtataka kung makakarating ang balita na ito sa mga kapatid ko o sa iba pa naming kamag-anakan. Nagpaalam kami kay mama na umalis na. Siya na daw ang bahala kay Genevieve. Tatawagan nalang daw niya ako kung may problema ba.

Agad kami pumunta ni Raeburn sa laboratory dahil sumasailalim pa rin ang katawan ni Mirko sa autopsy. Ginagapangan man ako ng kaba at takot sa aking sistema ay pilit ko pa rin 'yon nilalabanan. Gusto kong malaman kung bakit humantong sa ganito. Pero bakit pakiramdam ko ay kinokontrol ang sitwasyon na mayroon kami? Bakit pakiramdam ko ay may nagbabantay? Bakit parang alam niya na ganito ang kalalabasan ng lahat? Planado ba ito o ano?

Hanggang sa dumating na kami sa sinasabi ni Raeburn na laboratoryo. Dito palang sa labas ng silid ay tanaw ang katawan ni Mirko na nakahiga sa operating table. Hindi ko maiwasang mapasapo sa aking bibig nang makumpirma ko na wala na talaga ang malapit kong kaibigan. Gustuhin ko mang umiyak pero wala nang luha na gustong lumabas sa aking mga mata.

Pumikit ako ng mariin. Mahirap man tanggapin ay wala na akong magagawa, lalo na't nakakabit na ang kaniyang puso sa katawan ni Genevieve. "Alam na ba ito ng mga magulang niya?" I suddenly asked my cousin beside me.

"Dumating na ang kaniyang ina, along with his girlfriend, pero ang kaniyang ama naman ay pauwi pa lang galing Paris." seryoso niyang sagot. I heard his footsteps. "They look devastated as héll, atsi."

Para lalo nadudurog ang puso ko nang marinig ko ang kasagutan niya. I knew they'll be devastated for what happend to him.

"At kahit saang anggulo tingnan, malalaman na pinatáy si Mirko, atsi." konklusyon niya na dahilan para dumilat ako at bumaling sa kaniya na hindi makapaniwala. Seryoso siyang tumingin sa akin nang humarap siya't nakapamulsa. "Masasabi ko din na mukhang alam ng kíller na may hawak na donor card si Mirko kaya kinuha niya ang tsansa na 'yon na maging dahilan para mablockmail si Fabian."

Halos malagutan na ako ng hininga sa aking narinig. Dinaluhan ko ang bakanteng silya na malapit lang sa akin. Dinaluhan ko 'yon at umupo para mabigyang-suporta ang aking sarili. "Kung sinuman ang pumatáy kay Mirko, kung sino ang dahilan kung bakit umalis si Fabian, masisiguro kong pagbabayaran niya ito." sabay dukot ko sa aking bulsa. Inilabas ko ang zip lock bag. Tiningnan ko ang papel na may nakasulat na isang pangalan doon na hindi nabubuksan ito. Kanina ko din napansin na pangalan ang nakasulat sa maliit na papel na ito, may larawan pa ng isang gusali. Isang condominium. "You have to investigate this name. . . Molly Morales." seryoso akong bumaling sa kaniya. "You know what to do, Raeburn."

Tumango siya. "I will, atsi."

"Marami akong gustong malaman. Gusto kong malaman kung siya nga ba ang kagagawan nito... Dahil sa oras na malaman ko na siya nga ang may gawa nito, hinding hindi ko siya mapapatawad." matigas kong binitawan ang mga salita na 'yon.

**

Seryoso akong tumingin sa labas ng Penthouse habang hawak ko ang kopita na naglalaman ng red wine. Hindi ako kampante sa mga sunud-sunod nangyayari sa buhay namin. Lalo na sa amin ni Fabian. Hindi ko maitindihan kung ano gustong mangyari ng salarin. Hindi rin magawnag magpahinga ng utak ko. Kahit saan ako magpunta, sumasagi sa isipan ko ang sinapit ni Mirko. Sino ba ang pumaslang sa kaniya? Para sa akin, mabait ang kaibigan ko at wala siyang tinatapakan na ibang tao. He's approachable and gentleman, wala rin naman ako natatandaan na may kaaway siya o may galit sa kaniya.

Uminom ako ng kaunti sa kopita. Iniisip ko na kinakailangan ko na din kumilos para malaman ko ang katotohanan sa likod ng mga ito. Hangga't hindi pa nalalaman ni Genevieve na iniwan kami ni Fabian, may pagkakataon pa ako na ako naman ang kikilos. Hindi pa lubusang gumagaling ang anak ko, hinding hindi niya kakayanin kung malalaman niya ang katotohanan.

Nice & Spice | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon